09

33 4 0
                                    

09 
Memories

In the next few days, Cairo’s feet finally functioned well. Nakakapaglaro na rin siya at mabilis na kung tumakbo sa field. Narinig ko lang iyon kay Yosseff at Priam dahil naging masyadong busy ang mga araw ko. 

We haven’t seen each other too. My schedule was tight as well as his, dahil bumalik na siya sa training at paglalaro. All we can do is to chat each other in our social media, para naman hindi awkward kapag nagkita ulit kami. 

He always messages me every morning or every time he is free. Gano’n din naman ako sa kanya, kaya medyo sanay na ako kapag umaga na siya iyon unang nakikita ko sa notifications ko. 

Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ko na rin nakakasama. Dahil maging sila ay super busy na rin.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga matapos ang sunod-sunod na sayaw. My whole body was aching and I thought my body was already prone to dancing since I’ve been doing this since I cannot remember. Pero ngayon pakiramdam ko parang binugbog talaga ang katawan ko.

“Are you okay?” I heard Nate ask. 

Isang tipid na ngiti ang tugon ko bago tumango. Tumango rin siya bago niya tinapik ang ulo ko. This dance is for our university week, hindi pa ito para sa interschool pero pagod na pagod na ko. I still have ballet recital and still have a fucking class.

Damn, I wanted to die. 

Tinawag kami ng dance instructor namin at lumapit kami sa kanya. Habang naro’n ay minamasahi ko ang aking kamay at balikat, sa parting iyon talaga ang masakit. Maging ang likod ko ay gano’n din.

“We already finalized the step, for our next practice, we need to perform it with our costumes in order for everyone to adjust. Alam kong nasa semi-professional na ang iba sa inyo, nagcompete na rin sa big stages and events, but I want it to perfect dahil this university week maraming tao ang dadalo hindi lang ang mga students dito.” our instructor reminded us.

He was right about our university week. It was open to all school, iyon din siguro ang naging big deal lately dahil ayaw talaga ng mga student ang gano’n. But since they already posted about it, ramdam ko talaga na maraming tao ang pupunta. 

“That is for now, pwede na kayong umuwi alam kong pagod na pagod kayo.” 

After he ends his announcement, kinuha ko ang duffel bag na dala ko at pumasok sa changing area. Isang kulay baby pink na halter top dress ang suot ko para isang suotan lang. I bun my long curly hair para hindi iyon sagabal pa sa akin. 

Pagkalabas na pagkalabas ay bumungad sa akin si Ms. Diane, hanggang ngayon ay kinukumbinsi pa rin ako. I heard from students that they opened an audition for Dance sports for upcoming inter-school competition. Hanggang ngayon hindi pa rin ba sila nakakuha ng dancer doon?

“Finally, nakita rin kita,” she said and walking towards me.

Ilang araw ko rin siyang pinataguan. Kahit sa classroom ko ay pinupuntahan pa ako roon. Sometimes, I find her annoying pero minsan ay naawa na rin ako sa kanya dahil sa pamimilit niya sa akin. 

“I talk to you Dad,” she said, which made me bite my lower lips. 

I hate it when they talk to my parents. I hate it when my parents are involved in my life, especially now…

“I asked him if he was still open to sponsoring the school for upcoming inter-school, especially for dancing. And he said yes,” she continued in a happy voice. 

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sasabihin niya. My Dad would love that idea, especially election is coming. Magiging matunog na naman ang pangalan niya at makikilala ulit ng mga tao. 

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now