TBC 31

1K 32 11
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

"Happy Birthday, Mira!!!!!"

"Cheers!"

"Woooh!"

Kompleto kaming magbabarkada sa condo unit ni Mira. Birthday niya ngayong araw at wala daw siyang intensyon na magpaparty ngayong gabi sa iba. Exclusive lang daw ito sa aming mga magbabarkada. Tutal naman daw ay nagdinner na siya with her family.

Ilang kahang red horse at iba't ibang putahe ang mayroon sa harapan namin. Buti na lang at Saturday ngayon kaya walang pasok bukas. Magpapakalasing kami.

"Walang KJ dito ha? Mag iinom lahat! Wala naman tayong pasok e! Go!" sigaw ni Mira.

Siniko ko siya, "Gaga ka! Bakit wala dyowa mo?"

"I want to relax with you, guys."

"Aysus, kabago-bago niyo pero mukhang may problema na kayo ah," pang iisyoso ko.

Matagal na kaming magkakaibigan kaya halos alam na namin ang mga likaw ng bituka ng isa't isa. At sa nakikita ko ngayon, may problema siya.

She drinks her liqour then, "He's just for fun."

"If I know, lahat naman for fun lang sa 'yo."

Simula ng magbreak sila ng ex niya last, last year, naging ganyan na siya. Walang sineseryosong lalaki. Hindi ko alam kung masaya ba siya ng ganyan.

"It's hard to find someone you'll truly love and someone who'll be serious about you."

Napaisip tuloy ako. Taong mamahalin ko ng totoo at taong magseseryoso sa akin?

Isa lang ang pumasok sa isip ko, si Youseff.

"Hm, sinong pumasok sa isip mo? Si Youseff 'no?" tanong niya.

Uminom lang ako bilang tugon. I still don't know what happened to the past but I can trust him. Siya 'yung taong kayang pagrambulin ang puso ko. Kaya niyang palambutin 'yung puso ko kahit para na 'tong bato. Tanging siya lang.

"Kaya Bev, bumalik siya at huwag mo ng pakawalan pa. Lahat ng nakaraan niyo, 'yung mga mapapait na nakaraan, kalimutan mo na. Hindi ka sasaya kung patuloy kang hahawak sa nakaraan. Kung ano 'yung ngayon, 'yon ang isipin mo. Okay?"

Ngumiti ako, "Okay. Let's cheers to that."

Tama, hindi ko na dapat siyang pakawalan. Magpapakasaya ako kasi ito na ang huling pagkakataon na magiging single ako. Aamin na ako sa nararamdaman ko.

"Bev, why don't you invite Youseff?" singit naman ni Claud.

"Hoy tumigal ka, birthday 'to ni Mira! Tigilan mo muna 'yang pagiging fanatic mo," katwiran ni Zeny.

"No guys! Sige invite natin si Youseff! For fun lang, 'di ba?" sabi ni Mira.

Kinabahan ako. Parang teenager lang. 'Yung pakiramdam na makikita mo 'yung crush mo? Ganern.

"Oy, huwag na!" pigil ko pero mukhang natawagan na ni Mira si Youseff.

"Yeah, she's with us. It's my birthday. Kaya pumunta ka dito."

Naku, huwag naman sanang pumayag si Youseff. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.

Simula kahapon, simula no'ng ma-encounter ko si Amethyst, hindi pa kami nagkikita. Nagtext lang siya kaninang umaga ng Good morning!, tapos tanghali ng, Have you eat your lunch? Sana kasabay kita., tapos kaninang hapon ng, Can't see you this day. I had another interview. Nakakamiss ka. Badtrip!

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kigilin. Kasi naman e! Hindi naman siya ganyan magtext sa akin no'n e. Ngayon lang.

"Thank you. Lasing na lasing din kasi si Beverly kaya tinawagan na kita," dugtong pa ni Mira habang kausap niya sa kabilang linya si Youseff.

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon