Chapter 02

0 0 0
                                    

“Completo na ba lahat ng gamit sa kotse?”

“Oo complete na ”

Iyan ang usapan ng parents ko habang busy nga dito dahil ngayong araw mismo kami lilipat ng bahay. Walang gana akong lumabas ng bahay bitbit nga yung bag ko.

“ Oh tara na Aira bago pa dumilim”sambit ni mama

“ Okay. ”tipid kong sagot, sinamaan ako ng tingin ni papa sabay pasok nalang sa loob ng kotse then si mama naman ay pumwesto narin front seat while me back seat narin saka narin kami tuluyang umalis while nasa biyahe, napasulyap sa salamin si mama.

“ Aira, naasikaso mo na ba yung requirements for transfere mo? ”

“ Wala pa.” wlang gana kong sagot

“Kelan kapa ba kikilos Aira pag paparating na yung klase?! ” medyo inis ni papa

“ Hindi pa nga tayo nakarating sa mala hunted house na magiging new house natin dba? ” medyo sungit kong sagot

“ Napakabastos mo talagang bata ka?!” Inis din ni mama

Nang makarating na kami sa ancient house ay sinalubong nga kami ni mang kardeng.

“ Good pm po sir, tulungan ko na po kayo sa mga gamit ninyo.” pag bobolantaryo nya

“ Sige maraming salamat ” nakangiting sambit ni papa

“ Tsk... ” roled eyes ko nalang at padyak-padyak narin akong sumunod sa mga magulang ko ; wala talaga akong gana ngayon halos araw-araw mainit ang ulo ko.

Pag pasok namin sa loob, infernes ha ; malinis na yung buong paligid at wala nang alikabok at nasa ayos narin yung gamit dito sa sala at sa kumidor. Kinuha na pala yung telang nakabalot sa mga ito.
Okay na po yung lahat nang nandito ma'am Marianne ; meron na po kayong tubig at kuryente po , yung refrigerator naman po okay narin po magagamit na po ulit. ”explain nga ni Mang Kardeng
“ Okay maraming salamat talaga sayo mang kardeng.”sagot ni mama
“ Iaakyat ko na itong mga gamit sa mga magiging kwarto po ninyo... Samahan ko na po kayo sa taas.”sagot naman nito , then umakyat na nga kami sa taas since tatlong kwarto nga yung nandito... Sa unang kwarto ay kwarto yun ng parents ko then sa kabilang kwarto naman yung akin.... Kasama parin namin yung caretaker nitong lumang bahay. Pag pasok namin dito.. Agad na inilapag ni mang kardeng yung mga gamit ko.
“ Pwede mo nang I arrange mga gamit mo sa cabinet iha. By the way may iilan lang akong dapat ipag bigay paala-ala sayo since ito na ang magiging kwarto mo.... ”sambit pa nga ni Mang Kardeng na ikinagulat at ipinagtaka narin namin ng parents ko.
“ A-anong ibig mong sabihin mang kardeng?”tanong ni papa, he sighed a little bit
“ Iha, ” sabay sulyap saakin. “Nakikita mo ba ang pintong iyon?”sabay turo nga ng pintong nakabalot nga ng paking tape... Omg! Itong pinto na to, wait anong meron dyan.
“ Ah! Alam ko na po, sasabihin mo sakin na wag akong lalapit dyan dahil sira na yung pinto kaya sya binalutan nalang ng paking tape. Okay hindi naman ako pupunta dyan.”
“ No, not like that... ”he said dahilan ng pagkaramdam ko ng takot dahil sa tono ng pananalita nya para kasing nananakot ei.
“ W-wooooh..... Don't do this mang kardeng ; wag kang manakot ha! Tutuktukan kita dyan ei! ”

He sighed again
“May dahilan bakit binabalot ng paking tape ang pintong iyan. ”he said
“ Eh anong dahilan? Display lang ba? ”
“ No, dahil ang pintong iyan ay may tinatagong sekreto... sekretong tanging mga piling tao lang ang makakaalam nito. Dahil sa likod pintong yan ay may tinatanong mysteryo”he continued

Agad akong natakot sa sinabi niya...
“ Kuya naman ei...... Alam mo I really really hate horror ; wag ka ngang manakot dyan!!! So you mean may mumo talaga sa likod ng pintong yan?! ” putla ko sabay iling nito
No , hindi multo oh mumo ang nandyan... Hindi ko pwedeng sabihin sayo iha dahil itong sekretong to ay natatangi lang malaman ng napupusuan ng pinto at papayag na makapasok sa loob ng pintong yan.”dugtong pa nito na ikinatawa ko narin
“ Nababaliw kana ba? At sino namang baliw na papasok dyan sa pintong yan ei panigurado kapag bubuksan ko yan eh labas lang naman ng bahay makikita. Walang mysterious door okay! ”inis ko
“ Kahit buksan mo yan; hindi mo parin mabubuksan dahil inuulit ko , tanging piling tao lang ang makakapag buksan nyan.”he continued
“ Pwee.... Umalis ka na nga! and thank you!” Inis ko parin
“ Okay... Sige po ma'am /sir ”he said to my parents then umalis narin si mang kardeng...
“Aira, wag mo nalang pansinin yung sinabi nya ; baliw lang yun  at higit sa lahat Aira tandaan mo to, walang mysterious door at sa  mga stories lang yan makikita ; mga kathang isip lang”
“ Alam ko yun ma, tinakot pa talaga ako ah”
“ Oh sya, ayusin mo na tong mga gamit mo at para makapag pahinga narin.”
“ Okay.”sagot ko nalang ky papa

meanwhile ...

Nag aayos na nga ako ng mga damit ko dito sa cabinet dahil inilalagay ko na yung mga damit ko dito sa loob nang biglang may narinig akong boses ng babae na tinawag bigla ang pangalan ko.

“ Aira! ”, napalingon ako sa buong paligid akala ko tinatawag lang ako ni mama

“ Kainis naman oh.. Di pa nga ako tapos dito sa ginagawa ko ei” reklamo ko nga  then inignore ko nalang yung boses.
Pagkatapos kong ayusin yung damit ko sa cabinet ay sinunod ko nang ayusin yung mga display at mga picture frames ko pumunta ako sa mini table na nakapwesto nga sa gilid lang ng single bed ko katabi narin ng pintong nakabalot ng paking tape  habang ako ay busy nga kakaarrange nito , in the second time may tumawag ulit sa pangalan ko at yung boses kanina ay syang boses ngayon

“ Aira! ” , nagulantang ulit ako , agad ko naring narealize na parang hindi naman yata boses ni mama to para kasing boses diwata...

Agad akong napahinto sa ginagawa ko at pinakiramdaman ulit na baka mag sasalita ulit sya.

“Aira, ”, mas lalo akong natakot nang tinawag nya ko ulit sa pangatlong pagkakataon

“ S-sino k-ka? B-bakit m-moko kilala? W-wag mo kong saktan please....” nginig kong boses pero muli syang nagsalita

“ Hindi kita sasaktan dahil isa akong kaibigan at kakampi. Lumingon ka.”

“ A-ayoko! ”nginig ko parin

“ Sige na... Lingon na...”

Nanginginig na ko dito at mabilis na talaga ang kalabog ng puso ko ; tarantang taranta na ko dahil marami na kong naiisip na mga nakakatakot. Dahan akong lumingon at nakita ko nga yung pintuan na umiilaw kaya naman ay agad akong napatili...

“ aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.....................”

Habang nakaupo lang dito sa kama ko at cross ng mga binti ko ; sobra akong natatakot dito nginig na nginig akong parang iiyak na parang hindi ; sa sobrang takot ko ay napatakip mata nalang ako at hindi na alam kung umiilaw paba yung pinto o hindi na

At nang dahil nga sa tiling yun ay agad na napatakbo yung mga magulang ko dito sa loob ng kwarto ko nang may pag alala sa mga mata nila.

“ Aira what happen?! Are you okay?”

Nang makita ko si mama ay agad akong napatakbo at yakap nalang saknya at doon na ko umiyak. Ramdam nila yung nginig ng buong katawan ko at yung malamig kong pawis.

“ Takot na takot ka Aira , may nangyare ba dito?”tanong ni papa
Umuwi na tayo satin pa, ma,  dun sa dati nating bahay ayoko na ditong tumira ; promise mag papakabait na ko basta bumalik na tayo sa dati nating bahay!”iyak na pakiusap ko nga sa parents ko

“ Ano ngang nangyare Aira?! ”

“ Mukang totoo yung sinabi ni mang kardeng kanina ; totoo ngang mysteryoso nga talaga yung pintong yan! ” sabay turo ng pinto ng balot na balot ng paking tape

“ Anong ibig mong sabihin?”

“ Nag sasalita yan at umiilaw mama! Nakausap ko pa nga ei” I said

Medyo natigilan nga yung parents ko sa sinabi ko..... After 1min ay tumawa nalang silang dalawa...

“ Hindi mo kami maloloko Aira , gumagawa ka lang ng dahilan para wag dito tumira pero hindi! Hindi tayo aalis dito! ”pwersa ni papa

“ A-ano? Mama , maniwala naman kayo”pamumutla ko ngang sambit, bumuntong hininga si mama

“ Aira , alam mo anak , gutom lang yan hmm.. Tapusin m nalang yang ginagawa mo at para makakakain kana hmm..”

“ Mama naman ei... Maniwala naman kayo sakin oh ; totoo yung sinasabi ko , umiilaw nga yan! ”iyak ko nga sa parents ko

“ Aira , gutom lang yan... Hindi tayo aalis dito at dito na tayo titira sa ayaw at sa gusto mo!”dugtong pa nga ni papa then parehas narin silang lumabas ng kwarto...

Napagulo nalang ako ng buhok ko dahil sa inis....

“ Nakakainis! Ayoko ditoooo”takot ko parin sabay lingon nga sa pintong may paking tape.

Hindi na sya umiilaw normal na syang pinto.

Door From The Past & Present Where stories live. Discover now