Chapter Seven

49 6 1
                                    

Chapter Seven

Humikab ako at umayos ng tayo noong makita ko na si Klaus na lumabas sa office nya. Mabilis nya akong tinaasan ng kilay.

Nilahad ko sa kanya ang SUV nya, inabot nya naman sa valet ang susi at sumakay na. Gustong gusto kong iikot ang mata ko sa ginawa nya pero wag nalang. Sumakay na din ako sa likod ng SUV pero ang sama na naman ng tingin nya sa akin.

"I'm not your fucking driver, Kore!"

Okay?

Di lumipat ako sa unahan at kinabit na ang seatbelt ko. I fixed my tshirt and made myself comfortable. Dala ko din ang company ipad. Nagsimula na siyang magmaneho. Hindi ko naman sinasadyang makita ang cellphone nya at ang tumawag dito na si Miss Ali.

For the record, ayoko na mangialam sa buhay nila. Baka dito pa mawala ang trabaho ko.

Umakto nalang akong tahimik, hindi nya nga lang sinagot ang tawag. Tinanaw ko nalang ang nadadaanan namin bago kami mabilis na nakarating sa pupuntahan namin talaga.

Kinalas ko agad ang seatbelt at mabilis na bumaba, sumunod ako sa kanya. Wala akong ideya pero sabi sa notes, coffee shop daw ang itatayo dito. I immediately take notes for that and started to wonder around.

"What are you doing?"

"Ahm, diba po gagawan ko ng design?"

"Nagbabasa ka ba? Hindi yan ang gagawan mo, dun ka sa kabila." Naiinis na sabi nya. "Reading comprehension sana."

Uh, medyo napahiya ako dun kaya tumango nalang ako at lumapit sa mga products. Pinalobo ko pa ang pisngi ko at nagsimula na. Balewala lang, Kore. Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila.

Binilisan ko na din agad kasi baka masigawan na naman ako. Kinuhanan ko din ng mga idea sa area kasi baka biglang pagawan ako ng design for this. Abala pa sya sa mga kausap nya kaya nanahimik nalang ako sa gilid.

"Are you done?"

"Ah, opo."

Humalukiphip sya sa may tabi ko at kinagat ko ang pang ibaba kong labi. I don't know what to say.

Maya maya lang ay nakita kong bumaba si Miss Ali sa wrangler at kasunod nito ang isang lalaki. Iyong tingin ko kay Klaus ang bilis din.

"Harap harapan?" I whispered.

"Ali's my sister. She's not cheating on me. Asawa nya yung kasama nya."

My mouth parted after he said that. Sinalubong nya si Miss Ali na hawak ang kamay nung lalaki. Ang bilis kong sinapak ang noo ko dahil sa katangahan ko!

Ano ba yan? Bida bida ka kasi! Di ka muna nag imbestiga! Pero shuta naman kasi, hindi sila magkamukha! Kore napaka-jugdemental mo!

Hindi ako makatingin ng ayos kay Klaus, probably he's laughing at me! Aba! Malay ko ba kasi!

"We really dropped by for this, see you around!"

Napatuwid ang likod ko ng kawayan ako ni Miss Ali. I guess, I really looked awkward now.

"Sir, Ahm,"

"Are you done? We can leave."

I nodded. Tahimik akong sumakay sa sasakyan nya. Kinamot ko pa iyong noo ko.

"Uhm, sir. Uh... Sorry po sa mga... nasabi ko."

"Next time don't just assume and judge, Kore."

"Sorry po talaga, Sir."

Hindi na sya umimik pa. Niliko nya ang manibela at dahil sa hindi ako naka-focus ay nahulog ang ipad. Yumuko at at pinagalitan na talaga ang sarili ko. Next time, Kore wag basta basta magconclude!

Macadamia Cafe Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now