Kabanata 8

602 10 0
                                    

KABANATA 8

HALOS mag-eexam na kami dito sa Unibersidad hindi parin nagpapakita sa amin si Professor Zake. May pinuntahan lang daw ito at napaka importante daw. Hindi namin alam kung ano iyon.

"Okay class, let's start the class." Ma'am Jema said. Hindi ako umimik. Talagang may iniisip lang ako. "Hindi pa nakakauwi si Professor Zake o ang kasintahan ko. Kaya ako na muna ang magtuturo sa inyo."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mukang may namumuong bilog sa aking bibig hindi ko alam kung ano iyon..

"Kasintahan?" Imik ni Lyn.

"Yes?"

"Kasintahan mo po siya?" Agad na tumango si Professor Jema.

"Yes, I am his girlfriend. Why?" Tanong ni Prof Jema.

"Ah, wala lang po." Sagot kaagad ni Lyn.

Nagsimula siyang mag-discuss sa harap. Ngunit wala akong maintindihan dahil ang isip ko ay kung saan-saan lumilipad.

"Hey, it's you, Fier. What is the answer for number 4?" Napukaw ang aking isip nang tawagin ako ni Prof Jema.

Tiningnan ko ang whiteboard halos hindi ko ito maintindihan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sinusulat nya sa whiteboard.

"P-prof?" Halos manginig ako sa kinatatayuan ko.

"Answer this..." Turo nya sa whiteboard.

Magsasalita na sana ako nang tumunog ang bell, nagpasalamat ako dahil doon.

"Ayy, salamat!" Sigaw ni Lyn nang tumunog ang bell.

"Edi bale na, bukas mo nalang ituloy ang sagot." Sabi ni Jema. Sinakop nya ang lahat ng gamit nya at lumabas.

"Uwi na tayo." Sabi ko na wala sa sarili.

"Ngayon ka palang nakapasok tapos uuwi kana? Ano na nangyayari sa'yo, Fier? Alam mo bang kulang na kulang na ang mga quizzes mo? Tapos papalapit pa ang examination." Mahabang sermon sa akin  ni Lyn.

"Hindi ko alam. Ang gusto ko lang magpahinga sa bahay." Malumbay na sagot ko.

"Hays, umuwi ka na at magpahinga. Ako na bahala sa ibang Prof natin." Sabi ni Lyn. Tumango ako at nagsimulang tumayo at naglakad.

Hindi pa ako nakakaabot sa sakayan, may tumawag na sa akin.

"Fier!" Sigaw nito mula sa malayo. Napalingon naman ako sa pinagmulan nito. Si Nico iyon, naka-uniform. Ngayon ko lang siya nakita ulit.

"Oh? Ngayon lang kita nakita ah?" Sabi ko sa kanya.

"Ah, oo. Sabi kasi ni Prof Zake hindi na muna ako papasukin." Sabi pa niya. Napakunot ang noo ko.

"Ha? Iyon lang di kana pumasok?" Taka kong sagot.

"Ewan nga eh, sigurado nito marami na akong kulang sa quizzes." Ngumisi pa siya sa akin.

"Ako ngarin eh, ngayon lang ano pumasok." Sabi ko pa. Tumango siya at ngumiti.

"Punta tayo sa bahay?" Hindi kaagad ako nakasagot.

"Ano naman gagawin natin don?" Tanong ko pa.

"May ibinigay si Prof Tissie na activities tapos tayo ang nakalaan doon. Kahapon pa ito eh, pero wala ka." Tumango ako.

"Magpapahinga na sana ako, pero dumating ka?" Napairap ako.

"Doon ka nalang magpahinga, Fier." Tumango ako at ngumisi.

"Sege."







"SINDICATE has been located." Bungad ni Theo.

"Where is it?" Tanong ko kaagad.

Professor Series 1:Zake Xander Delos SantosWhere stories live. Discover now