TBC 4

2K 46 3
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

"Kadiri ka, Seff." Sita ko sa kanya. Seff shortcut for Youseff. Pa'no ba naman, sinasawsaw 'yung saging sa ketchup. Siya lang talaga ang nakita kong gumagawa niyan.

Sa ilang buwang pagiging mag kaibigan namin, marami na akong natuklasan sa kanya. And one thing I'm sure of, he's weird because he loves doing weird things. Like what he's doing now. Super weird.

"Sarap kaya." Sagot niya saka kumuha pa ulit ng isang saging and do the same thing. Nakakapangilabot naman.

"Weirdo."

"Sa pagkakaalam ko, kaya tayo naging magkaibigan kasi pareho tayong weird?"

[Flashback]

Three months ago..

He's singing Count on me on the stage. At dedicated daw sa 'kin. Wala sa itsura niya ang gagawa ng mga ganyang bagay. He is a billionaire for Pete's sake.

"Ano Beverly? Pumapayag ka na bang maging kaibigan ko?"

Lumapit ako sa kanya sa may gilid ng stage. "Nakakahiya ka! Hahaha!" Tapos umakyat din ako sa tabi niya at kinuha 'yung mic na hawak niya at kumanta din.

♬ You can count on me
Like one, two, three
I'll be there
And I know when I needed
I can count on you
Like four, three, two
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah ♬

"We're both weird so I guess, I'll enjoy being your friend." Nakangiting sabi ko.

"Thank you for accepting me."

Tapos sabay na kaming kumanta. Nakakahiya man sa paningin ng iba pero nag eenjoy kami. Who cares? Hindi naman sila 'yung masaya e. Kami.

[End of Flashback]

"Iba 'yung pag ka-weirdo mo, sagad sa buto. Sa 'kin sa balat pa lang e." Biro ko.

"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa naman masyado!"

Hinampas ko siya ng unan sa kanyang sofa. "Epal."

Madalas na din akong tumambay dito sa villa niya kapag maaga pa para sa duty ko pero andito na ako sa tbc.

"Alis na ako, Seff. Ingat sa pagkain ng saging na may ketchup ha? Baka maging pulang unggoy ka niyan."

"Wait, hatid na kita."

"'Wag na. Malasin pa ako."

"Sa kagwapuhan kong 'to? Mukha ka pa bang mamalasin?"

"Hangin. Baka bumagyo na."

"Bumagyo ng kababaihan dahil sa 'kin, posible pa 'yun."

Kahit kailan talaga 'tong lalaki na 'to. We used to be like this. Asaran at tawanan. Tinanggap ko ang friendship na in-offer niya sa akin but I never knew that we're going to be this close. As in really close. Parang kami ni Bry or somehow, mas close pa kami ni Seff. Kasi hindi naman ako tumatambay sa bahay ni Bry kahit anong pilit niya, hindi ko alam kung ba't kay Seff pumayag ako. Maybe because I'm weird? Who knows.

"Shoo! Mag tatrabaho na ako!"

"Sige. Bye! Sunduin kita mamaya, Beverly!"

Nginitian ko lang siya at tuluyan na siyang umalis. Araw-araw na lang akong sinusundo niya. Hinahatid niya ako hanggang sakayan. 'Di ko na kailangan mag lakad. Laking tulong. Minsan nga, hinahatid niya pa ako hanggang bahay kaso ayoko talaga. Baka mamisinterpret ng iba.

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon