Chapter 1 - The News

29.9K 260 13
                                    

“I’m sorry to tell you hija, but it’s true, any time soon you’ll-“

“Tito Ron! Stop! Tell me you’re lying. No, maybe there are some mistakes. Maybe you got it all wrong.”

Umiling siya.

“Truth hurts. YOLO hija, so live your life to the fullest. Stop wasting your life.  Cut off your old and bad habits. It’s true Babe.”

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan habang kausap ko ang tito kong Doctor na si Dr. Ronald Castro.

Nandito ako ngayon sa hospital na pagmamay-ari ni Tito Ron.

Sinabi niyang…

UGH! Hindi ko kayang isipin pa!

Tumayo na ako at naglakad palabas ng room na yun.

Para akong lantang gulay na naglalakad.

Ayoko pang mamatay.

Ni hindi ko pa nga natry mainlove e.

Ang bata ko pa, fourth year high school palang ako. At gusto ko sana na before I die, I wanna experience the feeling of being in love.

At dahil sa frustration at depression ko, nakapag decide ako ng isang bagay na magkakaroon ng napakalaking epekto sa buhay ko.

I called my besties Steph and KC.

Pinapunta ko sila dito at sinabing they’ll be here in 5 minutes.

At mga 2 minutes palang yata ay nakarating na sila.

Someday (Soon to be published)Where stories live. Discover now