CHAPTER 1: Kung Hiyain mo 'ko talagang Nakaka-Shrink

109 11 8
                                    

Napahinto si Angel kakatawa sa mga banat ni Ran  saka kinalabit ang katabing si Ryan. Sabay-sabay silang tatlong dumungaw sa bintana.

Nasa kabila ng wired fence ng paaralan ang damulag na si Ferds. May kasama itong dalawang uhuging rugby boy. Dalawang dipa lang ang layo ng mga ito mula sa bintana ng kanilang classroom na nasa ground floor ng 3-storey building.

Kinutuban ng masama si Angel ng bulungan ni Ferds ang mas maliit at mas payat sa dalawang bata na kulay kalawang ang highlights sa buhok.

Tinanaw ng damulag sila Angel na animo'y may mga matang mababanaagan ng masamang tangka, matapos ay mabilis na nagsilakad papalayo. Naiwan ang tila dies anyos pa lang na batang biglang may dinukot sa kanyang salawal.

"ILAG!"

"BRAKASHING! SHING! KASHING!"

Nakakatulilig na ingay ang umalingawngaw sa silid ng 3-6 na sinabayan pa ng tilian ng natarantang mga babae. Napatakbo palabas ang lahat ng estudyante maliban sa apat na magkakaibigang nakayuko at nagtatago pa rin.

May kung anong bagay ang bumasag sa picture frame ng mga bayani. Napatuon ang mata ng lahat sa likurang banda ng silid. Nagkalat ang mga piraso ng salamin sa sahig. Nakatarak ang isang improvised na pana sa noo ni Antonio Luna.

Nanginginig pa ang mga palad at nanlalambot ang tuhod ni Angel ngunit pinilit nyang tumayo para bunutin ang pana. Mabilis nya itong isinuksok sa bulsa saka marahang iminasid ang mga mata sa paligid.

"Mga t@rant@dong 'yon!" "Sobra na 'to! Hindi talaga tayo titigilan ng mga 'yon hangga't 'di tayo lumalaban!" napasipa pa sa katabing upuan ang galit na si Ryan, 15 years old, pinakamaliit pero pinakamatapang sa apat na siga. Wet-look palagi ang style ng kanyang buhok kakalagay ng Suave hair cream. Madalas salubong ang mga kilay at may malaki sanang ngiti kung hindi lang palaging nakabusangot na tila hindi nauubusan ng reklamo sa mga bagay-bagay sa buhay ang binatilyo. 

"Mismo!" pasegundang sagot ng tila di mapakaling si Ran sabay turo sa kaliwang mata nya. "Kita ko kaagad e... Buti na lang talaga ambilis kong umilag! Kundi yari na!"

Pinakamatangkad sa apat si Ran, 17 years old, may pagkaputla ang kaputian nito na parang palaging kulang sa dugo. Kapansin-pansin ang mapapayat pero mahahabang biyas ng binatilyo. Nakasanayan nya na'ng ipagmayabang kung gaano katalas ang paningin ng medyo bilugan niyang mga mata.

"Patawa ka din 'no? E halos sumubsob ka kay Michelle, makailag lang kanina!" kontra ng iritableng si Ryan.

"Hindi huh!" pabirong tugon ng humahagikgik na si Ran. "Ano? Kailan natin reresbakan yung mga kumag? Resbak na resbak na ko o! Sabihin nyo lang." agresibong sagot nyang akala mo'y boksingerong pasuntok-suntok pa sa hangin.

"Anong gagawin natin Angel?" tanong ni Ryan sa noo'y tila lutang pa na lider-lideran.

"Ha?... Ba't ako?" balisang tugon ni Angel.

Si Angel ang leader ng grupo, 15 years old. Di pangkaraniwan ang bahagyang pagkakulot ng pilik-matang namana nya pa sa ina. May kaputian ang balat ng binatang may maikli pero wavyng buhok na bumagay sa mata niyang may pagka-arabo ang dating.

"Ikaw ba? Ano sa tingin mo?" binalik niya ang bola kay Ryan habang dahan-dahang bumubuga ng hangin na nakalobo ang pisngi gaya ng nakasanayan nyang gawin sa tuwing nakakaramdam ng pressure.

"Ako ba lider dito?" naiinis na sagot ni Ryan. "Tatay mo founder ng DIABLO ARMADO diba? Tapos ako tatanungin--"

"O tapos? Anong kinalaman non?" putol ni Angel na may namumuong galit sa mga mata.

Napahinto bigla sa reklamo si Ryan. Madalas mapaaway ang pangkat nila pero hindi pa sila nalalagay sa ganito kapeligrong sitwasyon. Malaki sana ang matutulong ng ama ni Angel. Kaya nga lang, matagal na silang matalik na magkaibigan. Alam ni Ryan ang matinding pagkamuhi ni Angel sa kanyang ama. Hinding-hindi ito tatanggap ng anumang tulong mula rito.

Gangster Anomaly : Trono sa HanginWhere stories live. Discover now