CHAPTER 2: Naging Sunod-sunuran Ako na Parang Aso

70 9 3
                                    


"Hoy GAGO!" dagundong ng isang boses ang pumutol sa tensyong nararamdaman ng mga estudyante sa pagsagot ng hindi pinag-isipang surprise quiz sa Geometry.

Nagmamadaling pumasok si Sir Jups sa silid "Ano pang hinihintay mo, Pasko?! Tara na!" paanyaya nito habang kurot sa parteng dibdib ang suot na polong teacher's uniform para makalabas-masok ang hangin sa loob.

"TARANTADO KA! Ano na namang trip mo sa buhay?"pasigaw na tanong ni Sir Benj. "Di mo ba nakikita nagkaklase ako? Bumalik ka sa klase mo, magtrabaho ka do'n GAGO!"

Akala mo'y nag-aaway pero inunat ng nakaupong si Sir Benj ang kaliwang braso para makipagkamay sa palapit na kapwa guro. Nakipagkamay din naman ang pawisang gurong hindi magpapaawat sabihin ang tila napakahalagang sadya nito.

Nagkatinginan ang apat na magbabarkada bukod kay Angel na kanina pa walang kibo at may malalim na iniisip. Kilabot ang nararamdaman nila sa tuwing gagawin ng dalawang guro ang kakaibang pakikipagkamayang iyon.

"SIRAULO! MAY SLASHER'S CUP NGAYON!" matalsik-talsik pa ang laway sa lakas ng boses ni Sir Jups.

Namilog ang mata at napa-'HA!' pa ng malakas si Sir Benj. "GAGO mo talaga! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"Engot mo! Nagtext ako sa'yo kahapon diba?!"

"Di ko nabasa. Wala akong load!" sagot ni Sir Benj at akmang magtitikatik sana ng Nokia 3310 nyang cellphone.

"Bobo mo talaga 'no! Di mo kailangan ng load para mabasa text ko. 'Baho ng palusot mo hoy!" pambabara ni S' Jups saka hinablot ang makapal na lesson plan at hawk bag ni S' Benj at dali-daling lumabas ng silid. "Do'n ko pi-nark sa tapat ng 7-eleven yung oner... kapag di ka pa sumunod, magpakahirap kang magcommute pa-Cubao mag-isa mo. ADIOS!"

Nagmamadaling sinuot ni S' Benj ang itim na Jacket sabay hawi sa keempeeng buhok. Balak nya ring sumunod agad sa kausap nang matigilan sandali. Kinapa-kapa niya ang lahat nyang bulsa habang umiikot-ikot sa pwesto. May hinahanap siyang kung anong tila napakahalagang bagay kaya yumuko siya para tignan ang ilalim ng lamesa.

"Uncle Benj..." kalabit ni Jake habang inaabot ang bagay na napulot nya daw kanina, isang puting sobreng di mapagkakailang pera ang laman.

Napabuntong-hininga sa ginhawa ang guro sabay kuha at silid ng sobre sa loobang bulsa ng jacket.

"O Class! Kayo na bahala dito ha. Aalis muna ako. Ipasa nyo na lang kay Paula Bianca 'yang mga papel nyo. Wag kayong masyadong magugulo dito ha! Pag balik ko bukas, dating gawi ulit!" pamamaalam niya sabay karipas ng takbo papalayo.

-------

"Anong gusto n'yong gawin dito kay kumag?" maangas na tanong ni Ran habang mahigpit na nakaakbay kay Tapiang pakaladkad nyang dinala sa harap ng tatlong kagrupo.

"Bitawan 'nyo 'ko! H-hindi ko kayo inaano dyan!" nanginginig at tuloy pa din sa pagpiglas si Tapia kahit hindi naman lumuluwag ang kapit ng tagabihag. "S-sinunod ko yung utos 'nyo kanina. Ako n-nagpakahirap maglinis ng mga bubog. Ano pa kailangan nyo--"

Isang malakas na kaltok ang nagpatigil kay Tapia na nagpatulo ng luha sa kanang mata malapit sa sintidong tinamaan.

"GAGO ka din 'no? Tatanong-tanong ka pa kung bakit?! Kundi dahil sa kapalpakan mo hindi sana kami pinagdiskitahan ni Sir Kupal! Kikilos ka lang di mo pa ayus-ayusin!" may panggagalaiti sa tugon ni Ryan habang pinanduduro kay Tapia ang pinangkotong na kamay.

"H-hindi ko sadya 'yon... Biglang dumating si Sir... Masyadong mat-talas yung salamin... kahit kayo d-di nyo matatanggal 'yon ng h-hindi kayo mahihiwa..."

"Isa pang salita pasasabugin ko nguso mo!" banta ng iritableng si Ryan na lalong nagpasindak kay Tapiang inunahan ng pahiran ang tutulo pang luha. "Angel, ikaw pinakanapuruhan kanina kaya ikaw na magsabi kung pa'no gagawin dito."

Gangster Anomaly : Trono sa HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon