CHAPTER 3: STUPID LOVE, Love that is Shared by Two

68 9 5
                                    

'I saw the light on the night that I passed by her window...'

Birada ng isa sa mga manginginom na napatayo pa at halos lamunin ang ulo ng microphone sa pagkanta.

'I saw the flickering shadow of love on her blind...'

Ipinatong pa ang isang paa sa puting monobloc para makabwelo ng hangin sa susunod na linya. Napatigil sa pagtagay ang apat na kainuman para makisabay na din sa panlalakeng birit.

'SHEEEEEEEEEEEE WAAAAAS MY.......... WOMAN!'

Bahagyang iniba ng mang-aawit ang tono para lagyan ng sarili nyang flavor ang kanta kaya naiwan sa ere ang mga nakikiawit. Halatang-halata ang biglang pagkakalabu-labo ng mga boses sa bandang 'MY' na lyric.

'As she deceived me I watched and went out of my ma-haaaynd...'

napa'YIHIIIIIY' ng malakas ang isa sa mga manginginom habang paulit-ulit na tinatambol ang sariling mga hita. Sinasabay nya ang palo sa mala-orchestrang build up ng background music sa videoke.

'My, my, my ASAWA!'

Nagkasundong magsabay-sabay ang limang magkakainuman para isigaw sa katabing sangkabahayan ang pinalitang lyrics sa chorus ng Delilah.

'Why, why, why KABET NA?!'

Nabawasan ang pwersa ng mga lasing na tinig nang matawa ang dalawang kainuman sa isang pilyong version ng kantang nagpasalinlahi na sa henerasyon ng mga manginginom. Kapag nasa impluwensya ka na ng alak, wala ka ng sinasantong corny jokes, sa sarili mo, obligado ka ng tumawa.

'I could see, that girl was no good for me-hih,
But I was lost like a slave that no man could free-hiiih.'

Dalang-dala ang mga kainuman sa husay ng pagkanta ng susuray-suray na manong. Dumadagundong ang boses nilang dinaig pa ang malakas na kalabog galing sa component. Saka na lang ulit umikot ang tagay ng matapos ang awitin.

"Anghusay mo talaga Tom Jones!" puri ng tanggero sabay kuha sa baso, kinamay ang durog na yelong ipinukpok sa semento kanina, nilagay sa baso, saka binuhusan ng Gin. "O tagay muna! Pampaganda lalo ng boses."

"Aba'y simpre! Piyesa ko ya-an ay! Akin pa din ya-ang susunod ha!" turo sa screen ng bisakol na mang-aawit sabay dakma ng baso't tungga ng mabilis. Napa'Aaah' sa hagod si manong. "'MAY WIY' na agad ng magkaalaman na talaga ay." pagmamalaki nito habang nakasandal na lang sa pader at tila wala pang balak umupo hanggang di natatapos ang pagpapamalas niya ng galing sa pag-awit.

"Taragis ka! Wala na talagang susunod na kakanta sa'yo. Puro laway mo na yang mic e. YAK!" kantyaw ni Mang Bogart aka 'Bogs' sa gilid, ang pinakamahiyaing humawak ng mic pero walastik naman kung mang-alaska ng mga kumakanta.

"HA!" pinanghawi lang ng de-bilbil na mang-aawit ang kamay nya sa hangin para ipakitang wala siyang pakealam sa sinasabi ng kainuman. "Basta ako. Dedekeyt ko 'to sa Boss at kumpare nating si Paring Desto ay." ibinaling nito ang naniningkit na mga tingin sa kainumang nakaupo malapit sa daanan papuntang kusina "HAPI BERTDEY Paring DESTO!"

"O sige sige pare!" pasasalamat ni Desto saka nagpasak ng sigarilyo sa bibig at sinindihan ng lighter. Isang hithit pa lang halos mangalahati na agad ang marlboro, sabay buga ng usok na halos tumakip na ng mukha niya. "Tama na yang satsat. Ituloy mo na yang kanta mo."

Katabi lang ng kwarto ni Angel ang sala kung saan nag-iinuman ang tatay nya at mga kabarkada nitong myembro ng Diablo Armado, lahat kundi pamilyado ay hiwalay sa asawa. Tumatagos sa lawanet na dingding ang pinagsama-samang ingay ng videoke, garapal na pagkilos, at mga walang saysay na usapang lasing.

Gangster Anomaly : Trono sa HanginWhere stories live. Discover now