CHAPTER 6

2 1 0
                                    

  "Six hundred, six hundred fifty five, seven hundred eighty six..."
  Binibilang ko ang ipon ko ngayong buwan at ang dami pang bayarin. Napapakamot na lang ako sa ulo dahil sa buhay namin ni Mark na isang kahig, isang tuka. Pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako sa panginoo na hindi niya kami pinapabayaan.
  "Makaaahon din ako sa hirap!" lakas-loob kong pahayag sa aking sarili sabay taas ng kamay ko. "Magiging mayaman din ako at nang mabigyan ko nang magandang buhay ang kapatid ko!"
  "Ate?"
  Dali-dali kong itinago ang pera nang marinig ko ang boses ni Mark. Ayoko kasing pati siya ay ma-stress din sa lahat ng mga gastusin namin dito sa bahay. Gusto ko na makapag-focus na lang siya sa pag-aaral at mabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang magiging future na pamilya.
  "Oh, Mark, nandito ka na pala!" Tumayo na ako sabay tago ng kahon sa cabinet. "Magbihis ka na at kakain na tayo, ipinagluto na kita ng sinabawang sardinas diyan na may pechay at piniritong galunggong."
  "Ah, Ate, aalis po kasi ako, e."
  Nangunot naman na ang noo ko. "Saan ka naman pupunta?"
  "May group project po kasi kaming kailangang asikasuhin sa bahay nila Jerome. Doon na lang po ako kakain," pahayag pa niya sabay lapit sa akin. "Manghihingi sana ako ng 500 at kailangan kong umambag para sa project."
  Bahagya naman akong napahinga nang malalim lalo na at short din ako sa pera ngayon. Pero ngumiti na ako sa kaniya at kinuha na lang ang wallet ko. Ibinigay ko na ang pera na dapat ay allowance ko rin ngayong linggo. "Gano'n ba. Sige ito oh, mag-iingat ka ha? Uuwi ka ba ngayong gabi?"
  "Oo, Ate, pero baka late na po. Marami kasi kaming gagawin, e," tugon niya sabay yakap sa akin. "Salamat, Ate! The best ka talaga!"
  "Aba, echos ka! Ako lang naman ang Ate mo kaya wala kang choice!"
  Nang makaalis si Mark ay mag-isa na lang akong kumain. Nagpahinga rin kaagad ako at maaga pa ang trabaho ko bukas.
  Kinaumagahan, naglaga lang ako ng isang itlog sabay nilagyan ng kamatis, sibuyas, at patis at iyon na ang inulam ko para sa agahan. Habang nasa byahe ako papuntang Orion, biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko na ito.
  "Ay, putcha!" biglang sigaw ko sa loob ng jeep.
  Napatingin na sa akin lahat ng mga pasahero kaya napapigil akong tumawa at tinakpan ang bibig ko. "Ah, sorry po. Si Putcha po 'yon sa pinapanood kong teleserye, nakakaadik kasi kaya nasasabi ko na lang nang wala sa oras," palusot ko pa sa kanila.
  Mabuti na lang talaga at malapit na ako sa Orion kaya bumaba na lang kaagad ako.
  Nakakahiya! Kaloka!
  Pagpasok ko ng kompaniya, nag-time in na ako sa trabaho at dumiretso kaagad sa station para basahin ang email galing sa HR. Biglang kuminang ang mga mata ko nang makitang tanggap na ako sa part time job para doon sa event.
  "Thank you, Lord! Grabe, pinagpapala n'yo po talaga ako palagi!"
  Napasayaw na ako nang wala sa oras dahil sa sobrang tuwa. Sobrang kailangan ko kasi talaga ng extra na trabaho ngayon dahil sa dami ng kailangan kong bayaran at ibinigay rin kaagad iyon ni Lord sa akin.
  "Lalalalala..." Masaya akong kumukuha ng mga gamit sa paglilinis habang kumakanta. "So this is me swallowing my pride, standing in front of you saying sorry for that night..."
  "What are you doing?"
  Bigla akong napatigil nang biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa harapan ko si Danerie na hindi nakasuot ng uniporme namin na pang cleaning services dito sa kompaniya.
  "Good morning!" taas-energy kong bati sa kaniya. "Bakit hindi ka naman uniform, Pogi?"
  "I'm going to the event today," malamig niyang sagot sabay upo sa harapan ko. "Besides, I'm not a really a janitor in the first place. I was just forced to do this thing."
  Napatawa na ako sa kaniya sabay siko dito. "Ang agang-aga delusyunal ka na naman diyan. Pero alam mo ba, may good news ako sa'yo!"
  "I'm not interested," anito sabay labas ng kaniyang cellphone.
  Napangiwi na ako at naglakad paharap sa kaniya. "Natanggap din ako sa trabaho ngayon lang, Pogi!"
  "Good for you."
  Sanay naman na ako sa walang energy na Danerie pero mas bumaba ata sa negative zero ang energy niya ngayon. Mas lalo itong matamlay kaya hinayaan ko na lang muna. Baka may mga inner struggles si Pogi na hindi ko alam.
  Habang tinititigan ko siya, napansin ko ang mga pasa niya sa mukha dulot noong pakikipagbugbugan niya kahapon. Nilapitan ko na siya at marahang hinawakan ang pisngi nito. "Visible pa rin pala ang mga pasa mo, Pogi."
  "Stop touching my face," iritang pahayag niya sa akin at tumayo na. "Let's go, we need to go there early."
  Nangunot naman ang noo ko sa kaniya dahil excited na excited itong magtrabaho doon sa event pero dito sa kompaniya ay walang gana.
  "Wait, Pogi, hintay naman!"
  Sumunod na lang ako sa kaniya at nang makalabas kami ng kompaniya, pumara na siya ng taxi sabay pasok doon.
  "What are you waiting for?" tanong niya sa akin.
  Ngumiti naman na ako nang marahan. "E, w-wala kasi akong pera pang taxi, e. Mauna ka na lang at sa jeep na lang ako sasakay—"
  Bigla niya akong hinatak papasok sa loob nang walang pasabi kaya muntikan nang masubsob ang mukha ko sa kaniya. "Gagi! Dahan-dahan naman, Pogi. Muntikan na tayong mag kiss!" sigaw ko sa kaniya.
  Natawa na lang si Kuya Taxi Driver sa akin.
  "You're really honest, Ligaya. Sinasabi mo lahat ng nasa utak mo," ani pa ni Danerie at lumayo na sa akin.
  Napatawa na lang ako rito at inayos na rin ang pag-upo ko. "Eh, anong magagawa ko kung ganoon ako, Pogi?"
  "Nothing!"
  Tahimik na si Danerie buong byahe namin. Nang makarating na kami sa venue, nagulat ako na sa isang golf field. Dito pala gaganapin ang event at halatang mga mayayaman lang ang makakapasok dito sa loob.
  "Wow! Ang ganda naman dito!" usal ko habang nakangiti na nagmamasid sa buong paligid.
  "This is jusr a normal golf field."
  Napatingin naman na ako sa kaniya sabay taas ng kilay ko. "Siyempre hindi mo ma-appreciate dahil iba-iba naman tayo ng perspektibo sa buhay, Pogi. Unang beses ko pa lang kasi makapasok dito kaya gandang-ganda ako!"
  "Whatever! I need to go."
  Hinawakan ko na bigla ang braso niya. "Eh, saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito?"
  "Yes? Let go of me, may kailangan akong puntahan."
  "Akala ko ba magtatrabaho tayo rito, Pogi?" Napanguso na ako sa kaniya. "H'wag ka nang umalis, parang kill joy naman 'to. Alam na ilang hektara 'tong lugar. Paano na lang kapag nawala na ako? Edi mawawala ka ng best friend na cute?"
  Tinitigan niya lang ako at makalipas ang ilang segundo, umalis na siya at naglakd palayo sa akin.
  "Nubayan, hindi manlang umubra ang paawa effect ko kay Pogi!"
  Naglakad na lang ako at hinanap ang in-charge para sa event. Mabuti na lang dahil mayroon namang mga nakalagay na sign sa mga nagtatrabaho kaya madali ko lang nahanap.
  "Naiintindihan mo ba ang kailangan mong gagawin? Huwag kang tatanga-tanga dito ha?!"
  Tumango kaagad ako kay Ma'am Shiela. Siya ang event organizer dito at binigyan niya na rin ako ng task. "Opo, Ma'am. Bali ang gagawin ko lang ay maghintay kung kelan ako tatawagin ng mga modelo rito?"
  "Yes. Do your work right at kapag hindi mo inayos ang trabaho mo ay makakatikim ka talaga sa akin!"
  "Copy po, Ma'am!"
  Kaagad na akong lumabas ng tent at napatingin sa iba't-ibang mga modelo na narito sa field. Magkakaroon kasi ng show mamayang hapon daw kaya naghahanda na sila. Maraming mga mayayaman ang inaasahang dadalo.
  "Nasaan na kaya si Pogi?" pagtatakang bulong ko sa sarili ko habang hinahanap siya sa paligid. "Ang daya niya naman, hindi manlang ako sinama kung saan siya pupunta—"
  "Hey, you!"
  Napasulyap na ako sa isang magandang model nang tawagin ako nito. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kaniya sabay bigay ng napakagandang ngiti ko. "Hello, Ma'am! What can I do for you po?"
  Tiningnan niya lang ako na parang nandidiri sabay irap. "Clean these shoes and make sure to finish it in a few minutes. I need it ASAP!"
  "Yes po!" Kaagad ko na itong kinuha at tumungo na rin sa pinakamalapit na water outlet.
  "Ano ba 'yan, napakagandang modelo pero ang burara naman sa gamit," mahinang pahayag ko habang pinupunasan ang sapatos nitong parang hindi nalinisan ng ilang dekada.
  Dalawang minuto lang ang inabot ko at bumalik na kaagad sa kaniya. "Heto na po, Ma'am! Fresh and ready!"
  "Tch! Ang tagal mo!" Marahas na niyang kinuha ito sa akin at umalis na rin kaagad.
  "Babae, dito!"
  Napatingin na ulit ako sa isa pang modelo at tumakbo papunta roon habang nakangiti pa rin. "Yes po, Ma'am?"
  "Wash these costumes and put it in the dryer." Itinapon na niya sa akin ang ilang mga tela. "Make sure to clean it well, I need it in ten minutes!"
  Tumango naman na ako. "Ah, saan po ang dryer, Ma'am?"
  "Look for it, stupid! Why are you asking me?"
  Dali-dali na akong tumango sa kaniya at naglakad. Napa-iling na lang ako dahil hindi ko alam kung isa ba sa mga requirements para maging modelo rito ay ang hindi pagkaroon ng magandang ugali.
  Pagkatapos kong labhan ang mga costumes ay bumalik na kaagad ako sa pwesto nila hanggang sa sunod-sunod na ang mga utos nila sa akin. Unang araw ko pa lang dito sa trabaho ay sobrang pagod na pagod na ako dahil halos wala akong pahinga.
  Utos dito, utos doon.
  Pero sa ngalan ng pera, gagawin ko ang lahat para lang sumahod sa maayos na paraan.
  "Ayan, linisin mo pa 'yan!"
  "Dito rin, babae!"
  "Hoy, yung sandals ko hindi pa malinis!"
  Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko sa kanila at isa lang naman ako ritong inuutusan nila pagkatapos sila ay halos sampu.
  "Sandali lang po, tatapusin ko muna—"
  Biglang may malutong na sampal na dumapo sa pisngi ko. Nagtawanan na ang mga ito sa akin kaya nagulat ako. Parang hindi mga modelo ang pinagsisilbihan ko ngayon, para silang mga galing mental hospital na mga baliw.
  "Serves you right! Ang kupad mo kasi kumilos!" sigaw ng isa sa akin.
  Ngumiti pa rin ako sa kanila at yumuko. "Sorry po, mga Ma'am. Aayusin ko na po ang pagtatrabaho."
  Lumuhod na ulit ako at isa-isang pinunasan ang mga  sapatos nilang suot. Patuloy lang ang paghampas nila sa ulo ko pero hindi ko na lang iyon pinapansin.
  "I wonder how poor people feel when they're being stooped down," pahayag ng babaeng pinupunasan ko ngayon ang suot nitong napakataas na heels.
  "Girl, my pride couldn't take it. Like ew, mga mahihirap? They'll do everything just to earn a cent just like this girl!"saad pa ng isa sabay hampas sa ulo ko.
  "Ligaya, stand up!"
  Bigla akong napatigil sa ginagawa ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Tumingala na ako at napangiti bigla nang makita ko si Danerie na nasa harapan ko na ngayon.
  "Pogi, hindi nga Ligaya, Joy ang pangalan ko. Grr!"
  "Oh my gosh! It's Danerie, the heir—"
  "I wouldn't say such thing if you still want to be a model in here," pagputol ni Danerie sa sasabihin ng babae sabay hatak sa akin palapit sa kaniya. "Don't you dare touch this girl again or all of you will lose your careers."

The CEO's Addiction Where stories live. Discover now