TBC 37

377 8 2
                                    

Beverly Mae Avila [POV]

Ngayong araw ang opisyal na isang linggo namin ni Youseff. Nakakatuwa na may halong hiya sa sarili kasi talagang minomonitor ko ang bawat araw na lumipas kung saan opisyal ng kami ni Youseff. Isang linggo na nga ang nakalipas pero parang kahapon lang ang lahat.

O diba, minsan ang drama ng linya ko. Parang may hugot.

Hindi ko alam kung applicable pa ba sa amin na i-celebrate ang unang linggo namin. Tulad ng ginagawa ng iba, ‘yung weeksary. Pero sa palagay ko, sa tanda na naming ito, hindi na dapat. Para lang sa mga teenager or bagets ‘yan. Baka nga hindi na naiisip ni Youseff ‘yung mga ganong bagay.

Alas-singko na ng hapon at pumasok na ako sa trabaho. May shooting si Youseff kaya hindi na niya ako nagawang ihatid.

“San si idol?”

Tinaasan ko ng kilay si Claud, “Siya agad ang hanap? May shooting. May bago tayong segment diba, ‘yung ‘Hi, Dj PaBeve’, today ‘yung start non ‘di ba?”

“Ayy, ba’t wala siya. I was looking forward for this day pa naman. Imagine, sunday kahapon, hindi ko siya nakita.”

Buti na lang at kaibigan ko ‘tong si Claud dahil kung hindi, baka magselos na ako.

Possessive lang ako?! Haha!

“’Yung tinatanong ko paki sagot,” walang ganang sabi ko.

“Ay, oo. Today ‘yun. One caller per night lang ‘yun. After natin tumanggap ng calls sa mga may problem, yung caller na may mga gustong sabihin about sa’yo or sa show natin. At kung may shout out sila.”

“Sige.”

Lumipas ang ilang oras at umilaw na ang On Air. Nagsimula na ako sa pagbibigay ng mga simpleng advice sa mga caller ko.

“At dumating na... Ang oras... Kung saan ang pinakainaabangan nyong bagong bagong pakulo ng nag iisang Pabebe sa balat ng radyo. Si Dj Pabeve ang inyong lingkod! Magsitawag na kayo at meron kayong chance na makausap ako at makabati!”

Sumensyas si Claud mula sa kanyang upuan na meron ng caller.

Magandang gabi, pangalan at taga san?” tanong ko.

“Hi, Dj Pabeve. I’m Youseff po. Taga-TBC po,” sagot nung caller.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Mabuti na lang at natutop ko agad ang aking bibig kundi, maririnig ng lahat pati ng mga nakikinig ang pag singhap ko. Pinilit kong huminga agad ng malalim at kumalma. Naka-on air ako kaya dapat tuloy-tuloy lang ang daloy ng usapang namin ng caller ko.

Syempre, patay malisya ako. Hindi ko ipapaalam sa lahat ng nakikinig na kilala ko siya at higit sa lahat na boyfriend ko siya.

Lumunok muna ako bago nagsalita, “Youseff, good evening! Salamat at napatawag ka sa Pag ibig 199.99!”

“It’s a pleasure, Dj Pabeve.”

“Ano pala ang mensahe mo sa programa nating ito at napatawag ka?”

“Pwede po bang sainyo may mensahe?”

Napakagat labi ako. Mukhang nananadya ‘tong si Youseff. Oo, sinasakyan niya ang pagpapatay malisya ko pero mukhang may iba siyang gustong gawin. Kung ano man ‘yon, nakakakaba!

“Sure, why not. Coconut! Itong segment nating ito ay intended para sa mga tulad mong listener gabi-gabi na may gustong sabihin sa programa o di kaya sa akin. At syempre, pwede ka ding bumati o di kaya ay mag shout out.”

TBC: YOUSEFF ANDERSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon