TBC 10

1.4K 29 0
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Katulad nga ng sabi ko, ang bilis ng panahon. Naayos ko na ang requirements ko sa school at next week, start na ang sophomore life ko. Halos isang buwan na din ang lumipas simula ng mag outing kami sa subic.

Sa mga sumunod na araw na non, wala na ganong nangyari. Halos lahat ng kaibigan ko nag bakasyon sa kani-kanilanv probinsya. Si Bry naman nag ibang bansa kasama family niya. Sosyal ng loko. Si Youseff, ganun din. Nag ibang bansa din. Pasukan na nila sa lunes pero 'di pa siya umuuwi.

"Oy Beverly, ano na naman ang iniisip mo diyan. Lagi ka na lang may iniisip." Puna ni Maam Stacy.

Napabuntong hininga ako. "Wala, Maam. Pasukan na naman kasi. Kailangan na naman ng more raket. Buti pa mga friends ko gala lang inatupag buong bakasyon."

"Nag drama ka naman diyan. Okay lang 'yan. Tiis lang, aasenso ka din."

Ngumiti ako. "'Di na ako makapag antay."

May pumasok na customer at inasikaso ko. Bumilis 'yung oras ng dumami ang mga customer. Infairness, halos maubos ang stocks namin ngayong araw. Nang medyo mawala na ang mga customer, sinara na ni Maam 'yung shop.

"Thanks, Beverly. Look, almost whole of our stocks were bought! At dahil alam kong pagod ka, bigyan kita ng bonus today."

Kumikita pa ba 'tong si Maam Stacy? Sobrang galante e. "Hindi na maam. It's my job."

"Arte mo naman girl. Isipin mo na lang na nag OT ka. Sige na. Pag 'di mo 'to tinanggap ipapaban kita dito, iuutos ko kay Enrique. Ano?"

I rolled my eyes. "Sige na nga. Salamat."

Naglinis ako ng konti sa shop saka lumabas na. Agad kong sinilip 'yung phone ko, may 7 messages. Pag bukas ko lahat galing sa mga friends ko.

[From: Bry]

['Wag mo kong masyadong mamiss beb ha? Pauwi na ako bago magpasukan. Ingat ka diyan.]

Napangiti ako saka nagreply. Sabi ko pasalubong at mag ingat din siya. Buti pa si Bry nagagawa akong itext kahit nasa malayo. Si Youseff wala man lang paramdaman. Pareho lang naman silang nasa ibang bansa. Hindi naman sa obligado niya akong itext pero kaibigan ko siya, syempre namimiss ko din naman siya.

Ano kayang nangyari don? Mas mabuti pa siguro na daanan ko na lang muna siya sa kanyang villa. Pumunta ako sa villa niya pero nakasarado. Mukhang wala pa nga siyang balak bumalik. At dahil wala naman ang pakay ko, minabuti ko na lang na umuwi.

"Beverly!"

"O maam Stacy?"

"Akala ko umuwi ka na? San ka galing? Ah, alam ko na sa villa ni loverboy."

"Loverboy your face maam. Una ako. Bye! Wala naman 'yung mokong."

"Teka nakalimutan kong sabihin sa 'yo na sumama ka sa aquaintance party namin sa saturday sa UC ha?"

Napasimangot ako. "Nah. Ayaw ko. Outsider ako tsaka wala naman akong susuotin."

"I won't take no for an answer and you know me. I'm persistent."

Ano bang trip nito ni maam Stacy? Papasamahin niya ako sa acquiantance nila e hindi naman ako taga don. Baka ma-OP lang ako. "Andyan naman si sir Enrique ah?"

"That's my point. He is not going with me. May lakad sila ng family nila but I want to come so badly. Please?"

"Sa isang kondisyon. Sagutin mo lahat ng gagamitin ko."

Ngumiti siya at halatang natuwa sa isinagot ko.

---

Ako ba 'tong nakikita ko ko sa salamin? I know how pretty I am I didn't expect to be prettier like this. Nagbuhat talaga ako ng sarili kong bangko e 'no? Pero walang magtitiwala sa atin kundi ang sarili natin.

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon