Chapter Eight

55 4 2
                                    

Chapter Eight

Ang bilis kong pinigilan si Klaus sa tangka nya uling paghalik sa akin. Lumayo na ako at umiling sa kanya. Sinilip nya ako at hinaplos ang labi ko.

"Damn," he whispered.

Kumurap ako at umiwas na uli. Rinig na rinig ko iyong malakas na tibok ng puso ko. Natatakot ako na kapag hinalikan nya pa uli ako ay alam ko sa sarili na hahayaan ko sya.

"Kore?"

Marahas akong umiling. "A-ano.."

Hinawakan ni Klaus ang baba ko at hinarap sa kanya. I was damn hypnotized by his stares. Umuklo sya para abutin ang labi ko pero umatras na ako. Tangina Kore!

Klaus scoffed.

"W-wag kang gumawa ng mali, Klaus."

"I'm not engaged, Kore. I can kiss you whenever I want." He licked his lips. "And besides this is not new for us."

Napatalon ako sa tumunog na cellphone. Kumunot ang noo ni Klaus at tinitigan ako lalo. Umiwas ako ng tingin, bawal maging marupok, Kore. Bawal. Alalahanin mong masama ang ugali nya!

"I'm sorry for being late, but I'm not sorry for kissing you."

Lumayo sya at sinagot ang tawag, tinapunan nya pa ako ng tingin bago tumango sa kausap.

"Mag tataxi nalang ako."

"Put your seatbelt, babalik na tayo sa opisina."

No one dares to talk. Noong maiparada nya ang sasakyan ay mabilis akong bumaba para makalayo sa kanya.

Kinawayan ako ni Han pero ngumiti lang ako at naupo na sa pwesto ko. Pumikit pa ako at nagtago.

Absent nalang kaya ako? Uwi nalang ako? Jusko ano ba!

Narinig ko na na binati na si Klaus pagpasok. Sumilip nga ako at saktong tumama ang mata nya sa mata ko.

"Sir Klaus, sa office daw po ni Madam."

He nodded at Lumiere. Umayos ako ng upo at kinalma ang sarili ko. Para akong tanga, eh ano ngayon kung hinalikan nya ako? Naghalikan na din naman kami dati ah! Kaso iba yung ngayon! Masama pala ugali nya!

"Kore, sa office ni Madam."

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Bitbit ko ang folder papasok sa loob ng office ni Madam Jennica. I immediately spotted Klaus sitting, lumihis lang ako ng tingin kay Madam.

"How was it, Kore?"

"Okay na po, Madam. Idedeliver na ng Z Furniture sa building po ang materials."

Tumango si Madam. "Hindi ka naman pinahirapan ni Klaus?"

Mabilis akong sumulyap kay Klaus na matamang nakatitig sa akin, nasa may ulo nya iyong shades nya ngayon.

"Ahm.."

"Hindi ko sya inapi, ma." Singit ni Klaus.

"Naninigurado lang. Buti naman."

Pagkatapos ay nagpaalam na akong lumabas, sumunod nga agad si Klaus sa akin kaya umiwas na ako agad. I heard him smirked.

Sumabay ako sa pag out ng mga ibang katrabaho ko. Kahit hindi pa ako tapos sa ginagawa ko, wala akong pakialam. Ayokong maiwan dito kasama si Klaus.

Teka bakit nga ba? Ah basta!

"Kore!"

Nanlaki ang mata ko kay Han. May dala syang paper bag ng fast food.

"Namimiss na kita. Patambay muna sa bahay mo."

Macadamia Cafe Latte (Coffee Series)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ