03

56 3 0
                                    


03

Florence


The next day, I waited for Priam in her usual spot in the parking area of the school. Medyo maaga ako dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi rin ako nakinig sa prof ko kahapon dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa post-it na binigay ni Cairo. Hindi pa nga ako nakasali sa group activity namin dahil wala talaga ang atensyon ko sa buong klase.

After my class yesterday, I waited for Yosseff to finish his practice. Medyo sa mataas na bench ako umupo dahil doon lang ang hindi mainit masyado. It was the first time I am watching them with an awkward feeling.

Lalo na noong natapos talaga. Kung hindi siguro dahil sa asaran ni Yosseff at ng iba niyang kaibigan ay talagang mahahalata ng lahat ang awkward sa kilos ko. I tried to act normal yesterday, but I couldn't. I wanted to catch Cairo's eyes, pero ni isang dapo ng tingin sa akin ay walang nangyari.

Gusto ko mag-sorry at magpasalamat sa kanya ngunit hindi ko naman magawa iyon dahil sa pag-iwas niya. Kaya wala na akong nagawa pa kung 'di ang umalis.

I message and call Priam last night too pero hindi talaga siya sumasagot sa akin. Ngayon, nalaman ko kay Yosseff na sa aattend na siya ng pasok kaya ako nagmadali ngayon araw papunta rito.

Nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan ay kaagad akong bumaba sa akin. It was Priam's car. I waited for her hanggang sa lumabas siya.

"Priam!" sigaw ko.

Tumaas ang kilay niya sa akin bago tuluyan sinirado ang pintuan ng sasakyan niya.

"What?" inis niyang tanong.

"You should tell me about this?!" sabay pakita ko sa post-it na kasama sa drink ko kahapon.

Kinuha ni Priam sa kamay ko ang post-it. Kita ko ang pag-inat ng kanyang labi bago ako inakbayan. Magkasingtangkad lang kami kaya hindi siya nahirapan roon. Hindi niya ako sinagot kaya muli akong nagtanong sa kanya.

Isang tawa ang pinakawalan niya habang nakatingin pa rin sa post-it. She was about to speak when a loud noise came from a motorcycle made her mouth shut. Sabay kaming napatingin sa gawing iyon at isang ducati ang paparating. Sisigawan ko sana dahil sa ingay ng motorcyle niya ngunit nang makita ang isang sticker ng soccerball ay napahinto ako.

Hindi ko kilala ang lahat ng naglalaro ng football sa buong school pero pakiramdam ko ay si Cairo iyon.

"Oh shit, Ducati. Mayaman. May taste. Mukhang yummy. Amoy daddy." sunod-sunod na komento ni Priam.

"Eww," iyon na lang ang nasabi ko sabay na parang nasusuka.

At hindi nga ako nagkamali, pagkatanggal na pagkatanggal niya ng kanyang helmet ay kaagad kong naanig ang kanyang mukha. Napakagat ako ng labi at aalis na sana ngunit mas lalong diniinan ni Priam ang kamay niyang naka-akbay sa akin.

Hinampas ko ang kamay niya na parang nasa wrestling kaming dalawa. Gustong gusto ko na makawala roon dahil pakiramdam ko ay may gagawin na namang hindi maganda itong kaibigan ko.

"Cairo Lagman! Cairo! Yuhoo!" kuha ni Priam sa atensyon ni Cairo habang nagliligpit ng gamit niya.

Napalingon naman si Cairo sa amin. Priam waves her hand above and Cairo did a little nod. Napatakip naman ako ng aking tainga dahil sa tinis ng sigaw ni Priam nang ginawa iyon ni Cairo.

Cairo fixes his hair on the side mirror before he walks. Sympre madadaanan niya talaga kami. Parang sinasakal naman ako ng kaibigan ko habang kinikilig pa rin.

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now