Kabanata 15

474 10 0
                                    

KABANATA 15





"FIER, tapos kana sa class mo?" Tumango ako at kumuha ng baso, sinalinan ko iyon ng tubig na mainit at nagtimpla ng kape.

"Yep. Hindi ko pa naaasikaso ang report na pinapagawa ni Prof Zeni kaya Hindi pa ako makakasama sa inyo sa singapore." Sabi ko kay Ellyn.

Professor na ako, sa apat na taon na paghihirap ko bilang studyante naging Professor din ako. Si Kazzy naman ay patuloy pa rin sa pag-aaral, dalagang dalaga na at si Cassy ganoon na rin.

Si Ellyn naman ay Flight attendant na, pangarap nya iyon e. Sina-gest nya pa nga sa akin na mag flight attendant but I refuse it. Ayoko ng ganoon gusto ko nalang maging Professor, para naman si Zianne ay maturuan ko ng maayos. Gusto kong turuan ang mga bata na nasa paligid ko, lalo na si Zianne.

Kaya nandito si Ellyn ngayon dahil day off nya at wala syang flight, so I called her I want her to come with me and bonding. Pero ang pagbonding ay nauwi sa pagbabantay ng aking anak. Pero bukas o sa susunod magbobonding kami sa Boracay.

She's my daughter, my dear and my life. Kung wala sya wala na siguro ako ngayon, balak pa nga sana ni mama ipalaglag ko daw si Zianne, pero tumanggi ako. Ayokong ipalaglag ang anak ko, ayoko. Hindi nga sumagi sa isip ko iyun eh.

Si Cassy naman ay minsan nagpapaturo sa akin, pati na rin si Kazzy.

"Hindi na rin ako sasama, ayoko na muna." Sabi ni Ellyn.

"Bakit? Masaya iyun, si Professor Jin ang nagyaya ah! Tsaka minsan kalang umuuwi dito tapos tinanggihan mo pa?" I said.

"Kahit na masaya iyun! Wala ka naman don." She pouted.

"Asus!" Uminom ako ng kape ko.

Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok na lalaki doon, napatayo ako sa pagkakaupo dito sa sofa at binati ito.

"Kuya, Sandro!" Pagbati ko dito.

"Oh? Tapos kana sa klase mo?" Tumango ako.

"Si Zianne?" Tanong ko.

"Nandon sa bahay, inuwi ko na muna. Napaka kulit ng batang iyon!" Sabi niya, natawa ako sa sinabi niya.

"Talaga naman! haha, sinapak nga si Professor Fierro!" Tumawa si Ellyn.

Ngayon ko lang ito nalaman na nanapak pala ang anak ko.

"Ba't nya sinapak?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Inaasar kasi ayon, sinapol siya sa mukha! Natawa nga ako dahil mukhang mangingiyak na siya sa sapak ni Zianne!" Tumawa si Ellyn, natawa nalang ako dahil sa kwento nya.

"Mabuti nga ay hindi sya pinatulan nong anak  ni Fierro." Sabi ni kuya.

"Lalaki pa naman iyon!" Ang laki ng bibig ni Ellyn ako nahihiya dahil sa ka anohan nya!

"Tumigil kana Ellyn mukhang ma-tuturn off si kuya sa'yo." Saway ko sa kanya. Bigla syang tumigil at galit akong tinignan.

"Nakaka-turn off po ba ako, Professor Detective Sandro?" Tinuro nya ang sarili. Umiling nalang ako at umiwas ng tingin.

"Oo, nakakaturn off." Mahinang bulong ni kuya.

Pahiyom akong humagikhik ng tawa. Tinampal ni Ellyn ang aking braso.

"Okay lang, hindi naman kita gusto!" Supladang sabi ni Ellyn kay kuya at lumabas.

"Patay ka don, kuya!" Tawa ko.

"I'm just joking."

"Tsk, sege na kuya. Pupunta na ako sa third period class ko." Paalam ko sa kaniya, tumango siya at umupo sa desk ko.

Professor Series 1:Zake Xander Delos SantosWhere stories live. Discover now