Kabanata 28: Ang Misteryosong Regalo

24 9 0
                                    

Kabanata 28: Ang Misteryosong Regalo

MAGKASAMANG kumakain sa agahang iyon ang mag-amang Valentino. Mamayang hapon ay luluwas na si Dominick sa isang venue sa Maynila kung saan gaganapin ang Atlas Grand Tournament. Kaya naman pinagluto siya nang ganoon kasarap ni Agustus.

"Thank you again for this breakfast, Dad! And good luck to the opening of Valentino Land later!" bati niya sa ama. Mamayang gabi na kasi gaganapin ang grand opening nito at sa kasamaang palad ay hindi siya makakadalo dahil magiging abala siya sa sariling lakad.

"Kumusta na nga pala ang preparations mo para sa Atlas?" masayang tanong sa kanya ng ama.

"Well, pupuntahan ko na mamaya ang room ko roon. Doon ko na hihintayin ang laban ko para bukas sa qualifying match. Saka marami pa kasi akong mga aasikasuhin doon kaya kailangan ko talagang pumunta. Sorry kung hindi ako makakasama sa grand opening mamaya."

"It doesn't matter, Son! Unahin mo 'yang Atlas dahil mas importante sa atin 'yan. Kapag naipanalo mo 'yan, tayo na ang magiging pinakamakapangyarihang pamilya rito sa buong Asya! Dahil lahat ng mas malalaking koneksyon ay sa atin na mapupunta!"

"Don't worry about it. Wala nang makakatalo pa sa akin sa lagay kong ito, Dad. Everything will be on our hands now!" may pagmamalaking sabi ni Dominick.

Nahinto ang kanilang pag-uusap nang pumasok ang isang tauhan. "Mayor, may parcel po kayo!"

Agad tumalim ang mukha ni Agustus dito. "What the hell is this? Ano'ng parcel ang pinagsasasabi mo d'yan? Ano'ng tingin mo sa akin? Ako ba 'yung tipo ng tao na umo-order sa mga pipitsuging online shopping apps na 'yan para magkaroon ng parcel? Kanino galing 'yan?"

"Ah, eh, h-hindi ko po alam, eh. Ang sabi po kasi, para sa inyo lang daw po."

"Bullshit!" Ibinagsak ni Agustus ang hawak na tinidor. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag kayong tatanggap ng kung anu-anong package nang hindi ko alam! Ako ang magsasabi sa inyo kapag may inaasahan akong package na darating! Maliwanag?"

"S-Sorry po, Boss!"

Pero kinuha pa rin ni Agustus ang kahon dahil naku-curious siya sa kung ano naman kaya ang nilalaman nito. Pagkabukas niya sa kahon, laking gulat niya nang makakita ng pugot na ulo roon! At nang mamukhaan niya kung kanino galing ang ulo, doon siya nagsisigaw at napaatras. Muntik pa siyang tumaob sa upuan niya.

"What happened, Dad?!" alalang tanong ni Dominick sa kanya.

Ngunit dahil sa pagtayo nito, nahulog din nito ang hawak na kahon. Doon gumulong ang ulo na laman niyon! Pati siya at ang lahat ng mga tao roon ay napasigaw na rin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ulo ni Kapitan Berdugo ang nasa harap nila ngayon!

"Ilayo n'yo sa akin 'yan! Ilayo n'yo 'yaaaaaan!" takot na takot na sigaw ni Agustus habang maluha-luha ang mga mata.

Bukod sa pugot na ulo, may isang papel ding nahulog mula sa kahon. Pinulot ni Dominick ang isa at ipinakita sa kanya. "Dad, read this!"

Binasa nga niya ang sulat.

"Kung inaakala mong mapapahanap mo ako, nagkakamali ka. Hindi mo ako kilala. Hindi mo rin alam kung nasaan ako. Pero ako, kilalang-kilala kita. At alam na alam ko rin ang bawat kilos mo, ang lahat ng pinupuntahan mo, pati ang lahat ng tungkol sa buhay mo!"

Lalong kumabog ang dibdib ni Agustus sa nabasa. Nilukot niya ang papel at itinapon. "Sino ba ang gumagawa sa akin nito! Sinoooooo!"

Tinawag ni Dominick ang atensyon ng lahat. "Hoy, kayo! Bakit wala kayong ginagawa? Hanapin n'yo ang taong gumagawa nito sa dad ko! Baka manggulo pa ito sa grand opening mamaya! Siguraduhin n'yong maayos ang security mamaya!"

Makisig: Muay Thai WarriorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum