Chapter Two

48 5 0
                                    

Chapter Two

Sinilip ko uli ang relo ko kasi ang tagal naman lumabas ni Han? Asan na ba yun? Umangat ako mula sa pagkakaupo ko at sinilip ang gate ng university.

"Naku, Han. Gagabihin ako, nagawa pa atang lumandi."

Sa muling pagsilip ko sa gate, halos sunod sunod na kurap ang nagawa ko dahil lumabas doon iyong lalaki! Iyong lalaki kagabi. Napahagod tuloy ako sa buhok ko, pero nakakahiya pa din.

"I already settled the donation, Ma." Aniya sa phone.

Ang tangkad naman nito? Ang strong pa ng features? Hindi talaga ako lugi sa naganap. Pero sandali! Ang tangos ng ilong.

"I'll go home straight." Sabi nya sabay baling sa pwesto ko.

I gasped and immediately looked away. Kaso shuta bakit ba humakbang pa sya palapit sa akin? Ngumuso ako at inangat ang tingin sa gate kaso nahagip ko ang mga mata nya.

Did he remember me? Nakakahiya diba! Bukang buka ako sa kanya noong isang gabi.

"Excuse me, Miss."

Ang gwapo talaga ng boses nya.

"Po?"

Nakita ko na si Johanna sa gilid.

"You look familiar."

"Ay, bulok na ang ganyang style."

He arch his brow at me.

Sinalubong ko si Johanna na alam kong nakakunot ang noo sa lalaking kausap ko pero men gusto ko na makalayo. Hiyang hiya ako. Ano nga uli ang pumasok sa isip ko para gawin iyon?

"Kore,"

Gusto ko biglang pumihit paalis nang makita ko si Gilbert sa labas ng dorm namin. Pinirmi lang ako ni Han.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Break na tayo diba? May reason pa ba para mag usap tayo?"

Binitawan na ako ni Han at nag excuse sya.

"Kore."

"Madami pa akong gagawin, kung wala namang sense iyong sasabihin mo, maiiwan na kita."

Tumango ako at naglakad na papasok sa dorm.

"Han?"

"Ako na muna. Pagkasyahin mo nalang ang allowance mo."

"Thank you, babawi ako sayo."

1000 lang naipadala ni Mama na allowance ngayon kaya medyo kakapusin ako sa bayarin. Iyong dorm house ko naman ay sagot ng auntie ko. At may angel ako sa katauhan ni Johanna.

"Uuwi ka ba? Long weekends ah. Sa Wednesday pa balik."

"Hindi ko pa sure. Ikaw?"

"Nagrequest si Mommy. Gusto mo idaan na kita sa inyo para less gastos?"

"Han, masyado ka namang mabait nan."

"Kasi, wala ka naman gagawin dito sa dorm."

"Mauna ka na. May pamasahe pa naman ako pauwi."

"Sure ka?"

I nodded at Johanna. Maaga sya umalis kinabukasan. Nagdalawang isip pa ako kung uuwi ako sa amin ngayon, pero nagtext si Mama kaya ending umuwi nalang ako. Tama nga din naman si Han na wala akong gagawin sa dorm at wala na naman kami masyadong ginagawa sa school at graduation na next month.

Bumili ako ng tinapay sa bake shop nang makababa ako ng bus sa may grand terminal. Pagkasakay sa jeep na ruta ay sa amin, sumubo ako ng isang tinapay at sinilip ang cellphone ko.

Macadamia Cafe Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now