chapter 03

0 0 0
                                    

Tan's POV

Ako si  Tan , panganay na anak ni Haring Alphonso at Reyna Elisa isa akong principe ng aming palasyo ang Palasyo De Amore. Isa akong mabait na principe palaging inaalala ang aming mga alipin at mga kawal at merong paki alam sa mga hina-ing at problema nila.
Ako narin ang susunod na uupo bilang isang hari sa pwesto ni ama dahil masyado na syang matanda , since ako lang yung nag iisang tunay nyang anak eh ako naman talaga ang karapat-dapat sa trono ng aking ama.

Dalawang  palasyo ang narito , Palasyo De Amore ang aming palasyo at Palace Of Hearts naman ang sa kabila palasyo ito ni Princesa Diane dahil magkaibigan ang aking ama at ang knyang ama na si haring Arthur.

Nandito kami ngayon sa hapag dahil meron kaming ginaganap na pagtitipon. Kompleto ang dalawang royal bloods sina King Arthur at Princess Diane , nagtitipon kami ngayon dahil kaming dalawa ni Princess Diane eh napagkasunduang magpakasal dahil ang mga magulang namin ang nagdedecision para saamin at kung sino ang mamahalin namin oh magiging asawa namin. Sakto din at magkaibigan narin kami ni Princesa Diane mula pagkabata.

Nagtatawanan, nagkukwentohan at nagkakainan nga kami ngayon dito ng biglang dumating si Asher at Samantha ,

Si Asher ay ang aking kapatid sa ama  at si Samantha ang knyang ina , si Samantha ay ang dating alipin na nabuntis ni ama.

“ Binabati kita aking kapatid ” sambit nito  sabay akap narin saakin , agad naring nagalit si ina pagkatapos nyang makita ang dalawa.

“ Anong ginagawa nyo dito?! Mag silayas kayo rito sa aking palasyo!! ” ngit-ngit ni ina na ikinasuway narin agad ni ama.

“ Husto na Elisa! Inimbinta ko narin naman sila na pumunta rito saating pag titipon. Maligayang pagdating aking anak. ” sambit nga agad ni ama ky Asher.

“ Marami pong salamat ama. ” he said

***

“Kamusta Mahal na reyna? ” tanong nga ni Samantha ky Ina

“ Mabuti pa kanina pero nung dumating kayo eh hindi na?! ” Galit nga ni ina

“ Ow.... Ganon ba? ” she said

Nasa kalagitnaan na nga kami ngayon ng pagtitipon

“ Cheers para saaking anak na malapit nang ikasal sa mahal na princesa! ” tuwang sambit ni ama , agad narin kaming nag cheers ng alak na iniinum namin.

An hours later.....

Nandito ako ngayon sa teres ng palasyo nang biglang dumating si Diane , tumabi siya sa akin at naramdaman ko narin naman ang presensya nya.

“Bakit ka mag isa dito mahal na principe?”tanong nito na aki'y naman syang inilingon saka narin ako ngumiti.

“Masyado na kasing mainit sa loob kaya pumunta muna ako dito para mag pahangin”tugon ko narin naman saknya , agad narin naman syang tumango.

“ Ahm.... Nga pala Tan , ano nga pala yung balak mo after ng kasal? May plano kana?”tanong nya

“ Ahm.... Wala pa sa isip ko yan...”sagot ko

“ Ah... Ilan ang gusto mong maging anak? ”

nagulat ako sa biglang tanong nya

“ D-diane , a-ano bang klaseng tanong yan?!”I exclaimed

“ Ay pasensya na... Wag mo nalang sagutin, kalimutan mo nalang ang tanong ko. ”she said

“ (sighed) Kung hanggang saan lang yung kaya natin , ”sagot ko nalang

Habang nag uusap pa kami dito ni Diane biglang sumulpot si Asher

“ Hi , mukang ang saya ng pinag uusapan natin ha... Diba aking kapatid?”sabay akbay saakin

“ --- ”
Tan, pumasok muna kayo sa loob ng palasyo ng mahal na princesa” sambit ni ina mula sa likod namin

“ Bakit po?” tanong ko

“ May pag uusapan lang kami ng kapatid mo sa ama! ” habang malagkit narin ang tingin nito ky Asher

“ Okay... Tara na , kumain nalang tayo sa loob Diane. ”I said

“ Mabuti pa nga , gutom na ko ei hahaha!”tawa pa nga ni Diane then pumasok narin kami sa loob ng palasyo at naiwan na nga si Ina at Asher dito sa teres.

Lumapit si ina ky Asher

“ Bakit ka ba kasi dikit ng dikit sa anak ko? Hindi kaba nakakaintindi? Hindi ka parin welcome sa pamilya namin dahil isa kang --”

“ Bastardong anak? Alam ko yun mahal na reyna pero kapatid ko parin si Tan at iisa lang ang aming ama. Sige po , ” he said sabay yuko ky ina saka narin sya pumasok dito sa loob.

Elisa POV

Pagpasok ko nga dito sa aming silid ng asawa ko ay nadatnan ko nga sina Samantha at Alphonso na naghahalikan nga dito, nakaupo pa nga si Sam sa lamesa habang ang asawa ko naman ay nasa harap nya; naglalampungan nga sila rito na may pahipo-hipo pa nga sa binti ng babaeng ito; agad naring tumaas ang presyon ko ng makita ko silang ginagawa ito. “Mga walang hiyaaaaaaa!”sigaw ko nga sa dalawang to, dahilan ng paghinto at paglingon nila saakin na namumula narin ako sa galit at nanginginig narin. Agad kong hinugot ang espada, sabay takbo papunta ky Samantha, “Papatayin talaga kitaaa!”sigaw ko parin, pinigilan ako ni Alphonso, “Elisa tama na!”he shouted to me; pwersa nyang kinuha sa kamay ko ang espada sabay sampal ko nga saknya, “ Ano Alphonso, nabitin ba kayo nung binuo si Asher! Gusto nyo pang sundaaaan!” I shouted parin saknya na makapal parin ang luhang pumapatak saakin. Nainis narin si Alphonso kaya sinampal nya ko ulit sabay hila nga sa buhok ko at sinampal ulit natumba ako at sumentro nga ako sa kama dahil sa pwersa nitong pag sampal saakin... Nahuli at nakita iyon ng anak kong si Tan, “Ama!”he exclaimed, then nilapitan din nya ako at tinulungang tumayo. “Sinasaktan mo na naman si Ina? Akala ko ba hindi mo na ginagawa to!”he shouted sa ama nya, mas lalong nagalit si Alphonso ky Tan, “Hoy!”sabay turo nito sa anak ko, “Wag na wag mo kong masigaw-sigawan dito Tan ha! Dahil baka nakakalimutan mo?! Ako parin ang hari ng palasyong to! Amang Hari mo parin ako Tan! At Principe ka lang!”sigaw din nito
“Principe nga ako, pero hindi naman siguro excuse na kapag hari ka sa palasyong to eh may karapatan ka nang saktan si Ina!”sigaw ulit ni Tan, mas lalo naring nagalit si Alphonso at tinutukan nya ito ng sandata nyang espanda kasabay ng pag tutuk din ni Tan ng espanda nya sa ama nya, edi nag tutukan na sila rito.
“Anak, tama na, ihinto nyo na to pwede ba! Nakatingin na saatin ang ating mga panauhin! Husto na! Inuutusan ko kayo bilang inyong Reyna!”sigaw ko rin sa dalawa, agad narin silang huminto sa tutuktan ng kanilang mga espada. “Hindi pa tayo tapos Tan, tandaan mo yan!”ngit-ngit parin ni Alphonso then hinila nya si Samantha palabas ng silid, nag sialisan narin naman ang mga taong nakasakhi ng gulo sa pagitan nila Tan at Alphonso.
Nakakahiya ang nangyare saamin at nasaksihan talaga nila ang ugaling tinatago ng taksil kong asawa!
“Ayos ka lang po Ina?”tanong nito saakin
“Shh... Wag mo akong alalahin anak, ayos lang ako.”sagot ko naman, at nagpapatuloy parin ang piging sa kabila ng gulong nangyare  sa pagitan ng mag ama ko, kung hindi lang sana makate ang babaeng yun edi sana walang gulong nangyare, kasalanan talaga to ni Samantha!

Door From The Past & Present Where stories live. Discover now