Kabanata 13

601 15 0
                                    

KABANATA 13



PANG-ANIM NA  araw na ngayon. Masaya kaming dalawa dito ni Zake. Ang sweet niya sa akin feeling ko siya na ang lalaking para sa akin at hindi ako iiwan.

Wala si Zake ngayon dahil bumili pa siya ng pagkain at may pupuntahan lang daw siya.

Nasa sofa ako. Habang hinihimas ang aking tyan naramdaman kong nasusuka ako at para akong nahihilo.

Dali-dali akong pumunta sa lababo nang maramdaman kong  pilit itong pumapaibabaw para lumabas.

"Laway lang naman!" Reklamo ko nang lumabas na ito sa bibig ko.

Napahimas ako sa aking tyan, what if buntis ako?

Lumabas ako sa kusina na may ngiti sa mga labi.

"Yeahhh! May anak na kami!" Masaya kong sigaw.

Alam kong buntis ako, kasi ganito si mama noong pinagbubuntis nya si Cassy. May gusto rin akong kainin ngayon at gusto ko iyun ipabili kay Zake.

Napatingin ako sa aking cellphone na nasa lamesa, umiilaw ito kaya pinuntahan ko iyun at tiningnan kung sino ang tumatawag o tumi-text.

Nakita kong si Jema ang nagtext sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita ang picture.

Napasapo ako sa aking bibig.

"Zake..." Sambit ko nang makita ng buo ang picture.

Zake and Jema is kissing...

Jema's Calling*

"Hello." Sagot ko sa tawag.

"Euwi mo na si Zake."

"Bakit ko gagawin iyun?" Tanong ko pa.

"Buntis ako... Buntis ako, Fier. Please iuwi mo na si Zake. Kailangan ko siya para mag-alaga sa akin." Napaiyak ako at humikbi.

"K-kailan pa?" Tanong ko nang pilit na kinakalma ang aking boses.

"Nuong araw na wala siya... Kaya wala siya non kasi may nangyari sa amin. Kami ang magkasama non noong hindi kayu magkasama. Please, Fier... Nagmamakaawa ako.." Napakagat ako sa aking labi.

"B-bakit? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kaya ba nagdesisyon siyang pumunta kami dito para takbuhan ka?" Parang baliw si Jema na umu-oo sa tawag.

"Oo, Fier! Ganun na nga! Please, parang-awa mo na kailangan ko si Zake—" pinatay ko ang tawag at umiyak ng todo. Bakit ganun?

"Pinagluluko niya ba ako?" Tanong ko sa aking sarili. Napabuga ako ng hangin at ikinuyom ang aking kamao.

"Kuya..." Humagulgol ako sa iyak nang tumawag si Kuya.

"Where are you, Fier?" Tanong ni kuya sa akin.

"Nandito kami sa New York kuya..."

"Nasaan si Zake?" Tanong niya.

"Sabi niya may pupuntahan siya pero hindi pa nakakabalik...k-kuya kunin mo ako dito. Ayuko na sakanya, may nag-send sa akin ng picture he and Jema is kissing in their office!" Umiyak ako.

"Don't worry pupuntahan kita. Mag-ayos kana at susunduin na kita. Maghe-helicopter nalang kami." Tumango ako.

I wiped my tears.
"Sege po kuya. I will wait you..." Pinatay ko ang tawag at nag-ayos na. Ayuko na, sakto na iyung nakita kong picture para malaman na may relasyon nga talaga sila ni Jema.

Masaya na sana akong may anak kami eh... Pero dibale na, bubuhayin ko itong bata.

"Where are you going?" Tanong ni Zake nang maabutan akong nag-iimpake.

Professor Series 1:Zake Xander Delos SantosWhere stories live. Discover now