CHAPTER 5: Mahilig Kang Mangolection/Binalewala Aking Attention

8 1 0
                                    


"Changgalang Sir Kupal na 'yon! Bihira na lang sumulpot sa klase, gagawin pa tayong basurero!" reklamo ni Ryan habang hinihilot ang ngalay n'yang likod. "Tapos tayo pa pagbibintangan kaya nahuhuli na tayo sa lessons. Siraulo din e. Kung magturo ba naman kase, 10 minutes na lesson, tapos magkukwento na ng mga experience sa sabong hanggang maubos yung oras nya... akala nya naman may pakealam tayo. Tapos biglang totopakin, magpapa-surprise quiz. E kahit nga yung ibang kaklase natin, hindi din makakasagot kung hindi magse-self study e."

"Pinagtripan na naman tayo ng kupal na 'yon. Dito pa talaga tayo sa tapat ng canteen pinagpulot. Kukulangin isang buong araw para malinis to e." dugtong ni Angel.

"Hayaan nyo na. Isipin nyo na lang, para na din tayong nagcutting class nito. Hindi natin sila makikita ng isang buong oras, diba, di na masama 'yon." masyadong abala sa pagpupulot si Jerby para harapin ang dalawa.

"Payag akong magpulot ng basura. pero kung sasabihan nyang punuin natin 'tong plastic? Ulul sya! Di nag abroad ang nanay ko para gawing basurero lang ng kung sinu-sino ang anak nya!"

"Ang arte mo!" hindi maitago ni Jerby ang pagkadismaya sa inaasal ni Ryan. "Para namang may magagawa 'yang pagrereklamo mo. Magpulot ka na lang dyan ng makapuno tayo agad."

"Anong maarte do'n?! Wala ka kasing kapride-pride sa sarili mo. Nagpapaalila ka kung kani-kanino. Pati mga taga Row 1 pinagsisilbihan mo. Sayo ok lang 'to. Sa gan'tong buhay ka kasi nasanay diba, sa pagpupulot ng tinapon ng iba?"

"Changgala ka Ryan! Pasabugin ko nguso mo! Tumahimik ka na nga?" banta ni Angel sa narinig na insensitibong banat.

"Oo na sige na. Basurera na nanay ko. Skwater lang kami. 'Yon naman gusto mo sabihin diba? Kung 'yan ang ikakatahimik mo, alangan namang pigilan pa kita? Ngayon, magpulot na tayo pwede ba?" kalmado lang ang sagot ni Jerby, isa sa katangian nyang kinabibiliban minsan ni Angel.

"Hindi nyo kasi magets e. Tayo lang apat kaya nyang pagtripan ng ganito. Dyan pa naman ako banas na banas, kapag inuutusan lang ako basta-basta. Sa bahay nga hindi ako humahawak ng walis e."

"'Yan ba dahilan mo bakit ka galit? Kasi nasaktan yang baluktot mong katwiran?" may talim ang tanong ni Jerby "Kung ayaw mo magpulot kasi senyorito ka, edi wag... Ang gawin mo, bumalik ka doon, bumili ka na lang ng binebenta nyang pampatalinong handouts. Tutal may pambayad ka naman, lumipat ka na din sa Row 1 para surebol na pasado ka sa Math buong taon."

"Ulul mo! Kahit may pera ako, hindi ako magbibigay kahit singkong kusing sa kupal na yon!" ubos enerhiya sa pagtanggi si Ryan.

"Kurakot nga 'yong baboy na 'yon! Dalawa-tatlong page lang na handouts, trenta pesos agad? Pangka- counter strike ko na lang 'yon, nakadalawang oras pa 'ko." hindi napigilan ni Angel makisali sa hinaing ng kaibigan.

"Buti sana kamo kung once a month lang, kaso minsan dalawang beses sa isang linggo pa kung magbenta. Kapal din ng mukhang mangolekta e!" dugtong pa ni Ryan.

"Malamang doon nya din kinukuha 'yong pangsabong nya. Kaya tawang-tawa ako kela Paula Bianca pag nagyayabang pa na nilibre daw sila ni Sir Kupal. Galante daw pag magpakain. Di alam ng mga tanga, sa kanila din kinurakot yung pinanlibre sa kanila." nangingising paliwanag ni Angel.

"Ano kaya laman ng handouts na 'yon bakit pagkamahal-mahal? Mukhang xinerox lang naman. Sabi kasi parang reviewer na din." pagtataka ni Ryan.

"Kung hindi kayo bibili, wag nyo ng tangkaing alamin. Baka matulad lang tayo kay Ran." may halong pagpapaala ang boses ni Jerby.

"Sa'n na nga pala yung buang na 'yon? Takas na naman sa gawain e." napatingin sa malayo si Ryan para tanawin ang mga dumadaan.

"Iihi lang daw. Antagal na ngang wala. Binalisawsaw na yata." sagot ni Angel.

Gangster Anomaly : Trono sa HanginWhere stories live. Discover now