CHAPTER 4: Mas Gugustuhin ko pa na Magpa-Crucify

31 3 1
                                    

"Ito ang beat sabay sabay ito ang beat bawal sablay, pabilis ng pabilis wag magmimiss wag magmimix... gets mo na? gets ko na ang ahhhh! Coca Cola-"

"Angkocorny nyo! Itigil nyo nga yan! Nakakarindi na masyado!" napasipa pa sa katabing silya si Ran sa pagkairita nang muli nyang makita ang mga kaklaseng ginagaya ang laro sa commercial ng softdrinks na tila epidemyang mabilis na kumalat sa buong bansa sa sobrang kasikatan.

"Wala kang pake! Wag kang papampam!" gumanti ng irap si Michelle saka senenyasan ang mga kalarong sila Karen at Jelyn na 'wag na lang pansinin ang siga.

"Pauso kayo masyado, ampapangit naman ng boses nyo!" balik na kutya ni Ran.

"Kami? Panget boses? Kaming tatlo talaga... pati si Karen sinasabihan mong panget boses? Bingi ka ba o ignorante lang talaga?" hindi maatim ni Michelle na pati si Karen ay masabihan ng ganoon. Kilala kasi siyang kontesera sa mga barangay singing contests at minsan na ding napanood sa TV sa Search for a Star ni Regine Velasquez.

"Pakialam ko kung sino kayo!? Basta tumigil kayo sa kalokohan nyo, o lumayas kayo sa harapan ko! Dun kayo sa stage maggaganyan para talagang mapapansin kayo!" mataas na ang boses ni Ran na nagpapakita na ng otoridad sa tono nya.

"Bakit kami lalayas? Classroom mo ba 'to? Kayo ang lumayas! Sinusuka na nga namin kayo dito sa sama ng ugali nyo, di nyo ba alam?!" bwelta ni Michelle na napatayo pa at gustong lapitan ang kasagutan. Pinigilan naman siya ni Jelyn na tila maiiyak na din sa tensyon.

"Paalisin nyo kami kung kaya nyo! Kahit magtulong-tulong pa kayong lahat. pagbuhul-buhulin ko lang mga leeg nyo!" pagmamatapang ni Ran. "Ikaw naman, umayos-ayos ka ng ugali mo. 'Gets mo na, gets ko na...' Mga Ulul! High School na kayo nanay-tatay pa nilalaro nyo. Nahiya pa kayo, magchinese garter na din kaya kayo dun sa freedom square. Hahaha!"

"Wala kang pake kung anong gusto naming laruin! Tsaka wag mo 'kong utusang magtino! Ikaw nga gurang ka na, nakikipaglaro ka pa ng sipa. Dito pa kayo sa loob ng school nagkakalat. Mahiya-hiya ka naman sa balat mong makunat!"

"Repeater ka din buang! Pareho lang tayong matanda dito."

"Ikaw ang buang! At least ako nagstop kase lumipat kami ng bahay. Di gaya mo, hirap na hirap na ngang makagraduate sa elementary, nahuli pang sumisinghot ng rugby!"

"ULUL! Mamatay na Rugby Boy dito!"

"Talaga ba? Kaya mamatay ka na!"

"Andami mong dakdak! Bungangera ka talaga kahit kailan. Pasalamat ka babae ka, kung hindi, kanina pa kita kinutusan!"

"Edi gawin mo! Kutusan mo 'ko! Hindi ako natatakot sa'yo! Pananakot lang naman kaya nyong gawin 'pag sinasampal na kayo ng katotohanan."

"Tumahimik ka na at baka ikaw ang sampalin ko sa bunganga pag narindi ako lalo! Kaya siguro ganyan kalobo ang dede mo kasi dyan nakastock yang mga sinasabi mo." ngumingisi pang napatingin si Ran sa mga kaibigang hindi rin napigilang matawa.

"Bastos ka! Manyakis!" nanggagalaiti sa galit si Michelle habang inaawat ng dalawang kaibigan. "Adik ka! Binulok na ng Rugby utak mong siraulo ka, kaya ka kilos epileptic!"

"Ikaw naman lawlaw dede!" maging ang ibang mga kaklase nila'y hindi mapigilang mapangisi sa bansag ni Ran, kaya lalong namula sa galit si Michelle.

"Epileptic ka! Manyakis! Walang modo! Salot sa lipunan!..." tuloy tuloy lang sa pag iisip ng masasamang bansag si Michelle sa kalabang tawa lang ng tawa habang inuulit lang ang nag-iisang pang asar na sobrang nakaapekto sa dalaga. Tila naman sinasakyan ito ng mga kaibigan at ilang mga kaklase na lalong nagpaapoy sa galit ni Michelle.

"Lawlaw Dede! Lawlaw Dede! Lawlaw De--!

Nagdilim ang paningin sa isang mata ni Ran ng masapul ng lumipad na hair brush ang kanang kilay nya. Napayuko sya at sunubukang kapain pero imbis na bukol, may naramdaman syang basa. Nakikita nya sa gilid si Ryang gulat habang hawak ang itim na brush. Himalang di nabasag ang salamin sa likod nito. Nagtatanong ang kaibigan kung ayos lang ba sya habang pinapatakpan ang napinsalang kilay.

Gangster Anomaly : Trono sa HanginWhere stories live. Discover now