Chapter 64 - Her Soul (Part 1)

12.3K 117 27
                                    

 Napatayo ako mula sa aking pagkakahiga. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko.

Masyadong maliwanag sa kwarto ko. At ang liwanag na yun ang siyang nanggising sa akin.

Bigla namang nagbukas ng malakas yung pintuan ng kwarto ko.

“Y-Yasher?”

Umupo si Yasher sa sahig saka yumuko. Hindi ko masyadong maaninag ang expression sa kanyang muka dahil sa kanyang pagkakayuko. Ngunit alam kong sa mga pagkakataong ito, nasasaktan siya.

Nararamdaman ko iyon.

“Yasher what’s wrong?”

Nag-aalangan akong lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lapitan siya at lumapit. Hindi ko alam kung ito ba ay takot.

Natatakot akong malaman ang katotohanang maari kong malaman sa oras na lumapit ako sa kanya at hawakan siya.

 

Nagsalita ako ng nagsalita pero parang hindi niya ako marinig.

 

“Yasher, will you please talk to me?”

Someday (Soon to be published)Where stories live. Discover now