Kabanata 16: Ang Plano ng mga Katawi

60 9 1
                                    

Kabanata 16: Ang Plano ng mga Katawi

HATINGGABI na natapos sa lahat ng trabaho ang mga Katawi. Muli na silang pinabalik sa kanilang silid na mukhang selda dahil sa dilim at disenyo ng paligid. Sapat lang ang laki niyon para magkasya silang lahat doon. Iyon nga lang, sobrang init sa loob dahil bukod sa siksikan sila roon ay wala ring bintana.

Ngunit hindi na iyon pinoproblema ng mga Katawi. Dahil ang nasa isip nila ngayon ay ang bago nilang plano na kaninang umaga pa nila lihim na pinag-uusapan.

Nang maramdamang nakalayo na ang mga tauhan, doon nila ipinagpatuloy ang kanilang usapan.

"Bagwis, ano nga ulit ang plano?" tanong ni Diego sa kaibigan.

"Bukas, uutusan kami ni Adan sa ikalimang palapag para magbuhat ng malalaking kahon na dumating kanina. Tapos narinig ko rin kay boss na may mahalagang meeting daw na magaganap sa basement, kasama nila si Maskara doon. Kaya sigurado ako, lahat sila pupunta sa basement bukas. Habang nagtatrabaho kayo rito sa baba, kami ang magmamasid ni Adan sa taas habang ginagawa namin ang trabaho namin doon. Kapag nakita naming bumaba na silang lahat, kami naman ang susunod na bababa rito. Tapos si ikaw naman, Diego, ikaw ang magiging mata natin dito sa baba. Kapag nakita mong wala na silang lahat, doon lang natin gagawin ang pagtakas."

"Pero, Bagwis, 'di ba may CCTV sila sa bawat pinto sa baba? Baka makita tayo!" asik naman ni Rajana.

"Iyon na nga, eh! Kaya nga kailangan din talaga naming umakyat bukas! Ako na mismo ang pupunta sa silid na iyon. Nasa ikalimang palapag din kasi ang silid kung saan nag-o-operate 'yung CCTV nila. Bago kami bumaba rito, papatayin ko na iyon para hindi nila tayo makita!"

"S-sigurado ba tayo sa gagawin natin? B-baka lalo pa tayong mapahamak nito!" pakli naman ni Luntian.

"Bukas na ang tamang pagkakataon na hinihintay natin! Iyon na lang ang pag-asa nating makatakas! Kapag nasa basement na silang lahat, at kapag napatay ko na 'yung mga CCTV sa ikalimang palapag, wala nang makakakita sa atin!"

Sumang-ayon ang lahat kay Bagwis.

"Bathala, gabayan n'yo po kami sa aming gagawin. Tulungan n'yo kaming makalabas dito sa lalong madaling panahon!" dasal naman ni Ampo Sinag na nakasandal sa sarili nitong puwesto.

Samantala, sa loob ng security room ay kasalukuyang nakikinig ang dalawang tauhan sa usapan ng mga Katawi. Lingid sa kaalaman ng mga ito, may recording device sa loob ng kanilang silid. Hindi lang doon, pati na rin sa bawat sulok ng buong building na iyon!

PAGKAPASOK ni Maskara sa isang silid, bumungad sa kanya ang nag-iiyakang mga Katawi. Ngunit nang makita siya ng mga ito, agad nagbago ang timpla ng kanilang mga mukha. Para silang mga leon na bigla na lang umatungal.

"Hayop ka! Pakawalan mo na kami rito! Nakuha mo na ang lahat sa amin! Huwag mo na kaming pahirapan paaaaa!" sigaw ni Ampa Andora. Hindi nagtagal ay bigla itong nahilo dahil sa labis na emosyon kaya inalalayan ito ng ibang mga katutubo.

"Ayan tuloy! Aatakihin ka pa sa ginagawa mong 'yan, eh!" panunukso niya sa matanda.

Sabay-sabay na nagsigawan ang mga Katutubo. Iisa lang ang lumalabas sa mga bibig nila: ang kanilang kalayaan.

"Huwag kayong mag-alala. Ngayon din mismo, makakamit n'yo na ang kalayaang hinihingi n'yo. Matatapos na ang paghihirap n'yo!"

"Pakakawalan mo na ba kami?" umiiyak na tanong ni Rajana.

"Hindi. Papatayin ko na kayong lahat! Hindi ba't gusto matagal n'yo nang gustong makalaya? Heto na! Ibibigay ko na! Palalayain ko na kayo! Pero hindi rito sa headquarters ko. Kundi sa mundong ito mismo!"

Makisig: Muay Thai WarriorWhere stories live. Discover now