02

54 4 0
                                    


02

Matcha


"You didn't remember anything? Baka alam mo, ayaw mo lang sabihin?" a creepy smile was plastered in Posie's lips while she was asking the questions.

Agad namang umikot ang mata ko.

"Wala nga akong naalala, paulit-ulit?" medyo inis kong sinabi.

Totoo naman kasi na wala akong may naalala pagkatapos kong magsuka sa labas ng club na 'yon. Hindi ko nga rin alam kung paano ako naka-uwi except sa part na si Cairo iyong nagdrive ng sasakyan ko at siya rin siguro ang nag-uwi sa akin.

The next thing I knew, I was inside my condo unit with my comfortable clothes, clean face, and nice hair. Hindi iyon ang mukha ko sa huling pagkaalala ko kaya takang taka ako kung paano ako nalagay sa pangyayaring iyon dahil hindi ko talaga maalala.

I was dead last night and I hate myself because of that. I promised myself that I wouldn't drink that hard. Pero kanina lang nagising ako ng may hangover at hanggang ngayon pero pa rin!

Nakakaputanginang hangover.

"You should ask Cairo what he did to you. Baka siya iyong nag-asikaso sa 'yo, mahiya ka naman, Dior Lou." Ana said cooly.

Wala akong ideya kung nasaan ngayon si Cairo. Ni hindi ko nga alam kung ano ang block ng lalaking iyon. The only thing I know that he is from College of Technology department and taking engineering!

Should I ask Priam?

"Si Priam ba asan?" tanong ko sa dalawa.

Simula kaninang umaga ni hindi ko nakita ang anino ng babaeng iyon. Wala akong nakuhang chat sa kaniya simula kaninang umaga. Kapag normal na araw kasi, maaga pa iyong magchachat para sabihing paalis na siya. Sabay rin kasi minsan dahil sumasama siya sa akin sa aking sasakyan.

Kaya ngayon, hindi normal ang araw na 'to.

"Hindi rin namin alam, may nakapagsabi nga sa akin kanina na kaklase niya hindi raw siya pumasok sa first class nila."

What the fuck? Gano'n din ba siya kalasing kagabi?

Damn, kailangan ko na talagang kalimutan ang gabing iyon. Masyadong maraming nangyari na hindi ko naman gusto.

And God, lagot talaga ang babaeng iyon sa akin. Hindi na ako binalikan sa table namin at kung kanino na sumama! Kung alam ko lang na iyon pala ang mangyayari e'di sana hindi na ako sumama. Hindi ko naman inakala maaapektuhan ako sa mga babaeng lumapit kay Cairo.

I mean, I wouldn't drink like that if he joined with me last night. Damn, bakit ko ba sinisisi ang lalaking kahapon ko lang din nakilala?!

I roamed my eyes around the cafeteria. Hindi ako mahilig tumambay dito pero dahil sa dalawang kumakain na nasa harapan ko ay wala akong nagawa. This huge ass cafeteria is full of students. Medyo maingay rin hindi ko talaga gusto ang lugar.

I tried to text Priam pero wala akong natanggap na response mula sa kanya. Sinubukan ko ring tawagan ngunit wala talaga, nagriring lang ang phone niya.

"We already tried it a while ago. She didn't answer her phone." Posie announced.

"Baka na turn off niya ang ring tone," ani pa Ana.

I was convinced that girl is still asleep! Napabuntonghininga na lang ako at nakisabay sa dalawa na kumakain ng fries.

Isang oras ang nakalipas ay umalis ang dalawa dahil sa kani-kanilang klase habang ako naman ay naghintay pa ng ilang minuto para sa practice namin ngayon. I have a three hour practice today, the school will going to welcome the Palaro next week. Isa ang dance club sa sasayaw, medyo masama pa talaga ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi pero wala rin naman akong magagawa dahil naisama ako roon.

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now