Kabanata 11

643 11 0
                                    

KABANATA 11



"GUSTONG gusto ko talaga dito, Zake." Sabi ko nang nakangiti.

"Talaga?"

"Oo, bakit ikaw? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman."

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong ko nang makita ko sa kanyang mga mata kung gaano siya ka lungkot.

"Wala lang. May problema lang ako, Fier." Sagot niya sa akin at inilipat ang paningin sa kawalan

"Anong problema?" Tanong ko.

"Wala. Sa akin lang itong problema ko, Fier. Hindi ka naman kasalit dito." Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti. Ngayon ko lang ito nakita.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tungki ng aking ilong.

"Mahal na mahal kita..." He said.

Hinaplos niya ang aking buhok.
"Mahal na mahal din kita, Zake." Sabi ko.

"Magpakasal tayo, Fier." Napatigil.

"H-ha?" Nanginginig ang aking boses..

"Biro lang. Alam kong hindi ka pa handa." Sagot niya.

"Akala ko kung ano na..." Bulong ko ngunit alam kong narinig niya iyon.

Pumasok ako sa Unibersidad noong kinaumagahan. Hinatid ako ni Zake sa bahay noong isang araw,pumasok naman ako kahapon pero wala siya. Mukhang may malaki nga siyang problema.

"Wala si Professor?" Tanong ko kay Lyn. Alam naman niya ang tinutukoy ko.

"Wala daw e."

"Palagi nalang siya busy ah?" Tanong ko.

"Ganyan talaga basta mag-po Professor no!" Tinampal nya ang aking braso.

"Aray ah!" Daing ko pa.

"Tsk! Mukhang nasasaktan naman ah? Hindi naman."

"Masakit kaya! Mukha kang ano!" Sabi ko.

Nagsimula ang first period ng klase namin ni Lyn hanggang sa matapos. Nakita ko rin si Nico. Naka-upo sa bench.

"Nico, tulala ka ah?" Tanong ko. "May problema?" Dagdag ko pa

"Ah wala. Kailangan ko yatang tumigil sa Unibersidad nato." Sabi niya pa. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko

"Din-draft out ako ng may-ari nitong paaralan. Parang ayaw na nila akong papasukin dito sa Unibersidad." Sabi niya pa. Nalungkot ako sa sinabi niya. Bakit nga ba?

"Bakit? Tara puntahan natin para maturuan ng leksyon!" Mayabang ko pang sabi.

"Hindi na, Fier. Kailangan ko naring pumunta ng ibang bansa." Nalungkot ako. Oo, maikli lang ang pagsasama namin ni Nico pero kaibigan ko siya.

"Bakit ka pupunta roon? Nandoon ba iyung pamilya mo? Yung nasa Frame, diba sila yung pamilya mo? Edi doon  pala sila nakatira sa ibang bansa?" Tumango siya sa dami dami kong tanong.

"Oo doon sila, Fier." Naipit ang boses niya. "Sege na Fier aalis na ako. Salamat."

"Ako dapat magpasalamat sayo, Nico. Salamat sa lahat!" Sigaw ko nang tumakbo siya palayo.

Lumingon ako sa likod ko. Natulos ako nang nandoon si Zake.

"Zake.. " sambit ko sa pangalan niya.

"Akala ko ba umalis na siya?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko.

"Umalis na. Pero bakit? Kayo ba ang nagpaalis sa kanya?" Tanong ko.

"Hindi. Si Yeshua iyun." Sagot niya.

Professor Series 1:Zake Xander Delos SantosWhere stories live. Discover now