chapter 08

0 0 0
                                    

Aira POV

Umiyak nalang akong pumasok dito sa kwarto ko dahil muli na naman kaming nag talo ng parents ko.
“Nakakainis! Bwesit!” padabog akong napaupo sa kama. Naluha nalang ako dito sa sobrang inis. Pano naman kasi hindi pa tapos yung 2nd sem ko sa school ko pero nagmamadali silang  i-transfer nila ako sa another school, alam ko naman yun at kahit tatakas ako eh wala parin akong takas pero kasi nakakainis naman eh. Pinipilit talaga ni papa na magtransfer na daw ako kahit di p tapos ang 2nd sem ko. Aba hindi naman yata pwede yun, hindi ba sya nakakaintindi!

“Aaaar!” ginulo ko nalang yung buhok ko at padabog akong humiga sa kama ko. “Anong nangyare?” napalingon ako sa pintong nagsasalita then I sighed. “Nakakainis kasi yung parents ko mysterious door, hindi pa tapos yung semester ko sa school pero pinipilit talaga ni papa na agad-agad magtatransfer na daw ako ng school! Hayst. . . Ayoko na, pagod n akong manatili sa puder nila! Kung may isang lugar lang sana akong pwedeng puntahan eh, aalis talaga ako dito! I just want to escape for a while, malayo sa lahat at higit sa lahat malayo sa parents ko!” inis ko pa. “You know what Aira, matutulungan kita dyan.” napalingon ako sa sinabi nya saka ko siya tinaasan ng kilay. “Seriosly? Ikaw matutulungan mo ko? Sinu ba niloloko mo? Wala kang maitutulong dahil pintuan ka lang!” inis ko. “Aira, ako ang makakatulong sayo, maniwala ka sakin. Naghahanap ka ng escaper place diba? Aira, ako ang magiging sagot sa kahilingan mo.”
“What do you mean?” I asked , “Mamayang 12 midnight malalaman mo ang sagot. Wag kang matulog ngayong gabi at hintayin mo ang pag patak ng 12 MN.”

Nanindig na naman balahibo ko dahil sa sinabi niya.
“Are you serious?” I asked , “Oo Aira pero decision mo naman yan kung susunod ka oh hindi. It is your choice pero pwede bang hayaan mo munang kilalanin ako mamayang 12 MN kung sino ba talaga ako at kung ano ang purpose ko.” hindi nalang ako nag salita sa sinabi niya.

***

It's 12MN na nga at tulad nga ng sinabi ng mysteryosong pintuan na yun ay hindi ako matulog at ginawa ko nga pero parang wala naring nangyare. Kamot noo akong nagsalita. “Niloloko lang yata ako nun ah. Kainis. . . Matulog na nga ako, Wala namang silbe!”
Nang patulog na nga ako ay parang bigla kong napansin ang pintuan. Bigla syang umilaw at nagsalita ulit sya. “Lumapit ka rito Aira, panahon na para Ikaw ay lumakbay sa kabilang mundo.” namilog agad mga mata ako sa narinig ko, wait a minute ito ba yung sinabi sakin ni mang kardeng before? Dahan ko syang inilingon. “So, totoo pala yung sinabi sakin ni mang kardeng before?” gulat kong tanong. “Yes, totoo yun kaya kung gusto mong makahanap ng escaper place? Ito na yung sagot. Pwede kang mag stay dito sa loob hangga't gusto mo pero kung gusto mo naring bumalik sa present time it's 12 MN alone akong umiilaw at makakabalik ka sa totoo mong mundo. Kapag hindi ako umiilaw ay hndi mo mabubuksan ang door knob at mananatili ka sa nakaraang mundo. But it is your choice.” mahabang explinasyon nya bumuntong hininga ako. ”Kapag ba papasok ako dyan saang lugar ako makakapunta?” I asked
“Sa mundo ng mga hari at reyna. Nakaraang mundo ang panahon na mapupuntahan mo. it's your adventure story Aira. Pwede kang makapunta sa nakaraang mundo at pwede ka ring makabalik mula sa kasalukuyang mundo sa pamamagitan ko. Dahil ako ang pintuang nag uugnay mula sa nakaraan at sa kasalukuyang mundo at kung papayag ka sa adventure na alok ko eh pwede tayong maging partners.” dugtong pa nya , napangiti din ako sa sinabi nya. “Papayag ako, tatanggapin ko ang alok mo. I will travel the past world dahil gusto ko ring maexperience kung ano bang klaseng buhay noon.” I said
“Okay. . . Ano pang hinihintay mo? Pumasok kana and see you again Ms. Aira Joy Garcia.” then I smiled

Tumayo na ko at pumasok na nga ng tuluyan sa loob ng pintong umiilaw ~ ~ ~ ~

***

May mga batang umiiyak, mga taong nagtatrabaho. Yung mga damit nila na talaga namang masasabi kong daig pa nila ang mga taong grasa sa tabi ng quiapo maynila. May nakikita din akong mga taong nakasakay sa kanilang mga kabayo at meron din silang mga sandata and I think nandito na nga ako sa nakaraang mundo.
Naglalakad ako dito ngayon sa kanilang palengke may mga nagtitinda ng kung ano-anong mga paninda. Meron street foods then meron din akong nakikitang mga basahan. Wait, iniechos ata ako ng mysteryosong pintuan na yun eh. Eh parang mga tao lang to sa edsa. Aliw na aliw ako ditong lalakad-lakad ng mapansin ko yung mga tao na agad silang pumagitna at yumuko. Wait Anong nangyayare?
“Nandto ang mahal na Principe mag bigay pugay kayo!” instruction nga agad iilang mga kawal rito na yung mga suot eh puro naman bullet proofs. Feeling ko talaga ang bigat ng mga suot nila, Meron pa silang sumbrero na feeling ko talaga eh mabigat pa kesa sa sarili nilang ulo.

Napalingon ako at nakita ko nga ang isang gwapong lalake at matipuno. Nakasakay sya sa puting kabayo habang patuloy na nag lalakad ang kanyang kabayo at nadaanan nya ako sa mismong kinatatayuan ko. Huminto sya sa tindahan ng mga tela agad din syang binati ng may ari nito.
“Mahal na Principe Tan,” yumuko narin ang babaeng bumati saknya. “Kamusta po? Maayos ba yung pagtitinda ninyo rito? Wala bang nanggugulo sainyo?” he asked ang maaliwalas nitong mukha ay napalitan ng pagkadesmaya at lungkot bagay na ipinagtaka narin ng Principe. “Bakit po, may nangyare na naman ba rito?” he asked
”M-mahal na Principe, ano kasi - - - ”
“Pinapahintulutan kitang mag salita ginang, may nangyare ba dito nang hindi ko alam?”
“Mahal na Principe, y-yung kapatid nyo po sa ama si Principe Asher.” sambit naman ng isang lalake na nasa likuran nito agad din nyang inilingon ang lalaking nagsalita. ”Si Asher? Bakit ano na naman bang ginawa nya?”

***

Galit na bumalik ng palasyo si Principe Tan, “Mahal na Principe, huminahon po kayo.” sambit naman ng assistant nya. “Paano ako hihinahon kung merong masamang gagawin ang magaling kong kapatid at ang sarili kong ama laban sa mga taong tindera sa palengke ha!” napayuko nalang ang assistant nya pagkatapos nya itong masigawan. Padabog itong dumerecho sa silid mismo ng kanyang ama.

Galit na pumasok dito sa loob ang principe bagay na ikinagulat narin ng kanyang amang hari. “Tan,”
”Ama, Akala mo ba nagkaintindihan na tayo! Akala ko ba hindi mo na itutuloy ang balak mo! Hindi ka ba naaawa sa mga taong iyon? Ipadedemolish mo yung pwesto ng mabuhayan nila para lang sa gusto nyong bagong opisina ng mga gobernador?”
“At bakit naman kami maaawa sa mga tulad nilang walang pinag aralan at mga mangmang Tan! Deserve nila yun!”

Napalingon agad si Tan dahil bigla naring nagsalita si Asher mas lalo itong nagalit. “Bakit ba pabigla-bigla ka kung sumabat sa usapan ng may usapan?!” he exclaimed
“Tan!” sigaw agad ng tatay nya with a deep voice. Tumayo ito mula sa trono nya at nilapitan nya si Tan.
“Alam mo , masyado kang mabait sa mga taong yun?! Tan baka nakakalimutan mong Principe ka at totoo kitang anak kaya umayos ka at supportahan ang mga bagay na to!” his father's said , bahagya din namang natawa si Tan sa sinaad saknya ng daddy niya. “Supporthan? Siguro nga kung masama din akong tao gaya mo siguro magagawa ko.” matapang nitong sagot mas lalong nainis ang tatay niya kaya accidente nya itong nasapak sa mukha.
“Wala kang galang!” he shouted, lumapit narin kaagad si Asher ky Tan. “Tttt. . . Ikaw naman kasi aking kapatid. Ayokong pangunahan kung ano man ang magiging desisyon mo pero wag naman sanang about sa puntong pati ang sarili mong ama kakalabanin mo para lang dyan sa mga taong walang utak na ipinagtatanggol mo!” lumapit narin si Tan ky Asher. “Hindi ako masama tulad nyo!” he said then lumabas narin sya ng palasyo.

Paglabas niya ay napansin nya ako agad na nakatayo nga labas ng palasyo nila. Nagtaka sya kung sino ako. Lumapit din sya saakin. “Ngayon lang kita nakita dito binibini, maari ko bang malaman kung ano ang iyong ngalan?” he asked, napatulala nalang ako saknya habang sya ay nagsasalita. Ang gwapo talaga niya as in.
“Binibini?” napakurap ako bigla sa sinabi niya. “I’m sorry. Aira nga pala mahal na principe.” sabay yuko saknya bilang pag galang narin. Ngumiti din siya sa sinabi ko.
“Ikinagagalak kitang makilala Aira. Napakaganda ng iyong ngalan at talaga namang nababagay narin saiyo dahil Ikaw rin ay napakagandang dalaga.”

Hoy po! Grabe namang hirit yooown! Feeling ko tuloy nasa cost play ako. So yun na nga. Nakapasok na nga ako sa loob ng palasyo nila.

Door From The Past & Present Where stories live. Discover now