chapter 06

0 0 0
                                    

Nakaupo parin ako dito sa harap ng office ni Mr. Dean nang sya ay lumabas nga ng office nya bitbit na nya yung brown envelope. Lumapit sya sakin para iabot ang mga iyon.
“Kompleto na lahat to Ms. Garcia. Thank you for staying and choosing our school and we are looking forward to your new school and new environment.”sambit nga nito

Hindi ko na napigilang wag maluha sa sinabi nya bagay na ipinagtaka nya.
“Bakit ka naiiyak? May nasabi ba kong masama?”he asked

Suminghot ako saka ko narin pinunasan ang luha ko.
“Actually po, labag po sa loob kong mag lipat ng school sir.”I said
“What do you mean?”
“Hndi ko po gusto na lumipat po ng school, kagustohan lang naman to ng parents ko. Lalo na ng tatay ko.”kwento ko nga
”Ow, I see, nagulat nga ako nung sinabi mo na nagbabalak kang mag lipat ng school. Pero bakit tutol ka?”
“Sir, lumipat po kasi kami ng bahay eh ang gusto ni papa yung school ko daw malapit lang daw dapat sa bahay namin, pero ayaw ko talagang umalis dito but I have no choice.”I said then bumuntong hininga narin si Mr. Dean
“Ms. Garcia, malaki kana. May sarili ka nang pag iisip if gusto mong mag stay dito edi sabihin mo sa parents mo. Siguro naman eh maiintindihan din nila yun.”he said
“Sir, they are my parents at kahit na mag salita man ako, Wala naring saysay dahil sila naman yung magdedecide sa huli. Wala po akong boses para ipagtanggol ang sarili kong opinion at decision. In short mula pagkabata ko until now na malaki na ko they treated me as a robot, sunod-sunoran lang sa lahat ng gusto nila, pati nga itong course kong nursing decision nila to, I don't like this course I have sir but I have too dahil kung hindi ako susunod. Alam ko na mangyayare sakin.”kwento ko pa nga ky sir
Tinapik nya ko sa balikat saka narin sya nagsalita
“Kaya mo yan Aira, matalino kang bata at alam ko na makakaya mo to. Good luck parin.”he continued
“Thank you po,”sagot ko nalang

Meanwhile. . . .

“Ow, so bitbit mo na pala yung requirements mo.”bungad saakin ni Shakira
“Yeah”walang gana kong sagot saknya, pabagsak akong umupo. Nandito kami ngayon sa coffee shop.
“Ano na yung next plan mo? Lilipat ka na agad ng school? Di pa tapos yung second sem natin.”she continued
“Bakit, sinabi ko bang ngayon ako lilipat? Shakira, tataposin ko pa yung 2nd sem ko here.”I said then she sighed
“Bakas na sa mukha mo ang lungkot Bes. Hayst. . . Kay malas ka naman sa magulang oh.”she said
“Sobra, sobra sobra,”inis ko rin saknya then she sighed
“Let's go to a bar later?”pag aya nga nya na agad ko naring sinang ayunan.

Nang makauwi na ko sa bahay. Nadatnan ko si papa na umiinom nga kasama ang mga kaibigan nya medyo lasing na sya ng makauwi ako, si mama naman baka sa kusina lang.
“Uy, nandito na pala ang maganda kong anak. Anak, halika muna dito saglit.”pag tawag nga nya saakin pero boses lasing na sya. Lumapit narin ako saknya, agad din nya akong hinila paupo nga sa tabi nya.
“Alam nyo ba mga pare, masunurin itong anak ko eh. Di ba nak?”boses lasing nga nitong sambit saakin, agad din akong pumiglas saka pwersa naring tumayo
“I'm tired po, can I go in my room?”pag paalam ko nga saknya
“Hayst. . . Ang sungit mo, oo na sige na, madapa ka sana!”inis ring sambit ni papa, I rolled my eyes at him saka narin ako umakyat sa taas at pasok na rin sa loob ng kwarto ko.

Inilapag ko na ang bag ko sa mini table ko kasama narin yung requirements ko for transferring the school. Napasandal ako sa head board ng kama ko saka narin hinilot-hilot yung batok ko.
“Nakakainis!”ngit-ngit ko nga nang biglang may nag salita ulit.
“Gusto mong gumala? Magtutulungan kita.”sambit nga agad ng boses na narinig ko before. Heto na naman yung scary voice.
Ginulo ko yung buhok ko saka ako humiga at nag talokbong ng kumot.
“Eeeeh. . . Wag kang manakot dyan please lang lumang pinto!”Inis ko
“Aira, wag kang matakot, wala akong gagawin sayo, hindi kita sasaktan.”dugtong pa nya
“Paano ako makakasiguro aber?!”inis ko habang nandito parin sa loob ng kumot,
“Basta, wag mong isiping mag isa ka dahil nandito ako for you. Matutulungan kita basta alisin mo na ang takot mo saakin.”

Medyo napakalma ako sa sinabi nya, dahan akong bumangon saka narin dahang humarap sa pintonv umiilaw.
“Alam mo Aira, nag hahanap ako ng isang taong makakatuklas saakin at samahan ako sa mysteryosong tinatago ko rito.”
Tinaasan ko sya ng kilay.
“Can you shut up?! Baliw kana yata, ano bang meron sayo ha?!”inis ko
“Ako ang pintuang nagdurugtong mula sa kasalukuyang mundo at sa nakaraang mundo the past and the present world kapag hahayaan mo ko na maging kaibigan ka matutulungan kita sa problema mo mga magulang mo.”

Namilog mga mata ko sa narinig ko mula sa pintuang nagsasalita. We seryoso ba sya?
“W-we? T-totoo ba yan? Baka iniechos mo lang ako ah, pag ako niloloko mo tuluyan na kitang wawasakin!”inis ko ulit
“Totoo yung sinasabi ko sayo Aira kaya sana hahayaan mokong maging kaibigan ka, dahil kasama mo ko sa mga panahon na kailangan mo.”

Medyo napagaan nga yung nararamdaman ko. Medyo nawala narin yung takot ko sa pinto na ito. Bahala na pero sige susubukan ko itong kakaibiganin. If totoo ngang matutulungan nya ako sa problema ko sa super strict kong parents.

***

Pagsapit ng gabi ay uminom na kami sa bar ni Shakira.
Kinabukasan.
Final exam na namin for our second semester. Kasama ko ulit si Shakira, sabay na kaming pumasok sa loob ng classroom.
“How are you bes?”tanong nito
“I'm fine.”tipid kong sagot
“Nag review kaba ng maigi?”tanong nya ulit
“Of course I will.”confident kong sagot

Ilang saglit pa ay dumating si adviser at nagsimula na nga yung exams namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag eexam ng bigla na namang sumagi sa isip ko ng pintuang nagsasalita kaya naman ay agad akong mapahinto sa pag susulat.
”Seryoso ba sya?”tanong ko sa sarili ko bagay na Ikinalingon narin ni Shakira na nasa tabi ko.
“Psst! Uy, ayos ka lang?”tanong nito saakin, agad narin akong napabalik sa realidad.
“Ha? Ahm. . . Oo naman, medyo nawala lang ako sa concentration.”sambit ko nalng saka narin ako nagpatuloy sa exam ko. 

A few minutes later. . . .

Pagkatapos naming maipasa ky teacher yung answers sheet atsaka ng test papers namin bumalik narin kami sa upuan namin, waiting for the next subject namin. Kanina pa talaga ako balisa rito pagkatapos kong makausap yung pintuang nagsasalita, mag mula kasi nung nakausap ko yun ay halos araw-araw akong balisa. Hindi ko talaga maalis sa isip ko yung sinabi nya.
Agad akong ginulat ulit ni Shakira dahil muli na naman akong nakatulala.
“Hoy!”gulat nga nito saakin sabay kurap ko narin.
“Ha?”sambit ko saknya, napahampas noo nalang sya sa naging reaction ko.
“Hay naku Aira, alam mo kanina kapa talaga ah,  ano ba nangyayare sayo at parang nababalisa ka dyan?”taas kilay nitong tanong saakin
Hindi ko naman pwedeng sabihin saknya ang dahilan dahil sure naman akong hindi to maniniwala. Magtatalo lang kaming dalawa.
“A-ahm, w-wala w-wala to, wag mo nalang akong pansinin.”sagot ko nalang
“Hayst. . . Tara na nga, kumain muna tayo sa canteen dahil baka gutom lang yan.”sambit pa nito sabay hablot nga ng kamay ko at hila nalang papunta sa canteen.

Door From The Past & Present Where stories live. Discover now