CHAPTER 8

3 1 0
                                    

"We need to finish everything before the rehearsal! Keep up, everyone!"
Pinagmamasdan ko lang ang mga naggagandahan at mga sexy na modelo sa gitna ng stage habang nagpa-practice sila para sa event. Naghihintay pa naman ako ng iuutos dito sa'kin kaya wala pa akong masyadong trabaho.
"Hey, Ligaya!"
Napakunot kaagad ang noo ko dahil isang tao lang naman sa entire universe ang tumatawag sa'kin niyan. "Oh, bakit, Pogi? Ano na namang problema mo?"
"Come with me, I need to go somewhere."
"Bayad muna. May bayad kasi bawat segundo ng oras ko, e!" pagbibiro ko pa sa kaniya.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang naglabas ng pera galing sa kaniyang wallet at ibinigay na ito sa'kin.
"Here, five thousand. Are we good now?"
Kaagad naman akong napataas ng mga kamay ko. "Pogi, remind lang kita, ha? Hindi ako tumatanggap ng pera galing sa nakaw, kaya please lang, kung saan mo man kinupit 'yan, ibalik mo na kaagad bago kita isumbong sa mga pulis—"
"I am not a thief, Ligaya! Where did you get that information?!" anas niya pa sabay tingin nang masama sa'kin.
Tumawa naman na ako rito. "Eh, saan naman galing ang ganiyan kalaking pera tapos ibibigay mo lang sa'kin? Pareho lang naman tayo ng trabaho, e!"
"Just accept it and stop asking already."
Ibinigay na niya sa akin ang pera at hinatak ako palayo sa stage. Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin iyon at kailangang-kailangan ko rin kasi talaga ng pera para sa pambayad ng kuryente namin.
Sabi na, e! Hulog ng langit talaga 'tong si Pogi sa'kin kahit na napakasungit niya.
"Saan tayo pupunta?" pagtatakang tanong ko kay Danerie habang patuloy pa rin siya sa paghatak sa akin.
"I need to confirm something so come with me."
Hindi na lang ako nagsalita ay hinayaan na siya hanggang sa makarating na kami sa tapat ng isang building na maliit. Mukhang ito ang opisina ng golf field at wala namang katao-tao.
"Ano'ng gagawin natin dito?" pagtatakang tanong ko sa kaniya.
Humarap na sa akin si Danerie sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Kaagad akong napataas ng kilay ko at niyakap ang katawan ko.
"Kaya mo siguro ako dinala dito sa walang katao-taong lugar para pagsamantalahan 'no! Sinasabi ko na nga ba, Pogi, may kakaiba talaga rito sa friendship nating dalawa—"
Bigla niya akong kinatok sa noo dahilan para mapatigil ako.
"You're so weird, Ligaya. I will never get aroused on your body, stop dreaming," anas pa niya sa'kin.
"Eh, bakit tingin ka nang tingin sa katawan ko?"
"I'm just looking at you if you could fit on the window para buksan ang pinto for me," sagot pa niya sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "At gagawin mo pa talaga akong akyat-bahay, Pogi? Ang kapal naman ng mukha neto!"
"Just help me please, I really need to go inside."
"Kiss muna, Pogi," pang-aasar ko sabay tawa. Marahan ko nang inilapit ang pisngi ko sa kaniya. "Kiss mo muna ako at tutulungan kita."
Sinamaan na niya ako ng tingin at kumuha ulit ng pera galing sa kaniyang wallet. "I'll pay you, just help me."
Kaagad ko nang hinampas si Danerie. "Grabe ka naman sa'kin! Akala mo talaga sa'kin mukhang pera, Pogi, ha? Ito na nga, tutulungan na nga kita!"
Naglakad na ako papunta sa bintana ng clubhouse at tiningnan ito kung paano ako makakapasok. Sumunod na rin sa likuran ko si Danerie.
"What are your plans?"
"Ito, tinitingnan ko kung kasya ba ako rito," sagot ko sa kaniya at dahan-dahan na ipinasok ang sarili ko sa bubog na bintana. "Ayon, teka lang, baka masugatan ako dahil sa bubog. Pogi, tulong naman!"
Kaagad na akong tinulungan ni Danerie at laking gulat ko na lang nang bigla niyang hinubad ang kaniyang t-shirt at iyon ang inilagay niya sa bintana para hindi ako masugatan.
"Is it okay now? Try mo nga," pahayag niya sa akin habang ako naman ay titig na titig lang sa kaniyang abs.
"Ay, pogi, pwede ko 'yan hawakan muna?"
"You're being distracted, Ligaya, we might get caught here!" anas niya sa'kin.
Napatawa na lang ako at tuluyan nang pumasok. "Ito naman. First time ko kasing makakita ng totoong abs sa malapitan kaya ako na-distract pogi."
Tuluyan na akong nakapasok sa loob kaya napaharap na ako kay Danerie. "Huy, kinakabahan ako, Pogi. Pakiramdam ko isa akong akyat-bahay na nagnanakaw ng 32 inches na TV dito."
"Just open the door, Ligaya. I got you!"
Tumakbo kaagad ako papunta sa pinto at binuksan ito para sa kaniya. Hindi ko alam na bakit da kabila ng lahat ng preparasyon ay walang tao rito sa clubhouse ngayon.
"Ano bang nanakawin mo dito, Pogi?" tanong ko sa kaniya habang iniikot ko ang paningin ko sa loob.
"I'm not a thief. I just need to see the rest of the event's schedule and look for Venus' arrival."
Napasulyap kaagad ako kay Danerie. Kaya pala ganito siya ka-effort ngayon, para pala doon kay Venus Bornales na sa tingin ko ay jowa niya.
Assuming lang talaga ako kaya feeling ko jowa niya 'yon.
Makalipas ang ilang minuto, napatayo bigla ako nang may marinig akong boses na malapit dito sa clubhouse. Tumakbo kaagad ako kay Danerie at hinatak siya. "Pogi, may tao. Labas na tayo!"
"Sht! They're in the door already!"
Dali-dali akong hinawakan ni Danerie sa braso at hinatak papunta sa isang maliit na cabinet. Pumasok kaagad kaming dalawa doon at isinara ang cabinet.
"Ang sikip..." reklamo ko sa kaniya.
"Don't make a sound."
Kaunti na lang talaga at maglalapat ang mga labi naming dalawa kaya napangisi ako sa kaniya.
"Pst, Pogi—"
"I told you not to make a sound," pagputol niya pa ulit sa'kin at sinamaan ako ng tingin.
Mayroon kasing kaunting mga butas dito sa cabinet kaya nakikita ko pa rin ang reaksyon niya.
Mabuti na lang dahil makalipas ang ilang segundo ay umalis na ulit ang mga tao kaya lumabas na kaming dalawa ni Danerie sa cabinet at nilisan na ang clubhouse.
Pasado alas-tres ng hapon nang matapos lahat ng mga inutos sa'kin ng mga staff na nandito. Pumunta kaagad ako sa tent kung nasaan ang bag ko para makapunta na kay Kuya Arneng dahil ilang araw na akong hindi nakakapag-sideline roon. Malaki man ang perang ibinigay sa'kin kanina ni Danerie, gusto ko pa ring magtrabaho para makapag-ipon ako. Isa pa, hindi lang naman para sa tuition ni Mark ang pinag-iipunan ko kung hindi para rin sa sarili ko. Kahit ganito lang ako ay gusto ko pa ring makapagtapos ako ng kolehiyo at ang dream course ko talaga ay ang maging isang guro.
"Joy?"
Napatigil ako sa pagpunas ng pawis ko sa leeg nang mayroong tumawag sa'kin. Lumingon na ako at kaagad na napangiti nang makita ko si Sir Patrick na naglalakad papunta sa direksyon ko. "Hello, Sir!"
"Hi! Are you done with your work?"
"Opo, Sir. Pa-out na rin po ako at may sideline pa akong iba, e," tugon ko pa sa kaniya.
Bahagya na siyang nagtingin-tingin sa paligid ko. "Have you seen Danerie? Aren't he with you today to work?"
"Ay, kanina pa po kami naghiwalay, Sir. May pupuntahan daw siya kaya nauna na siyang umalis. Bakit po, Sir?"
Umiling na lang siya sa akin. "I see. Wala naman, I just need to talk to him. I'll see you tomorrow then, I need to go now."
"Sige, Sir! Ingat po kayo!" Kumaway na ako kay Sir Patrick habang naglalakad ito palayo.
Napakapogi talaga si Sir Patrick at napakabait. Kung may ideal husband man ako ay paniguradong walang makakatalo sa kaniya.
"Is he gone already?"
"Ay, shuta ka beh!!" Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang biglang bumungad sa harapan ko si Danerie.
Wala naman akong kaalam-alam na nagtatago pala siya sa bandang likuran ng tent.
"Sorry for startling you," anito at umayos na ng tayo.
Dali-dali akong napasulyap sa paligid para tingnan kung nandito pa ba si Sir Patrick. "Teka lang, nandito ka pa pala, hinahanap ka ni Sir Patrick sa'kin kanina—"
"Stop! Don't tell him I'm here," biglang pigil niya sa akin at hinatak na naman ako.
Porket maliit lang akong babae at siya naman ay isang kapre, hahatak-hatakin niya na lang ako kahit saan.
"Alam mo, Pogi, kung makahatak ka naman sa'kin, akala mo isa akong laruan na manika," anas ko sa kaniya.
Tinitigan niya lang ako. "You're not a doll, Ligay. Stop dreaming."
"Kapal ng mukha neto!" Inirapan ko na lang siya at isinuot na ang bag ko. "Diyan ka na nga at may trabaho pa ako!"
"Where are you going? Let me go with you," aniya sabay lapit sa'kin.
"Pupunta ako kay Kuya Arneng, tutulong sa kaniya, ano gusto mo rin ba magbenta ng kwek-kwek ngayong araw?" tanong ko pa.
Tumango kaagad siya sa akin. "That's better than having a blind date with some stranger tonight."
Wala na akong nagawa at sumama na nga si Danerie sa akin. Kahit na nakakainis 'tong lalaki na 'to minsan ay nagpapasalamat din naman ako at hindi na ako palaging nag-iisa. Minsan na lang din akong kinukutya ng ilang mga staff sa kompaniya dahil may kasama na ako at kaibigan.
Hindi ko alam pero ang gaan lang talaga ng pakiramdam ko kapag kasama ko si Danerie. Para akong nagkaroon ng best friend na maaasahan.
"Kuya Arneng, we're back!" masayang pahayag ko pagkababa naming dalawa ni Danerie sa tricycle.
Napangiti na si Kuya nang makita kaming dalawa. "Kasama mo pala ulit si Danerie, Joy. Nako at marami na naman ang bibili nito sa paninda natin at nandito siya."
Napasulyap na ako kay Danerie. "Dapat lang po, Kuya, para naman may silbi siya at kain siya nang kain sa paninda mo nang hindi niya naman binabayaran."
"Hey, I'm always paying, Ligaya! Stop accusing me!"
Para siyang bata na nakikipagtalo sa akin kaya napatawa na lang kami ni Kuya Arneng.
Inabot kami roon hanggang alas-otso ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Danerie. Hindi ko alam kung hinihintay niya ba ako o sadyang ayaw niya lang talagang umalis.
"Psst, Pogi," tawag ko sa kaniya. "Hindi ka pa uuwi?"
"I'm still waiting for someone here."
Nangunot na ang noo ko sa kaniya. "Eh? Sino?"
"Venus's sister. I've discovered that she opened at restaurant near this place so I'm wondering if I could talk to her since Venus will be home in a few days."
"Ah...iyon ba yung pinasok natin sa clubhouse kanina? Kasama ba siya sa event doon sa golf field?"
Tumango na sa akin si Danerie at isinubo ang huling kwek-kwek nito. "Yeah. Venus is one of the guests of the event so I had to check the schedule so that Ican see her during that day."
"Curious na tuloy ako sa mukha niyang Venus Bebelabs mo na 'yan ngayon. Noong high school kasi ako ay sobrang sikat niya talaga sa school namin, ngayon kaya?"
"She's dazzling as ever...I missed her already..."
Habang pinagmamasdan ko si Danerie ay ramdam kong nasasaktan siya. Wala man akong alam sa kanilang dalawa, alam kong mayroon silang problema na kinakaharap. Kung ano man iyon, sana ay maging maayos na sila at magkabalikan...
Pagkatapos maibenta lahat ng kwek-kwek nag-ayos na ulit ako para umuwi. Nag-text na rin kasi si Mark sa'kin na naka-uwi na siya.
"You're still using that phone, Ligaya?"
Napatigil ako sa pag-reply habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep. "Oo naman, bakit naiinggit ka ba na sa kabila ng touch screen generation ay gumagamit pa rin ako ng keypad, Pogi?"
"Of course not. How poor are you that you can't even afford a decent phone."
Tinaasan ko na siya ng kilay. "Echosero naman nito! Hayaan mo, kapag yumaman na ako ay kahit iyang Orion na pinagtatrabahuhan natin ay bibilhin ko 'yan!"
"You will?" tanong pa niya sa'kin.
"I will! Maghintay ka lang at makakaahon din ako sa hirap!" ma-owtoridad ko pang pahayag sa kaniya. "Ano, deal ba natin—" Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang bigla akong inubo. Napapansin ko nitong mga nagdaang buwan na umuubo ako kahit wala naman akong lagnat o kahit ako.
Kinuha ko na kaagad ang panyo ko para takpan ang ilong ko pero pagkuha ko ay nagulat na lang ako na mayroon na naman itong dugo.
"Hey, why are your nose bleeding, Ligaya?" pagtatakang tanong niya sa'kin.
Tamang-tama naman na tumigil na ang jeep sa harapan ko kaya napangiti na lang ako kay Danerie sabay takbo papasok ng jeep.
"Wala 'to, Pogi! Englis ka kasi nang englis kaya dumugo tuloy ang ilong ko!"

The CEO's Addiction Where stories live. Discover now