Chapter 8

1.1K 120 23
                                    

Chapter 8

Tumunog ang cellphone. Kaya't agad ko 'yung tiningnan at nakita ang text message mula kay Lonzo.

Still can't come home yet. Currently in Sta. Carmina with Ras for business purposes. Your bodyguards are always there in case you want to go out. I doubled your security, too. For your peace of mind, Naomy.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero pinili kong makampante na lang. Napabuga ako ng hangin at binasa pa ulit ang text message niya.

Sinara ko ang flip phone at ibinalik sa side table. Oo, nakakalungkot na hindi pa bumabalik si Calysta. At saka naman kailangang umalis din bigla ni Lonzo para sa trabaho. Pero ayos na rin siguro 'yon. 

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at saka nagtakip ng comforter sa katawan. Pumikit ako at naalala ang huling pag-uusap namin ni Lonzo.

I exhaled slowly. Hindi ko pala matatago nang matagal ang takot ko. Maybe, the fear I'm showing was really beyond normal. Kaya't naghihinala na si Lonzo.

Ayokong magsinungaling sa kanya. Pero sa tingin ko rin, hindi ko pa kayang aminin kung gaano kalupit si Papa sa 'kin.

Buti na lang at bago ako makasagot no'ng gabing iyon ay biglang dumating si Ras. Nawala sa 'kin ang atensyon ni Lonzo hanggang sa kailangang umalis ng magpinsan. 

Kung tama ang pagkakarinig ko, may problema raw sa farm ng mga De Haro sa Sta. Carmina. 

Napabuntong-hininga ako. Sa pag-uwi ni Lonzo, kailangan ko ring sagutin ang tanong niya. Kung maalala niya pang itanong ulit iyon. Maybe, I can't really hide it further.

Maniniwala kaya sa 'kin si Lonzo? Knowing that when he was in a relationship with my older sister before, Papa was great around him. At saka, hindi puwedeng hindi rin mapag-usapan si Ate Nichole. Although my sister didn't abuse me in any way, she ignored me most of the time. I'm only called when I can bring convenience and favor to her.

Sa tingin ko, kahit anong gawin ko para protektahan ang image nina Papa at Ate, sa 'kin lang din babalik kapag nagsinungaling at nagtago ako ng katotohanan mula kay Lonzo. Baka magalit pa sa 'kin si Lonzo kapag nalaman niyang nagsisinungaling pa 'ko sa kanya, habang ibinibigay niya ang lahat ng seguridad na kailangan ko. 

Kung hindi ba ako ang ina ng magiging anak niya, will Lonzo still help me get away from Papa?

Nakatulog na 'ko sa pag-iisip. When the next day came, Calysta called me. Nakipagkuwentuhan siya sa 'kin at humingi ng pasensya dahil hindi pa siya makabalik ng Manila. 

"Walang problema sa 'kin, Caly. Maayos naman ako rito. Pinagluluto ko ngayon ang mga bodyguards. Nag-crave ako ng carbonara kaya gumagawa ako ngayon at bibigyan ko sila."

"Carbonara? Yum! I wish I was there to taste that. Anyway, ilan na ang bodyguards mo riyan? Binisita ko kasi si Daddy at Mommy kanina sa mansyon, tapos nakita ko si Kuya Lonzo sa farm."

"Lonzo doubled the security. May fifteen na bodyguards dito. For my peace of mind daw."

Natawa si Calysta mula sa kabilang linya. "Baka for his peace of mind! Told you, he's a security freak with superhero complex. You're the damsel in distress, kaya gustong-gusto ni Kuya Lonzo iyan. He left you money naman, so you can pasyal or shop?"

"Oo. Nag-grocery ako kanina para bumili ng mga sahog sa carbonara." Napangiti ako dahil nakalabas na 'kong mag-isa. May mga nakapaligid lang sa 'king bodyguard pero hinayaan nila akong makapamili nang ako lang.

"That's great! I'll ask Magnus kung kailan kami makakabalik ng Manila. May bagong type of pest kasi yata that's going around here sa Sta. Carmina. Pati mga alagang baka at baboy ng animal farm, dinidikitan ng peste. Ang kawawa, kasi kailangang patayin ng mga na-infect na alaga. Ang laking loss sa business. This is the same pests that infested our crops in the De Haro. Sabi rin ni Harana, naapektuhan ang cassava farm ng husband niya. It's kind of alarming..."

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon