chapter 05

1 0 0
                                    

Aira's POV

Maaga nga akong nagising dahil papasok na akong school para tapusin na nga ang last 2nd semester ko sa course kong nursing. Pagkatapos kong magbihis ng school uniform ay lumabas na ko ng kwarto, lumingon muna ako sa pintuang may paking tape then agad din akong kumaripas ng takbo palabas.

*At the kitchen*

Nang mapansin ako ng parents ko na palapit na sa kitchen ay agad na nagsalita si papa,

“Aasikasohin mo na ba yung paglipat mo ng school?”tanong nga agad ni papa pero hindi ko sya sinagot.

“Aira!”mama exclaimed to me,

“Tinatanong ka ng papa mo, sumagot ka naman!”she continued then I sighed;

“Gaano ba kayo kaatat na makalipat ako ng school? Pwede bang matapusin nyo muna yung 2nd semester ko?”medyo inis ko, agad naring nainis si papa;

“Dahil nagmamadali na akong makalipat ka ng school!”he exclaimed

“Nagmamadali pala kayo eh edi sana kayo nalang yung nasa posisyon ko!”sagot ko nga saknya sabay labas nalang ng bahay,

“Aira, bumalik ka dito!”sigaw din ni mama pero hindi ko sya pinansin, agad narin akong sumakay sa sarili kong sasakyan atsaka narin humarorot paalis ng mysteryosong bahay na to.

*At the school*

Magkasama na kami ni Shakira at papunta na kami sa loob ng classroom namin ng makasalubong namin si Ezekiel my boyfriend.

“Hi babe pumunta ako dun sa bahay nyo pero sabi ng mga kapitbahay nyo, lumipat na daw kayo? Bakit wala akong alam dito? Di mo ko sinabihan?” he said tinaasan ko sya ng kilay,

“Bakit, required ba na bawat galaw ko eh dapat alam mo? Hindi pa kita asawa para maging updated ka!” inis ko saknya na kanya din namang ikinagulat;

“Whooh. . . Wait a minute gurl, bat ganito nalang ba yung mood mo sa boyfie mo?” Shakira asked but I ignore it nalang saka narin akong nauna sa kanila then they sighed together.

“Kiel, sorry ha, ako na naman ang humihingi ng despensa sa pagsusungit ng kaibigan ko/ ng girlfriend mo, baka nag away ulit sila ng parents nya kaya ikaw muna umintindi ha, pasensya na talaga.” Shakira said to Ezekiel then he smiled,

“It's okay Sha, heto na naman palagi yung role ko sa buhay nya, palagi nalang na iintindihin sya kahit masakit at nakakapagod na,” Ezekiel said, wew humugot na naman sya! Pwe. . .

*At the classroom*

Umupo na ko sa upuan ko nang mapansin ko syang nakatitig sakin tinaasan ko sha ng kilay,

“What?!”I said then she sighed; “Ano na namang nakain mo at ganon nalang yung naging asta mo sa boyfriend mo? Nag away na naman ba kayo?”she asked pero umiwas ako sa tanong;

“Magrereview na ako,”sambit ko sabay kuha nga ng notebook ko mula sa bag ko agad din nyang hinablot ang notebook ko  mula sa kamay ko 

“Heeey!”reaction ko

“Sagutin mo muna tanong ko, bakit ganon nalng yung naging asta mo ky Ezekiel?”she asked again

“Wala lang, trip ko lang,”sagot ko nakaramdam sya ng pagkastressed sa isinagot ko saknya,

“A-anak ng** Aira!”boses strict nitong saad

“Oh bakit? Parang di kana nasanay sakin,”sagot ko

“Hayst! Ewan ko sayo!”inis pa nya

Medyo tumawa nga ako dahil dun,

“ Mag review nalang tayo, ” tugon ko nalng.

***
Pumasok na nga ang teacher namin sa science, dere-derecho sya sa table nya saka nya kami iniangat ng tingin lahat.

“Good morning class, are you ready for your long quiz?”tanong nga agad saamin nito
“Yes ma'am!”pag sang ayon naming lahat, saka narin kami nag take nag take ng long quiz.

Door From The Past & Present Where stories live. Discover now