Kabanata 7

700 14 0
                                    

KABANATA 7


"KUMAIN ka nang marami." Sabi pa ni Professor Zake.

Umiling kaagad ako, ayukong tumaba.

"Ayuko, pwede po bang maliit lang ang ilagay nyo sa pinggan ko? Professor Zake." Kumunot kaagad ang noo nya sa narinig mula sa aking bibig.

"Anong Professor Zake?"

"Professor naman kita ah?"

"Huwag mo akong tawagin sa ganyan kapag nasa labas tayo. Pwedeng Zake or Xan lang pero kung ayaw mo? Pwede namang baby, love o mahal." Napangiwi ako sa banat nya.

"Ano ka? Siniswerte? Hindi pa nga naging tayo eh!" Maangal kong sagot.

"Hindi mo pa ako sinasagot kaya pwede sigurong Zake na muna." Nakangisi nyang sagot.

Agad akong napatingin sa pintuan nitong resto, may pumasok na babae. Familiar sa akin..

"Hey, Professor Zake!" Tawag nito kay Professor Zake. Magtatago pa sana ako pero huli na ang lahat. Nakita nya na ako.

"Date nyo?" Tanong pa nito.

'Hindi ba obvious?' Tanong nang aking utak na pamamalisopo. Kita nya naman na nasa resto kami so we're dating ofcourse!

"Bakit estudyante mo pa, Professor?" Dagdag butong tanong.

"Prof, Jema. Nagpunta ka lang ba dito para itanong iyan?" Sagot ni Professor Zake. Napayuko ako.

"Hindi naman. Nagkataon lang naman." Malditang ani ni Prof Jema. Alam ko, ganyan na ganyan sya kapag nagmamaldita.

"Can you please leave us? We're dating, nakakaistorbo ka." Pagtataboy ni Prof kay Jema.

"Niyaya kita sa ganito, pero ayaw mo? Bakit? May gusto ka dito ano? Kaya ito ang niyaya mo?" She pointed at my face.

"Yes, then why are asking?" Prof Zake, asked her.

"Curious lang naman. Bago lang sya sa University tapos ako ay matagal na doon tapos sya iyong dini-date mo?" Reklamo ni Jema. Nakaramdam ako ng paninitig ng mga tao, parang gusto kong lumabas sa resto nato.

Parang jina-judge na nila ako dito.

Naramdaman ko ang palad ni Prof Zake sa aking kamay. Pinisil nya ito. Naramdaman siguro nyang natatakot na ako.

"Ano naman? Hindi kita gusto kaya lumayo ka sa akin." Tumayo si Zake. Tumayo narin ako dala sa paghatak nya sa akin. Napansin ko rin na nag-iwan sya ng pera sa lamesa kung saan kami naka-pwesto.

"Huwag mo na kaming sundan." Matigas na bilin ni Prof kay Jema. Ramdam na ramdam ko rin ang galit at puot sa paninitig ni Prof Jema sa akin.

"Bakit hindi ka nakipag-date kay Jema kung gusto nya?" Tanong ko habang naglalagad kami sa dalampasigan. Malapit lang ang dalampasigan kung saan kami kumain kanina. Siguro naman Hindi kami susundan ni Jema no.

"Hayss" bumuntong hininga si Zake. "Ikaw ang gusto ko, Fier. Bakit mo ako pinagtutulakan kay Jema?"

"Wala lang trip ko lang." Sagot ko pa.

Huminto kami saglit. Napatingin ako sa papalubog na araw. It's 5:50 PM, obviously the sunset is gonna gone in the minutes.

"Ikaw talaga." Kinurot nya ang pisngi ko nang mapatingin ako sa kanya. "Ang ganda-ganda mo. Nababaliw na ako sayo Fier. Sana sagutin mo na ako. Handa akong maghintay basta may pag-asa pa."

"Kung wala nang pag-asa? Handa ka pa bang maghintay?" Tanong ko.

"Oo, handa pa rin ako. Sana manlang Hindi ka mainlove sa iba. Sana sa akin ka mainlove. Mahal kita Fier. Ngayon lang ako nagkagusto sa babaeng minahal ko nang tunay. Dati kasi sabi ko sa sarili ko na ayuko na munang mainlove pero ngayong nasa sakto na ang edad ko? Pwede na." Gumaan ang loob ko sa pinagsasabi nya. Napangiti ako dahil doon.

Professor Series 1:Zake Xander Delos SantosWhere stories live. Discover now