Chapter Fourteen

52 5 0
                                    

This story has advanced chapters on my VIP GROUP.

Send a message to Thea Llorin on messenger to join VIP GROUP. Thank you :)

Chapter Fourteen

Halos masamid ako sa pagpisil nya sa hita ko. I stopped kissing him, pailalim nya akong tiningnan pero umiwas na ako.

"Ahm."

Klaus licked his lower lip. Tengene, alam kong gwapo sya at bawal talaga matukso. He held my chin up, nasinok naman ako. Tinapik ko ng mabilis ang braso nya. He chuckled and slowly pulled away.

I bit my lower lip. I watch him close his eyes, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Akala ko day off ako ngayon, pero heto at iniisip ko sya. Kung bakit sya nandito.

Tumayo ako. "Ahm, dadalhin ko lang iyong laundry ko."

Hindi sya sumagot pero tumango sya. Tumalikod na ako sa kanya pero humarap ako uli.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"One hour."

Binitbit ko nalang ang laundry bag ko at lumabas na. Minadali ko ngang dalhin iyon sa laundry shop na nakatayo sa building nila. Noong pabalik na ako, dahan dahan pa akong naglakad. Iniisip ko na sana umuwi nalang sya. Bumili pa ako ng tinapay sa bakery on the way. Nasilip ko nga yung pulang suv na agaw pansin sa gilid na naka-parking sa gilid.

Nagtipa ako ng message kay Kuya Luther tungkol sa paghahanap nya ng trabaho at kung may budget pa ba sya.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng apartment at nabungadan ko ang likod nya. Humihilik pa syang nakahiga sa sofa. Napakamot ako sa ulo ko at ngumuso. Tinapat ko nalang yung electric fan sa kanya at pumasok sa kwarto ko.

Kuya Luther:
Okay na. Nakapag apply na uli ako

Ako:
Kung kailangan mo Kuya ng budget.

Papikit na ako ng magreply si Kuya.

Kuya Luther:
Hindi na, kailangan mo yan.

I locked my phone and close my eyes. Nasa kalagitnaan na ako ng tulog ko noong maramdaman kong may nakaupo sa tabi ko. When I open my eyes, I saw Klaus watching me.

Ang bilis kong napatayo.

"A-anong..."

"Ang tulog mantika mo naman."

Napasilip ako sa oras, pasado alas kwatro palang ng hapon.

"Akala ko nakauwi ka na." Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko. "Nagbili pala ako ng tinapay."

"Bumili ako ng soft drinks."

Sabay at tahimik lang kaming kumain ng meryenda. Ilang saglit lang ay nagsuot na sya ng Tshirt at niligpit ang mga gamit nya. Kumurap kurap ako.

"I should leave. Thank you for the food."

Ang bilis kong tumayo, tumago nalang ako.

"Kore," tawag nya. Kumurap uli ako. "Lock the door."

"Ahm,"

"Alright, I'll go."

Hinawakan ko ang pinto at pinanuod syang lumabas. Pinaandar nya ang suv papalayo bago ako napabuntong hininga.

Binalikan ko yung laundry ko at inayos. Siguro madilim na noong naisipan kong umuwi sa Lucena. Bahala na bukas kung papasok ako.

Nagsabi ako kay Mama noong nasa grand terminal na ako, syempre nagalit sya kasi gabi na daw ay bumiyahe pa ako.

Madilim sa bahay noong makauwi ako. Alam ko naman na wala kaming kuryente at kasalukuyan palang na inaasikao ang pagpapakabit namin ng kuntador uli.

"Bakit ka umuwi ate?" Si Tom agad ang naglakas loob na magtanong.

Macadamia Cafe Latte (Coffee Series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن