Chapter 6

1K 115 22
                                    

Chapter 6

Malinaw naman sa akin ang lahat mula sa umpisa.

Walang gusto sa 'kin si Lonzo. Hindi niya 'ko magugustuhan kung katulad ni Ate Nichole ang tipo niya. At kung si Ate Nichole pa rin ang nasa puso niya.

Nabuntis lang ako dahil sa init at bugso ng mga damdamin nang nag-iisang gabing iyon.

Tanggap kong ang pagtingin ko kay Lonzo, hindi masusuklian sa paraang siguro'y lihim na inasam ko rin.

I already settled with the fact that whatever connection we have now, it's just for the baby's sake. Sobra-sobra pa nga ang ginagawa ni Lonzo para lang sa baby.

I was protected and very well provided in a place far from home and I'm not familiar with. Wala akong naririnig na pag-angal mula kay Lonzo mula nang pinatira niya 'ko sa sarili niyang tahanan.

I'm beyond grateful to him. Kaya't sa tingin ko, wala akong karapatang masaktan sa narinig kong ayaw niya 'kong pakasalan. Kahit pa "for convenience" lang.

Wala rin akong karapatang makaramdam ng pagkabigo dahil noon pa man, ako lang ang patuloy na humahanga kay Lonzo.

"You look upset, Naomy. What happened?"

Napakurap ako at napaangat ng tingin kay Calysta. She looked worried with her pouting lips. Napatuwid ako ng likod at agad na umiling.

"W-Wala, Caly. May iniisip lang ako. Huwag kang mag-aalala sa 'kin..."

"Are you sure? Do you want to go home na? Hindi ka na ba comfortable na nagtatagal tayo rito sa mall?"

Inaya ako ni Calysta kaninang umaga na mamili ng maternity clothes. Tumango lang ako kahit wala talaga akong gana para lumabas.

Pero kasi, nasa condo lang din si Lonzo. Hindi pumasok sa trabaho.... At kahit wala namang nakakaalam na narinig ko ang usapan nila ni Ras kagabi, parang malalaman pa rin ni Lonzo na may alam ako kapag nagkita kami.

O baka lalo kang masaktan kapag nakita mo siya at maalala kung gaano niya katigas na sinabing ayaw ka niyang pakasalan, Naomy?

Wala nga sabi akong karapatan!

"Now you look irritated, Naomy. Should we just go home? Next time na lang tayo mag-shopping."

Agad akong umiling kay Calysta. Hindi ako aware na napasimangot na pala ako kaya't agad kong inayos ang ekspresyon ko.

"H-Hindi, Caly... D-Dito lang muna tayo. Pasensya na talaga. May iba lang akong iniisip pero mas maganda ngang nandito tayo at nag-iikot-ikot..."

She pouted, again. "Are you really sure? I think you're not in your usual self. If the pregnancy hormones are attacking, just tell me."

Nagawa ko nang ngumiti kay Calysta. Ayokong magsinungaling sa isang kaibigan pero ayokong ipaalam kahit sa kanya na inaaway ko ang sarili ko.

Sino ba kasing may sabing masaktan ako kung ayaw akong pakasalan ni Lonzo? Wala naman talagang plano na ganoon!

"Gusto ko sanang bumili nang pantulog, Calysta. Saan ba nakikita dito niyon?" tanong ko na lang sa kanya para maiba na ang usapan.

"Oh, I know a perfect shop for that!" Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila sa kabilang dulo ng mall. Alertong nakasunod naman ang mga bodyguards sa 'min.

Pagdating namin sa isang shop, nanlaki ang mga mata ko. "C-Caly... hindi naman lingerie ang p-pantulog ko... H-Hindi ako nagsusuot ng mga g-ganito..."

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon