CHAPTER 3

2 1 0
                                    

Pagkatapos ng trabaho ko ay nag-ayos na ako ng mga gamit ko para umuwi. Kailangan ko pa kasing mag-sideline kay Kuya Arneng sa pagbebenta ng mga fishball at kwek-kwek para pandagdag sa ipon namin ni Mark.
 
  "You're already going home?"
 
  Napatingin na ako kay Danerie nang pumasok na ito sa station namin. Tumango naman na ako sa kaniya. "Oo, Pogi. Kailangan ko pa kasing mag-sideline, e. Ikaw ba, saan ka umuuwi?"
 
  "Imperial Palace."
 
  Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kay Danerie. Ang Imperial Palace lang naman ang lugar kung saan nakatira ang pinakamayayaman at makapangyarihan tayo sa Capital City. Nasa 500 million pataas lang naman ang mga bahay doon kaya richer than the rich lang ang makakatira.
 
  "Alam mo, wala talaga akong panahon sa mga biro mo, Pogi," tugon ko na lang sa kaniya at kumaway na rin. "Sige na, mauna na ako. Kitakits na lang bukas."
 
  "Can you please go with me for a while? I just need to meet someone."
 
  Lumingon na ako sa kaniya. "Sorry, may bayad ang bawat minuto ng mga taong kagaya ko. Maraming akong schedule at kapag hindi ko iyon napuntahan ay hindi kami makakain ng kapatid ko ng tatlong beses sa isang araw."
 
  "I'll pay you, don't worry," anito sabay lapit pa sa akin.
 
  Kung titingnan mo siya ngayon ay maamo pa sa pusang gutom ang kaniyang mukha.
 
  Tinaasan ko na lang ito ng kilay. "Ako na nga kanina ang nagbayad ng tanghalian mo. Paano mo naman ako babayaran, aber?!"
 
  "Then take this as my payment." Inalis na niya ang singsing na nasa daliri nito at iniabot sa akin.
 
  Bahagya naman akong natigilan dahil mukhang seryoso talaga siya. "Hays! Sige na nga, nakakaawa ka naman at mukhang ako lang ang BFF mo dito. Saan ba ang punta mo?"
 
  "I just need to meet a friend."
 
  Dahil uto-uto ako, sinamahan ko na lang si Danerie sa pupuntahan nito. Sumakay na kami sa jeep at mukhang papunta kami sa Dangwa—lugar ng mga binibilhan ng mga magagandang bulaklak.
 
  "May jowa ka, Pogi?" pagtatakang tanong ko kay Danerie habang naglalakad kami rito sa daan.
 
  Wala akong sagot na natanggap galing sa kaniya kaya napasulyap na ako rito. Abala siya sa pagtitingin ng mga bulaklak hanggang sa tumigil na ito sa harap ng isang flower shop.
 
  "I'll have one bouquet of Sunflowers," pahayag ni Danerie sabay labas ng dalawang libo sa kaniyang wallet.
 
  Bigla namang napataas ang kilay ko dahil may pera naman pala si Danerie pero ako pa ang pinagbayad niya ng tanghalian nito kanina.
 
  Nilapitan ko na ito at tinapik. "Hoy, may pera ka naman pala. Bakit ka pa nanghiram sa'kin kanina?"
 
  "I need the money to buy some flowers. Don't worry, I'll pay you," sagot niya sa akin at iniabot na ang pera kay Manang.
 
  Nakakagigil si Danerie pero kung titingnan mo ang romantic side niya, gagawin niya ang lahat para sa babaeng gusto nito kaya tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita.
 
  Pagkatapos naming bilhin ang bulaklak, sumakay na ulit kaming dalawa sa jeep hanggang sa tumigil na kami sa tapat ng isang lumang bahay. Pamilyar sa akin ang lugar dahil malapit lang didto ang bahay ni Tita Beng, ang kapatid ni Mama na nag-alaga sa amin noong mga bata pa kami. Malapit lang din kasi rito ang paaralan ko noong Elementary ako.
 
  "Sinong kikitain mo dito, Pogi?" tanong ko sa kaniya nang makababa na kaming dalawa.
 
  "Venus. But she wasn't here so I'm going to give this to her sister."
 
  Tuluyan nang naglakad si Danerie papunta sa tapat ng gate ng lumang bahay at nag-doorbell. Habang nakatayo siya roon ay panay ang pag-iisip ko tungkol sa Venus na pangalan. Narinig ko na kasi ito somewhere at parang pamilyar talaga ito sa akin.
 
  "Teka, sa'n ko nga narinig 'yon..."
 
  "Danerie? Bakit ka nandito?"
 
  Napasulyap na ako sa babaeng nagbukas ng gate para kay Danerie. Nilapitan ko na rin sila at nang makita ko ang babae ay sobrang pamilyar din ito sa akin.
 
  "Ate Gaeya, this is for you." Iniabot na niya ang bouquet ng bulaklak.
 
  Napasinghal na lang ang babae at tinanggihan na lang ito. "Sorry, Danerie, kahit ano'ng gawin mo ay hindi ko puwedeng sabihin kung nasaan ngayon si Venus. Alam mo naman na ayaw ka pa niyang makita, hindi ba?"
 
  "I just really want to check on her, Ate. Is she out of town? Is she in Barcelona?"
 
  "Pasensya ka na, bilin niya pa rin sa akin na hindi sabihin sa'yo kung nasaan siya ngayon," tugon pa ng babae kay Danerie. "Bigyan mo na lang muna siya ng space hanggang sa handa na siya kausapin ka ulit."
 
  Tumalikod na ang babae at isinara ang gate. Naiwan kaming dalawa rito ni Danerie na nakatayo at laking gulat ko na lang nang bigla niyang itinapon ang bouquet ng sunflower sa gilid ng gate ng bahay.
 
  "Hoy!" anas ko.
 
  Kinuha ko agad ang bulaklak dahil ilang libo rin naman ang bili niya rito at personalized pa naman.
 
  "Leave it there," malamig niyang pahayag at tuluyan nang naglakad.
 
  Nakakagalit ang ugali ni Danerie pero kahit wala akong alam sa mga pangyayari ay nasasaktan ako sa kaniya. Mukhang mahalaga nga sa kaniya itong si Venus. Kinuha ko na rin ang bouquet at sayang naman. Ilalagay ko na lang 'to sa boarding house kapag ayaw na niya.
 
  Nagbantay na ulit kami ng jeep pauwi at hindi pa rin kami nagkikibuan. Alam ko kasing wala naman akong magagawa para mawala ang sakit na nararamdaman niya.
 
  "I'll be going now—"
 
  "Hoy, Pogi! Umiiyak ka ba?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
 
  Umiling kaagad siya sa akin at umiwas nang tingin. "No, I'm not."
 
  May tumutulo kasi talagang luha sa mga mata niya pero umiiwas lang siya lalo na at marami kaming kasabay dito na nagbabantay rin ng jeep.
 
  Huminga na ako nang malalim sabay hatak sa kaniyang braso. "Alam mo, hindi ako sanay na hindi energetic ang kasama ko kaya sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo."
 
  "Where are you taking me?"
 
  "Basta, Pogi!"
 
  Kinaladkad ko na si Danerie papunta sa terminal ng tricycle at doon na lang sumakay. Dadalhin ko na lang siya sa tindahan ni Kuya Arneng at nang mahimasmasan siya.
 
  "Manong, sa may Magallanes mo kami," ani ko.
 
  Medyo nagulat nga ako dahil wala namang imik si Danerie kung saan ko siya dadalhin. I think he needed this at tama lang ang desisyon ko.
 
  Pasado alas singko-y-media nang makarating kami sa pwesto ni Kuya Arneng sa tapat ng Public Market. Doon kasi maraming bumibili at sentro iyon para sa mga tao.
 
  "What are we doing here?" giit niyang tanong sa akin nang makababa kami ng tricycle.
 
  Kumindat na lang ako sa kaniya at ngumiti. "Basta. May ipapakain ako sa'yo na paniguradong mawawala 'yang mga luha mo. Tara na!"
 
  Kaagad na rin akong naglakad papunta sa pwesto ni Kuya at tamang-tama dahil marami ang bumibili.
 
  "Kuya Arneng!"
 
  "Uy, ang aga mo naman ngayon, Joy."
 
  "Opo, may kasama po kasi ako at gustong matikman ang legendary kwek-kwek ninyo," tugon ko pa.
 
  Napatingin na si Kuya Arneng kay Danerie na nasa likuran ko lang. "Aba, iyan na ba ang boypren mo, Joy? Napakagwapo naman niyan."
 
  "Yes, Kuya, that's my boyfriend—"
 
  "I'm not his boyfriend."
 
  Napangiwi na lang ako kay Danerie dahil kahit kailan ay napaka-kill joy niya. "Ito naman, hindi manlang sumakay sa biro ko. Opo, hindi ko siya boyfriend, Kuya, kaibigan ko lang po na kasama ko sa trabaho."
 
  "Ganoon ba, sige lang, Joy. Lahat naman nag-uumpisa sa magkaibigan."
 
  "Nako, wala siya sa standards ko, Kuya." Tinulungan ko na lang si Kuya sa pagprito ng mga kwek-kwek. "Ito, tikman mo."
 
  Tinitigan lang ni Danerie ang iniabot kong kwek-kwek na may special chilly sauce sa kaniya. Hindi niya manlang ito ginalaw at parang nandidiri pa siya habang tinitingnan ito.
 
  "No thanks," walang gana niyang pahayag sa akin.
 
  "Dali na, kapag natikman mo 'to ay baka araw-arawin mo na," pagpupumilit ko pa.
 
  Marahan siyang napatingin sa akin. "What is that yellow ball?"
 
  "Kwek-kwek ang tawag riyan, anak," usal pa sa kaniya ni Kuya Arneng.
 
  Natawa na lang ako dahil mukhang maniniwala na akong galing London itong si Danerie at kahit na kwek-kwek ay yellow ball pa ang tawag. Kahit naman kasi mayayaman dito sa Pilipinas ay kumakain ng ganitong klaseng street food.
 
  "Dali na, Pogi, isa lang," ulit ko pa sa kaniya.
 
  Sa wakas ay kinuha na rin ni Danerie ang kwek-kwek sa akin at dahan-dahan itong kinain. He was savoring it kaya pinagmasdan ko lang ito. Nang malunok na niya, mas lalo akong lumapit.
 
  "Ano'ng masasabi mo sa lasa?" tanong ko.
 
  "It's...quite good."
 
  Para akong batang proud na proud at nakangiti sa kaniya ngayon dahil alam kong magugustuhan niya ang kwek-kwek. Marahan ko na lang siyang tinapik sa balikat. "Sabi sa'yo e, magugustuhan mo 'yan. Siya nga pala, Pogi, iyang Venus na sinasabi mo, si Venus Bornales ba 'yan?"
 
  "Yeah. How did you know her?"
 
  "Wala lang, sikat kasi 'yan dati pa noong high school ako. Campus Queen kaya 'yan sa private school na pinapasukan niya malapit lang sa Bagong Bayan National High School kung saan ako nag-aral," paliwanag ko pa. "Nagtataka nga ako kung paano kayo nagkakilala, e."
 
  Bumuntong-hininga na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. "It was a long story but not worth to tell."
 

The CEO's Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon