06

40 4 0
                                    


06

Lunch 


"Dito lang ako, Princess. Kailangan kong kunin ang sasakyan ko," pagpipigil ni Yosseff sa akin sa kalagitnaan ng pagdi-drive.

Kumunot ang noo ko at nataranta kung saan ipapark ang sasakyan.

"W-Wait what?" litong tanong ko, hindi na maipinta ang mukha.

I couldn't believe it.

Don't tell me iiwan niya kaming dalawa ni Cairo rito? Tangina talagang lalaking 'to.

"I said I need to get my car, Dior Lou," ulit pa niya talaga.

Inis kong hininto ang sasakyan at sinunod ang sinabi niya. Cairo panicked too, pinigilan pa ang pinsan ko sa paglabas. Dalawa na kami ngayon ang nakahawak sa damit niya. We both beg him to stay.

Sabay din kami nag-iwas nang tingin dahil sa ginawa naming paghawak kay Yosseff. Ugh, this man, I cannot!

"I need to get my car, hindi na kayo bata na dalawa. Susunod ako, I will text you, Dior. Mabilis lang 'to, hindi naman siguro kayo magsasabunutan diba?" he sarcastically said.

Talagang nakuha niya pa 'yon sa kalagitnaan ng taranta namin ni Cairo. He both held our hand and remove it from his cloth. Muling niyang sinabi na susunod siya at mabilis lang 'yon bago tuluyang lumabas ng sasakyan ko.

Napabuntonghininga naman ako at napatingin kay Cairo. Should I drop him here or not?

Fuck, Dior Lou. Kasasabi mo lang na ikaw ang magmamaneho sa kanya habang hindi pa niya kayang magmotor!

I immediately regretted my words a while ago. Hindi na ako nagsalita pa at muling binuhay ang sasakyan. Cairo instructed me to his apartment. Yes, he said apartment not condo or any other home that sounded expensive.

Medyo may kalayuan pala iyon sa school namin pero dahil naka motor naman siya ay mukhang ayos lang hindi naman siya gaano maiipit sa traffic at isa pa palagi siyang maaga kapag pumapasok.

It looks safe rin dahil wala medyo tambay na naroroon at mukha siyang village talaga. Pinasok ko ang sasakyan ko at nang nasa harap na ng apartment niya ay hininto ko ang sasakyan. Wala si Yosseff dito, malamang sa malamang ako ang aalalay sa kanya sa paglabas.

"I think kaya ko namang lumabas," aniya kaagad, hindi na hinintay ang tulong ko.

I didn't listen to him. Nauna akong lumabas sa kanya at binuksan ang pintuan. I offered my hand, napatingin pa siya sa akin bago tuluyang humawak sa kamay niya. Akala ko mag-iinarte pa, baka itulak ko pa siya rito.

"Wala ka bang iyong tungkod or ano man na pwede mong gamitin?" hindi iyong reklamo, tanong iyon.

"Dadalhin ni Travis bukas, pasensya sa abala."

"No, hindi naman ako nagrereklamo. Ang akin lang baka mahirapan ka sa mga susunod na araw. Good thing na meron na bukas."

Tumango siya bilang tugon. He instructed me how to open the main door. Sabay kaming pumasok nang mabuksan iyon. Muli kong binuksan ang isa pang pintuan at tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng apartment niya.

My eyes widened the moment I saw the inside. It feels empty, it has only one table, two chairs, a TV on a small cabinet, and a bed. May mini kitchen din sa hindi kalayuan na sa tingin ko naman ay kompleto ang gamit. Maliit lang talaga iyon kumpara sa sarili kong condo, ang isang door mukhang cr na iyon.

"Sorry, hindi ko naman aasahan na sasamahan mo 'ko. Hindi ako nakapagligpit," He said almost a whisper.

I looked at the scattered papers on his table. I guess, study table niya na rin iyon. I saw some engineering things and a calculator with his eyeglasses...

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now