TBC 23

2.2K 45 10
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Inulit niya 'yung tanong niya sa akin. "Are you alright?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "H..Ha? O..Oo.." Halos mabulol ako ngayong nasa harapan ko siya.

Okay lang naman talaga ako physically. Hindi naman ako nasaktan o injured pero 'yung dibdib ko, hindi okay. Parang kakawala sa katawan ko 'yung puso ko. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahon, magkikita kaming ulit. Ni Youseff. At sa ganitong pagkakataon pa.

I wasn't expecting to meet him again. Kasi in the first place, hindi ko naman pinangarap na makita siyang muli. Matapos ng ginawa niyang pananakit sa akin? Oo isang araw niya lang ako pinaasa at sinaktan. Ah, baka wala pa ngang isang araw e. Oras lang. Ilang oras lang.

Sinabi niya na mahal niya ako. Pinaramdam niya ng ilang minuto tapos makalipas lang ng ilang oras, bigla na lang siyang umalis ng walang pasabi? Siguro matatanggap ko pa kung bago siya umalis, binawi niya lahat ng mga sinabi niya. Kahit papaano siguro masasagot ko lahat ng tanong ko. Pero 'yung ginawa niya, iba. He left me hanging.

"It is nice seeing you again. Actually, I'm---"

Before he finished what he is going to say, I interupted him. "It's not. Hindi ako masayang makita ka."

Bitter. Yes, bitter ako at wala akong balak na itago 'yon sa kanya. 'Yung tipong magpapanggap akong okay na? Nakamove on na? Wala ng sakit? Wala ng hinanakit? Kahit sa totoo lang meron naman talaga. I guess there is no point hiding the truth. I have no business with him so there's no reason for me to act as if nothing's happened.

"So will you excuse me? I have someone to meet." Nanginginig akong nilagpasan siya.

Nanginginig akong lumalakad. Dama ko pa din ang presensya niya sa likuran ko. Hindi ako mapakali. Parang ayaw ko ng tumuloy. Gusto kong makaiwas kay Youseff.

Pinilit kong ibalik ang huwisyo ko kaya kahit natataranta at kahit wala na ako sa katinuan, kinausap ko ang lalaking nakagray. "Excuse me, are you---" When I was about to asked him, someone entered the scene. A girl.

"Babe!" Sigaw ng babaeng kararating saka nagbeso doon sa lalaking nakagray. Nagulat pa ako ng bigla niya akong taasan ng kilay ng mapansin niya ang prensensya ko. "And you are?"

Napalunok ako. Sige na. Pahiya na ako. Shet naman. Hindi siya si BBF. Sunod-sunod ang mga kahihiyan sa buhay ko ngayong araw. "W..Wala, Miss. Actually, ano.. Akala ko kasi siya 'yung kameet ko. Sorry to disturb you."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ah okay. Mukhang hindi ka naman papatulan nitong babe ko e. Alis na!"

Aba't! Pakiramdam ko ay umusok ang ilong ko sa inis. How could that girl insult me? Please calm down, Beverly. May pinagaralan kang tao kaya please lang, huwag mo ng patulan. Huwag mong ibaba ang lebel mo sa ganyan, okay?

So with that thought, I inhaled deeply para pakalmahin ang sarili saka taas noong nag walk-out. Sakto namang pagharap ko, nakatingin si Youseff na halatang nasaksihan ang nangyari. O baka sinadya niyang makiisyoso. Kainis! Nakakahiya na nga 'yung nangyari sa akin, mas nakakahiya pa ngayon dahil nasaksihan ng ugok na 'to. Bwisit!

Napahinto lang ako saglit saka lumakad uli ng taas-noo. Inisnob ko siya feeling proud sa kahihiyan ko kahit deep inside gusto kong himatayin.

"Wait, Beverly." Narinig kong pagtawag niya pero umakto akong tila walang narinig. "I said wait!"

Lalo ko pang binilisan ang lakad ko but the moment I reached the door he held my hand. Yes, my hand. Ang kapal ng mukha nitong hawakan ang kamay ko! Pwede namang braso! Jusko. FC. Sinamaan ko siya ng tingin senyales na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Mukha namang nagets niya dahil bigla niya akong binitiwan at ngumiti ng alanganin.

TBC: YOUSEFF ANDERSONWhere stories live. Discover now