Chapter 3

1K 101 21
                                    

Chapter 3

Kung kailan malaya na 'kong pumunta sa kahit saan ko magustuhan, ay saka naman ako takot na takot lumabas.

Sa tingin ko, kahit tadtarin ako ng bodyguards ni Lonzo at samahan pa ni Calysta, lagi kong iisipin na matatagpuan ako ng mga galamay ni Papa o ni Papa mismo.

Huminga ako nang malalim at inalis muna iyon sa isipan ko.

Kumapit ako sa handrail ng balcony at inaliw na lang ang sarili ko sa tanawin. Nakamamangha ang matataas na gusaling tabi-tabi rito sa Maynila. At kahit nasa 24th floor kami ng condominium building, hindi naman nakakalula. Yumuko pa 'ko at pilit tinanaw din ang maliliit na sasakyang umaandar sa kalsada.

Inangat ko ulit ang mga mata ko at lagpas sa matataas na gusali ay ang Manila Bay. Maganda 'yon tuwing sunset. Sa isang linggo kong paninirahan dito sa condo ni Lonzo, ang manood ng paglubog ng araw ang hindi ko nakakalimutang gawin.

It's my first time to view a cityscape with a bay. Kung nadala ko lang ang mga drawing materials ko, naguhit ko na ang araw-araw kong tanawin. Nakakapanibago kaysa sa madalas kong tanawin sa dati kong kuwarto...

Wala sa sariling nahaplos ko ang puson ko. Gusto ko rin namang lumabas at makapasyal. Gusto ko naman talagang makita kung anong mayroon dito sa Maynila. Sa tingin ko, hindi sapat ang mga napapanood ko noong TV shows at nababasang libro, magazines, at diyaryo para mailarawan ng buo ang Maynila.

"Naomy, look at this brochures. You choose what antenatal classes and exercises will take. Binigyan ako ng marami ni Harana. She'll take the prenatal yoga because her husband wants her to be relaxed while still working."

Lumingon ako at nakatayo na si Calysta sa may tapat ng sliding door palabas ng balcony. May mga hawak siyang makukulay na papel sa mga kamay.

"Si Harana... siya ang sinasabi mong k-kaibigan mo at t-tiyahin niyo nina Lonzo?"

"Yes! She's Lolo Eloy's youngest daughter. Pero kaedad ko lang, remember? May unang anak na sila ng husband niya ngayon. Right now, she's pregnant for the second time na."

"Si Aleksander Conrado ang asawa ni Harana, t-tama ba? Pinsan din ng asawa mong si Magnus..."

Sa dumaan na isang linggo, lagi akong kinukuwentuhan ni Calysta. Marami akong pangalan na tinandaan. Pati mga relationships. Para raw hindi ako malito kung sakaling makilala ko ang mga kamag-anak nila.

"At kamag-anak mo rin si Alek sa Claveles side," dagdag pa ni Calysta. Hinawakan niya 'ko sa pulsuhan at hinila papasok sa malamig na sala ng condo. Lagi kasing nakabukas ang aircon dito kapag umaga.

"Anyway, walang chance si Harana before to attend antenatal classes kasi bata pa siya nang mabuntis kay Pichi. Sobrang tipid nila ni Alek noon sa money. Ngayong, kasal na sila at parehong magandang kumita, Harana wanted to experience it. Also, since she's the CEO, she can't ditch work. But she doesn't want din naman na hindi healthy ang pregnancy niya. You want to attend the prenatal yoga class, too? Para maging kalmado ka rin sa pagbubuntis."

Hindi naman ako natatakot sa pagdadalang-tao ko. Mas natatakot pa rin akong makita ako ni Papa at saktan kami ng baby.

Tiningnan ko si Calysta na nakaupo na sa sofa at palipat-lipat ang tingin sa mga brochures. Mas siya ang nahahalata kong hindi kalmado. Nabanggit lang sa 'kin ni Magnus noong isang araw na takot kasi sa panganganak si Calysta. Lagi daw iniisip ni Calysta na baka mamatay ito sa panganganak.

"G-Gusto mo bang mag-yoga, C-Caly? Ahm, k-kapag gusto mong kasama si Harana, s-sasama na lang din ako sa i-inyo... Kung o-okay lang din kay Harana na k-kasama ako..."

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon