Kabanata 4

966 18 0
                                    

KABANATA 4






SA ISANG linggo kong pag-aaral sa University of San Diego doon ko lang napagtanto na matamlay ako. Ang Prof namin na si Professor Zake ay wala halos isang linggo na. Pumunta daw ito ng Australia at may inasikaso. Babalik rin daw ito pero mukhang hindi naman kasi nga isang linggo na nawala.

"Maglinis ka ng kwarto mo." sabi ni mama sa akin. Napakunot kaagad ang aking noo sa narinig, hala eno? Bakit dito ba sila kakain nina kuya at ang kasama nito? Tsk! Yung panay din ng message sa akin? Hindi ko naman type yun ah?! Napaka ano ng mukha non tsaka, si Prof lang ang gusto ko. Nakalimutan ko yata ang hindi pagiging madaldal ko.

"Bakit mama? Dito po ba kayo kakain sa kwarto ko? Bakit kailangan ko pang maglinis?" Tanong ko kay mama.

"Huwag ka na ngang magreklamo at maglinis ka nalang dyan! Napaka ano mo naman!" Saway ni ina. Umirap lang ako sa ere at nilinisan nalang itong kwarto.

Halos isang oras akong naglinis sa kwarto, eh kasi naman panay ako upo kada napapagod ako sa pagtatayo.

Bumaba na ako at ang sabi naman ni mama kanina na nandito na daw sila kuya.

"Kuya, buti't napadalaw ka!" Pagbati ko kaagad sa kanya. Nakatalikod ang kasama nyang lalaki kaya hindi ko alam kung ito pa rin ba ang kagaya nong una na dinala nya dito sa bahay.

"Syempre!" Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Ako din napadalaw!" Nagulat ako nang lumingon bigla ang lalaking kanina ay nakatalikod. Hindi ko akalain na si Prof ito!

"Prof!" Napaatras ako.

"Batiin mo sya, professor mo sya." Sabi ni kuya

"Magandang tanghali po, Professor." Pagbati ko kaagad.

"Ikaw ba ang professor ni Fier? Ay napakagwapo naman pala anak eh! Bagay!" Masayang sabi ni ina.

Ngumiti si Professor na nakakailang.

"Salamat po..." Sagot ni Professor sa ina ko. Napakamot ako sa aking pisngi, si kuya hindi nagsasabi. Si Professor Zake pala ang dadalhin dito eh!

"Akyat ho muna ako!" Dali-dali akong umakyat sa itaas at pumunta sa kwarto. Jusko! Mag-aayos ako ng sarili ko! Ayukong makita ako ni Prof na ganito ang ayos, mukha akong gurang sa sitwasyon na ito!







"BAKIT umakyat iyon?" Tanong ni Sandro.

"Magbibihis iyon, kita mo naman oh? Nakaharap sya sa professor nyang gwapo!" Ngumiti nalang ako sa ina ng kaibigan kong si Sandro.

"Ilang taon ka na ba iho?" Tanong nang ina ni Sandro.

"I'm 27 Years old napo." Sagot ko.

"Oh? Di'ba ma, gurang at hindi na tatayo ang alaga ng lalaking iyan."

"Naku! Napakabata pa niya anak! Ikaw talaga! Ikaw nga rin eh mukhang nasa 23 ka pa pero ang mukha mo pang 50s na!" Humalakhak ako sa narinig. Nakakatawa nga naman ang sinabi ng kaniyang ina!

"Bud, wag mo naman akong pagtawanan." Siniko ako ni Sandro.

"Oo nga naman eno? Yung mukha mo bud, pang 50s na pala!" Tumawa pa ako ng malakas. Hindi na ako nahihiya basta makatawa lang ako dito ng malakas.

Doon ako tumigil nang bumaba ba si Fier, totoo ang sinabi ng mama ni Sandro, talaga ngang nagbihis si Fier at nag-ayos. Sino kaya ang inayusan nito? Akala siguro niya'y may iba pang darating? O sadyang ako ang inayusan nito?

"Oh? You look so pretty right now, Fier." Pagbati sa kanya ni Sandro. Lumingon si Sandro sa akin. "She is  pretty right?"

Tumango ako.

Professor Series 1:Zake Xander Delos SantosWhere stories live. Discover now