10

30 5 0
                                    

10

Pictures


Nagising ako dahil sa tawag ni Cairo. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit nang sinabi niyang nasa labas siya ng building ng condo unit ko ay parang gusto ko ng liparin ang cr para makapagligo agad.

"Ang aga mo naman," reklamo ko sabay ahon sa kama.

"Wala ka bang morning class?" he asked me through our phone.

"Wala, dedicated ngayon ang department namin para sa u-week. Ikaw may klase ka ba? Baka ma late ka," I bit my lower lips.

Nasa pintuan na ako ngayon. Hindi ko alam kung papasukin ko ba siya o hindi. Nasa labas pa rin naman siya ng building o baka may pasok pa siya...

"Akala ko meron, ihahatid sana kita..." he paused for a while.

Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil sa tuwa. I mean, he woke up this early para sana ihatid ako sa klase ko. I should inform him every night kung ano ang gagawin ko kinabukasan para hindi na siya maghintay pa sa akin.

"Wala rin akong pasok," dugtong niya.

Should I tell him to go home?

Or...

"Pwede mo ba akong bilhan ng salonpas? Or something menthol that could relieve my body pain," iyon nalang ang nasabi ko.

It supposed to be Yossef, pero dahil busy daw ang loko hindi niya ako mabilhan. I was supposed to buy last night but I was too tired to buy. Kung ngayon naman... baka pwede naman.

"Or magkikita nalang tayo dyan sa baba—" he cut my words.

"Hindi ako na. I can recommend some body reliever na ginagamit ko after game." he offers.

Napangiti ako sa sinabi niya. Iyon din kasi ang rason kung bakit si Yossef ang gusto kong bumili dahil marami siyang alam tungkol doon. The only thing I knew was salonpas since I often used it when I have body pain.

Habang bumibili si Cairo ay hindi niya tinapos ang tawag. He was still talking to me, dinig ko rin ang pamimili niya at ingay sa loob ng shop na binibilhan niya. Habang ako naman ay naligo nalang din.

I heard him he got everything tapos na rin ako sa pagbibihis. Pumunta ulit ako sa living area para salubungin siya. When I opened the door, umuwang ang labi ko sa nakitang plastics na pinamili niya.

Cairo is wearing a simple white t-shirt and jeans paired with his back shoes. Muling dumapo ang tingin ko sa mga bitbit niya. Ang pinabili ko lang ay salonpas at ipapahid sana sa katawan ko pero may mga dala pa siyang iba iba.

"Sabi ko salonpas lang eh," reklamo ko sabay kunin sana ang pinamili niya ngunit kaagad niya iyon nilayo.

He entered my condo like he often to be here and placed everything on my mini-dinner table. Kita ko na halos pagkain ang naroroon sa kanyang pinamili. May mga gulay, packs of meat, and other things that I just saw when I was at the grocery store.

"Don't tell me..." ani ko sabay niliitan siya ng mata.

"I can't help, alam kong hindi ka kumakain ng maayos," he said like he already knew me for a decade.

Aangal pa sana ako ngunit wala na akong nagawa nang buksan niya ang fridge ko. Walang lamang iyon kung 'di tubig at ang ginawa kung yogurt noong isang araw. Maging ang pantry ko ay wala ring laman dahil hindi talaga ako nagluluto at minsan lang din kumakain ng instant noodles.

The only thing that I can do to survive is to order food or to eat outside. Walang nagluluto sa akin, kahit iyong yaya ko sa bahay ay hindi na rin ako binibisita.

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now