Kabanata 12: Saan Napunta ang mga Katawi?

87 13 5
                                    

Kabanata 12: Saan Napunta ang mga Katawi?

NALILIGO na sa pawis ang mga Katawi ngunit sige pa rin sila sa trabaho. Walang puwedeng magpahinga. Sinuman ang mahinto kahit saglit ay makakatanggap ng latigo sa likod.

Kahit gusto nang humagulgol ng iba sa kanila dahil sa labis na poot at pagod, pilit na lang nilang nilulunok ang kanilang mga luha dahil wala na rin namang magagawa ito para mabago pa ang sitwasyon nila.

Dito sila dinala ng grupo sa malaking factory na pag-aari ni Agustus Valentino. Ito ang pagawaan nila ng iba't ibang mga produkto na ibinebenta sa merkado.

Halu-halo ang mga produkto roon. May mga gamit, pagkain, damit, industrial goods, welding supplies at iba pa. Bawat lamesa at bawat palapag ay magkakaibang grupo at may kanya-kanya ring trabaho.

Hindi na kinaya ni Ampa Khandifa ang pagod. Bumulagta ito sa sahig matapos mahilo at sumikip ang dibdib.

Agad naman itong tinulungan ni Luntian. Lumapit din dito ang iba pa nilang kagrupo na sina Bagwis, Adan at Diego. Pinagtulungan nilang itayo ang matanda at ipinuwesto sa isang upuan. Pagkatapos ay kumuha si Diego ng isang baso ng tubig para dito.

Bigla naman silang sinita ng naglilibot na manager. "Hoy! Bakit huminto kayo! I-e-export na ang mga 'yan mamaya! Bilisan n'yong magbalot! Putang ina, ang babagal n'yo! Ni wala pa pala sa kalahati itong nagagawa n'yo, oh!"

Mangiyak-ngiyak na yumuko si Luntian dito bilang pagbibigay-galang. "Paumahin po, Ginoo. Nahilo lang po kasi ang Ampa ko at kailangan namin siyang ipahinga muna."

"Anong pahinga? Walang magpapahinga hangga't hindi ko sinasabi! 'Pag natapos na kayo d'yan, may ipapagawa pa ako sa inyo sa taas! Painumin n'yo na lang ng tubig 'yan tapos pabalikin n'yo agad sa trabaho! Walang magsasakit-sakitan dito! Sayang ang oras!"

Maawa naman po akyo sa kalagayan niya. Matanda na itong kasama namin! Hindi na dapat siya nagtatrabaho nang ganito!" sigaw naman ni Bagwis na hindi na nakapagpigil.

Tumalim ang titig ng manager dito. Saka nito hinawakan ang panga ni Bagwis. "Sinasagot mo ako? Kailan pa kita binigyan ng permisong sumagot? Nakakalimutan mo ba kung sino kaming lahat dito!"

Si Bagwis naman ang bumagsak ngayon matapos makatikim ng mabigat na suntok mula sa lalaki.

Tinulungan din itong makatayo nina Adan at Diego. "Pagpasensiyahan n'yo na po! Kami na po ang bahala sa kanila. Mamaya po, babalik kami agad sa trabaho. Pangako!" pakiusap ni Adan sa malumanay na tinig.

"Bilisan n'yo dahil hindi ang oras ang maghihintay sa inyo, mga walang kuwenta!" huling sigaw sa kanila ng manager bago ito muling lumisan.

Ibinagsak ni Bagwis ang kamay ng dalawang kaibigan. "Ba't kasi hindi n'yo 'ko hinayaang sagutin 'yun, eh! Sumosobra na, eh! Akala mo kung sinong siga rito! Akala niya hindi ko siya kayang pantayan kung palakasan lang naman ng kamao!" asik ni Bagwis at muling hinaplos ang bahagi ng mukha na tinamaan.

"Ano ka ba! Walang magagawa 'yang pagmamatapang mo rito! Lalo lang tayong mapapahamak sa ginagawa mo! Umayos ka nga!" bulalas sa kanya ni Adan.

"Kayo ang umayos! Kaya umaabuso dahil nagpapaabuso naman kayo!"

"Sige nga, labanan mo nga sila! Sugurin mo 'yong tao at pakitaan mo ng tapang mo! Tingnan nga natin kung may magagawa ba 'yon para makalabas tayo rito!" sagot naman dito ni Diego.

"Ano ba! Tama na!" sigaw sa kanila ni Luntian. "Kahit anong pagmamatapang o pagmamakaawa pa ang gawin nating lahat dito, walang makikinig sa atin! Walang makakalabas! Kaya magbalik na lang kayo sa trabaho at baka may milagro pang dumating! Babantayan ko lang saglit si Ampa tapos babalik na rin ako!"

Makisig: Muay Thai WarriorWhere stories live. Discover now