Kabanata 27: Ang Mahiwagang Babala

23 7 0
                                    

Kabanata 27: Ang Mahiwagang Babala

NASA Maynila muli si Agustus para sa mga business projects niya na dadalhin sa Mindanao. Dahil traffic sa EDSA, naisipan ng driver niya na humanap ng ibang ruta para makarating agad sa paroroonan nila.

Isang tahimik na kalsada ang nadaanan nila. Sa bandang kanan ay may mga puno at matataas na damuhan. Sa bandang kaliwa naman ay malawak na pader na punong-puno ng mga sulat-kalye.

Habang bumibiyahe sila roon, abala si Agustus sa kausap sa telepono. Nasa tabi naman niya si Nasser na may sariling mundo rin. Habang si Coach Andres ay nasa bandang dulo nila at ito ang naging tagabantay ng mga gamit nila.

Napalingon si Agustus sa bintana. May nabasa siya sa isang sulat sa pader na umagaw sa atensyon niya: The Revenge Tour is Coming.

Bigla siyang may naalala roon. Nawala na tuloy sa pandinig niya ang sinasabi ng kausap sa cellphone. Masyadong natuon ang tingin niya sa sunod-sunod na mensaheng nabasa sa pader.

The Revenge Tour is Coming.

Judgement Day is Coming.

Deadman is Coming.

I am Coming for You.

Nangunot ang noo niya sa mga nabasa. Napilitan na siyang ihinto ang tawag at inagaw ang atensyon ni Nasser.

"Hoy, tingnan mo nga ito!"

Binasa naman ni Nasser ang mga nadaanang sulat sa pader. "Revenge Tour? Is Coming?"

"Hindi ba parang pamilyar?" sagot agad niya rito.

"Oo nga, boss! P-parang iyan din yung kaparehong mensahe na nakasulat doon sa package 'di ba? 'Yung may patay na uwak?"

"Sino nga kaya ang gumagawa nito? Masyado na siyang pabida. Masyado na niyang ginagambala ang oras ko!"

Ngunit kung kailan nagsisimula pa lang kumulo ang dugo ni Agustus, nasundan pa iyon ng mas marami pa. Dahil paglingon nila sa dinadaanan, bumungad sa kanila ang napakalaking mga karatula at billboard na nakalagay sa paligid.

Pare-pareho lang din ang laman ng mensahe.

The Revenge Tour is Coming.

Judgement Day is Coming.

"What?! Pati ba naman dito?" kunot-noong komento ni Nasser habang binabasa iyon.

Napahinto na ang driver niya para makiusyoso na rin. Doon nakita nang malinaw ni Agustus ang mga sign board. Ewan niya pero bigla na lang siyang kinutuban. Agad niyang inutusan ang driver na huwag nang tumuloy roon.

Kaya naman walang nagawa ang driver kundi bumalik sa daan patungo sa EDSA. Titiisin na lang niya ang matinding traffic kaysa isugal ang buhay sa kung anumang nakatanim na panganib doon.

Habang tumatakbo ang sasakyan, naglalagablab ang apoy sa mga mata ni Agustus. Mayamaya ay may tinawagan siya.

"Hello?"

Agad sumagot ang nasa kabilang linya.

"Oh, yeah, Mr. Agustus! Kumusta ka na? Long time no see again! Congratulations nga pala sa opening ng Valentino Land!"

"Thank you, Captain Berdugo! But listen, I really need your help right now."

"Sabihin mo lang, Mr. Agustus. I am here to help!"

"May nananakot sa akin dito! I don't know but I think someone is after me! Pakiramdam ko nasa panganib ang buhay ko! Parang may gustong magbanta sa akin!"

Makisig: Muay Thai WarriorOnde as histórias ganham vida. Descobre agora