Chapter Nineteen

58 8 0
                                    

This story has advanced chapters on my VIP GROUP.

Send a message to Thea Llorin on messenger to join VIP GROUP. Thank you :)

Chapter Nineteen

Kinalma ko ang sarili ko noong makita ko na si Tom.

"Yari ka kay Ate, Crisostomo!" Agad na sabi ni Karina.

Humalukiphip ako sa harapan ni Tom at pinasadahan sya ng tingin.

"Nagdrugs ka?"

"Ate hindi!" Iling nya agad.

"Bakit dika umuuwi?"

Hindi sya agad nakasagot. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Tom."

"Nahihiya kasi ako kay Mama at Papa. Hindi ko alam na sasabit ang event, Ate. Sinisisi ako."

Bumuntong hininga ako at hinarap ang mga kaibigan nya.

"Uuwi ko na si Tom. Salamat sa inyo."

Narinig ko pang pinagalitan ni Karina si Tom. Napailing ako at sumakay na sa tricycle at pumikit.

"Sabi ko sayo wag mo na ituloy diba?" Si Karina.

"Okay naman kasi yung event, Rina."

"Binigyan mo pa ng problema si ate. Yari ka pa kay Kuya Luther sya agad ang tinawagan ng mga naloko mo."

"Sshh." Suway ko sa kanila sa loob.

Pagkarating sa bahay, nakasiksik iyong dalawa sa likod ko kasi naka-bantay si Mama sa pinto, katabi si Rissa.

"Ako na ma."

"Aatakihin ako sa puso." Sabi nya pa.

Nilapag ko ang bag ko sa sofa at haharapin na sana si Tom pero binati ko muna si Papa.

"Lagi nalang kayong sakit sa ulo. Di nyo gayahin mga pinsan nyo."

"Papa, ako na pong bahala."

"Nung si Ezra, hindi sya sakit sa ulo ng mama nya. Iyong iba pa na mga pinsan nyo, si Ronil."

Tumango nalang ako at sinenyasan si Tom na sa gilid kami para di kami marinig ni Papa. Baka mawala ako sa sasabihin ko.

Hinila ko agad ang tenga ni Tom at hinampas sya.

"Sabi ko mag aral ka ah! Anong event event na yan!"

"Sorry ate. Nahila din ako, sabi malaking kita daw. Gusto ko lang tumulong sa gastusin."

"Pasalamat ka wala si Kuya Luther, susuntukin ka nun." Nahagod ko ang buhok ko. "Ano bang nangyari?"

Kinamot nya ang batok nya. "Ate, tumakbo kasi si Jeboy. Nasa kanya lahat ng pera eh. Tapos..."

"Nagtago ka? Anong gagawin mo ngayon?"

"Ate babayadan ko naman sila,"

"Paano?" Kalmado kong tanong.

"May part time ako ate, sa resto bar jan sa uno. Alam ko malaki yung perang nawala pero kaya ko."

Hindi ko naman pwedeng pabayaan tong kapatid ko. Alam ko namang maiinis lang ako pero gagawa din ako ng paraan.

"Sige, wag ka na mag isip. Gagawa akong paraan."

"Ate wag na. Kaya ko naman."

"Hindi kita pwedeng pabayaan, Tom."

Ngumuso sya at tinapik ko. "Ate Kore."

"Mag sorry ka na kina mama."

Nagpaiwan ako saglit kay Tom sa labas at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. I saw some missed calls from Klaus but I ignore it. Nagtext ako kay Han, kinuwento ko ang nangyari. Checheck daw nya kung may matitira pa sa budget nya.

Macadamia Cafe Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now