Ramen Noodles

11 0 0
                                    

BRIANNE

"Kuya! Ate Alexa!"

We just arrived at my sister's apartment building but she's already at her room's balcony waving her hands at us.

"Kanina pa ata siya naga-antay" baling ko sa girlfriend ko na nagtatanggal palang ng helmet niya kaya tinulungan ko na din siya

"Tara" sabi niya at nauna ng pumanhik ng hagdan

Alexa mingles well with my sister pero ewan ko ba kung bakit naiilang siya sa mga barkada ko. Ngayon nga siya pa ang nagprisinta para puntahan yung kapatid ko na nagpapatulong sa research paper niya.

If you asked how my studies are, I'm already done with my research and OJT nalang ang kulang para maka-graduate ako. Well for Alexa, she graduated a few months ako ahh ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung nakilala ko siya.

As of the moment, nagrereview ang girlfriend ko para sa pagtatake niya ng board exam this September and hopefully makapasa siya. Sabi ko nga magfocus na muna siya sa pagrereview at huwag masyadong i-entertain mga queries ng kapatid ko pero kaya naman daw niya mag-multitask.

Pipigilan ko ba? Malamang hindi, siya ang boss at siya naman lagi nasusunod.

"Hindi ba dapat nasa chapter 1 Yung hypothesis?" Tanong ko ng mapansing nasa last part ng RRL yung tinutukoy ko

"Nooo!" Sabay nilang sabi habang sabay ding sumulyap sakin

"Okay" Ano bang role ko dito? Dapat pala ihinatid ko nalang yung girlfriend ko dito saka ako naghanap ng raket sa labas.

"Change mo na yung mga future tenses to past then don't forget to use the right punctuation marks" at tuloy lang sila sa pagdidiscuss ng ginagawa nila

Since di naman pala kailangan ng tulong ko dito, nag-open nalang ako ng cellphone para maglaro. Naghanap na din ako ng makakapustahan para at least may mapapala naman ako sa paglalaro.

"Ah 10 o'clock na pala, Babe bili ka ng iluluto pang lunch natin" utos ni Alexa

Sakto namang tapos na yung laro ko "Anong bibilhin ko?" Tanong ko

"Ikaw, kung anong gusto mo?" Sagot naman niya

"Ramen" bigkas ko, yun naman kasi unang sumagi sa isip ko

"Gusto ko din yan!" Sambit din ng kapatid ko

"Sige, bili ka ng ingredients pang ramen at ako na magluluto" sabi naman ni Alexa

May malapit na convenient store dito kaya dun na ako bibili. Nasa instant noodles section na ako ng bigla kong maalala, frozen ramen ang ginagamit ni Yumi kapag nagluluto.

Ready to cook na yun pero may mga dinadagdag pa siyang ingredients kaya napaka-authentic ng lasa. *Sighs* namimiss ko din yung luto niyang Ramen na siya din mismo ang gumagawa ng noodles tapos madaming sahog.

I'm not underappreciating my girlfriend's cooking pero since nasanay na ata taste buds ko sa masasarap na luto nila Yumi at mama kaya hinahanap ko yung lasa ng luto nila.

Aight, masasanay din siguro ako.

Pagbalik sa apartment unit, dinala ko na sa kusina yung mga pinamili ko. Balak ko sanang ako nalang ang magluluto pero pinigilan ako ni Alexa, at gawain daw yun ng babae kaya maupo nalang daw ako at maghintay na mai-serve sakin yung pagkain.

I--- I don't question her traditional approach on household chores but I don't really like the thought na gawaing pambabae ang pagluluto, I mean it's a basic survival skills that both genders should know and do.

She told me once that she really wanted to become a regular housewife—managing our home and raising our future children. *Sighs* I said she can do what she wanted once may stable na akong trabaho, pero baka 5 years pa after graduation ko yun magawa since getting a permanent job needs years of experience saka paga-apply pa nga lang mahirap na lalo kapag walang backer.

She's Kinda Hot (The Remake)Where stories live. Discover now