TBC 28

1K 26 3
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Kanina pa ako pa-ikot-ikot dito sa labas ng airport. I can't find him. Hindi naman ako pwedeng makapasok sa loob. If this was a movie, I'm sure I can enter. But this is reality, it ain't one of the movie that has a happy ever after. Too bad.

Parang gusto ko ng sumuko sa paghahanap sa kanya. Baka nakaalis na s'ya. Ang kambal ay busy rin sa kakahanap sa kanya. Sila na lang ang pag asa ko na makahanap sa kanya.

Sa sobrang pagod, napahinto ako at nag pahinga. Baka ito na talaga ang tadhana namin. Ang magkahiwalay muli.

Dahil sa isiping iyon, hindi ko na napigilang umiyak. Pakiramdam ko'y naka-fast forward ang buong tao sa paligid ko habang ako ay nakatayo at hindi gumagalaw. I feel so pathetic. But I deserved it, I guess. Pinili ko 'tong tadhanan na ito. Ako ang nag tulak sa kanya na layuan at huwag na akong lapitang muli. Ginawa niya lang ang sinabi ko. And now, I feel devastated.

"Beverly?"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Laking gulat ko ng makitang si Youseff iyon.

Iniwan n'ya ang maliit n'yang bag at patakbong lumapit sa akin. "Beverly, w..what brings you here?" takang tanong niya habang pinagmamasdan ang buong itsura ko.

Agad naman akong naconscious. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan. Nagulat pa ako ng bigla siyang lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Bakit---"

"Youseff.." naiiyak na sabi ko. Kinakabahan at nahihiya ako pero this is my last chance so I have to do everything to stopped him from leaving. "Aalis ka daw? Babalik ka na daw ng ibang bansa? B..Bakit?"

"A-Alam mo? Paano mo nalaman?"

Lalo akong naiyak. Alam kong maraming tao ang maaaring makakita sa akin sa ganitong estado ko pero hindi ko na iisipin pa 'yon. Ilalabas at ipapakita ko ang totoong nararamdaman ko. Ayoko ng itago pa. Ayoko ng mag panggap pa.

Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib n'ya habang umiiyak. "So, wala ka pala talagang planong sabihin sa akin na aalis ka, ha? Ha? Plano mo talagang itago sa akin? Nakakainis ka!! Nakakainis ka!! Sobra!!". Mas lalo ko pa siyang hinampas. "Babalik ka dito at sasabihin sa akin na ako ang dahilan ng pag balik mo?! Tapos guguluhin mo ako?! Tapos ano? Ha? Bigla-bigla ka na lang aalis ng ganyan-"

Napahinto ako sa pag iyak at pag hampas sa kanya ng halikan niya ako ng mariin sa noo. "Shh.. Beverly.. Huwag ka ng umiyak." Tapos hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahang.pinunasan ang mga luha ko. "I'll be back. I'll be away for two or three days. May photo shoot lang ako sa States and I'll be back here for you."

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Babalik siya? Ano? Hindi ko ata maintindihan.

Huminga ako ng malalim, "Ibig mong sabihin, kaya ka aalis para sa shooting mo?"

"Hm, yes."

"H-Hindi ka mag tatagal do'n?"

"Nope. Two or three days kasama na ang byahe ko do'n."

Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Oh gosh! How could I not know it? Mukhang pinagtripan nga ako ng kambal.

"Alam ba 'to ng kambal?" tanong ko habang nakapikit. Ayokong dumilat. Ayokong makita ang reaksyon niya dahil sa kagagahan ko.

"Yeah. Sila 'yung kasama ko kagabi."

Shemay! Confirmed. Sinadya nila 'to. Bakit ba kasi masyado akong nag papadala sa emosyon ko? Ayan tuloy, naloko ako. Grrr!

"Oh, don't tell me kaya ka nandito because of those two?" tanong niya sa tonong akala mo'y may nadiskubre.

Nakapikit akong tumango.

TBC: YOUSEFF ANDERSONحيث تعيش القصص. اكتشف الآن