chapter 09

0 0 0
                                    

So yun na nga nakaupo parin ako dito sa sala ng palasyo nila. Sobra akong naaaliw sa bawat nakikita ko. Ang gaganda ng mga suot ng mga warriors nila. Aside sa kalasag na lagi nilang hawak ay nakasuot din sila ng life jacket na matibay yung hindi matatamblan ng sandata kapag nasa labanan. Meron din silang matitibay na mga caps na lagi nilang suot. Kaya nga para nga akong nasa cost play diba.

Patuloy parin kaming nag uusap ng poging Principe ng palasyong ito. Si Prince Tan based on his story, he is a prince daw ng palasyo de amore. Palace De Amore? Taray din naman ng name ha. Sa lahat ng mga napanood kong movies n king and queens ngayon lang ako nakarinig na ganito ang name ng palace nila.

“Pasintabi po mahal na Principe ngunit paparating na po ang inyong inang reyna Elisa.” sambit nga agad ng kanilang alipin or maid. Agad din akong inilingon ng poging Principe na to.

“Ipapakilala kita sa aking ina Aira sana nga matuwa sya sayo.” sambit nito, ngumiti nalng ako sa sinaad niya.

Napalingon ako sa bandang likuran ko at nakita ko na nga ang isang babae. Nakasuot sya ng mahabang damit na kulor de gatas ang kulay ng damit nya na meron pa talagang palamuti sa buong damit at take note! Puro ito gold ganon narin ang knyang alahas. Meron din syang suot na korona and I think ito na nga ang Reyna nila. Ang ganda din naman talaga!

Napalingon narin si prince Tan sa babae agad din syang tumayo at sinalubong. Nag beso narin sya saknya.

“May bago ka raw panauhin aking anak at isa daw babae?” she asked, ngumiti narin si prince Tan sa kanyang ina. Inakbayan nya ito saka narin sila humakbang papunta nga sa kinaroroonan ko.

“Ina, gusto kong ipakilala saiyo ang aking bagong kaibigan. siya si Aira.” he said tumayo din ako saka narin sya binati.

“Magandang umaga po mahal na Reyna. Ako po si Aira. Ikinagagalak ko po kayong makilala.” sabay yuko ko saknya. Napalaki agad ang ngiti ng mahal na Reyna pagkatapos ko syang batiin. Ibinaling narin niya ang kanyang attention ky prince Tan

“Saan mo sya nakilala aking anak at bakit parang kakaiba yata ang knyang kasuotan sa ating kasuotan?” she asked

Medyo napakurap narin ako sa sinabi ni Queen Elisa agad ko naring napansin ang aking sarili lalo na sa damit ko at sa damit nila.

Oo nga no? Iba pala ang damit ko sa damit nila. Pantulog kasi tong suot ko. Napalingon si prince Tan saakin at alam ko na ang gusto nitong itanong.

Bigla akong naloading sa next kong sasabihin myghad! Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko or gagawin kong dahilan bakit ako nandito sa kanilang mundo. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nanggaling ako sa present time dahil panigurado akong hindi nila ako paniniwalaan. Aira, mag isip ka ng mabuti. Focused!

Naghihintay parin sila sa next kong sasabihin. “Aira, pwede mo bang sabihin saamin kung saan ka galing at kung paano ka nakarating rito.” tanong nga bigla ni queen Elisa.

Napakagat labi nalang ako saka yumuko. Bumuntong hininga ulit ako bago magsalita.

“Ano po kasi mahal na reyna. Ako po ay naliligaw sa mundo nyo. Sinasaktan kasi ako ng aking mga magulang kung kaya't ay tumakas ako at nakarating rito sa lugar nyo.” kwento ko nga sa kanila sabay silang napabuntong hininga nalang.

“Isa ka bang princesa? Saang palasyo ka ba nakatira?” tanong narin ni prince Tan.

Pasimple akong napahampas noo sa tanong ulit nitong poging lalaking ito. Jusmiyo naman paano ko ba sasagutin ang mga katanungan nila. Malala pa yata to sa hot seat eh.

Yumuko ulit ako. “Ipagpaumanhin po ninyo mahal na Principe ngunit hindi po ako princesa. Isa lang po akong simpleng babae na tahimik na namumuhay sa aming mundo.” I said

Door From The Past & Present Where stories live. Discover now