Chapter 50 - What happened?

13.1K 105 3
                                    

Sinubukan kong magpumiglas.  Ayoko siyang Makita! Ayoko maalala lahat lahat!

“Get off me!”

“Hahahahaha! Why Nic? Don’t you miss me?”

Humiwalay siya at hinaplos niya yung pisngi ko.

“You changed. You look prettier dear.” He said as he tries to kiss my neck.

“Bitawan mo ako! Bitawan mo ako Sean! ” Pero sinipa sipa ko siya.

Bigla naman akong hinawakan nung ibang mga lalaki. Help me Yasher, ayoko dito. Gusto ko nang umiyak. Pero ayoko ipakitang takot ako. Pero sobrang takot na takot na ako.

Matagal ko na siyang kinalimutan. Pero ngayon, bumabalik na ulit lahat ng mga alaalang binaon ko na sa limot.

Siya si Sean. Ang rason kung bakit ako nagka philophobia noon. I was elementary that time. Simula yata kinder ako, gusto ko na siya. Pero hindi niya ako pinapansin.

Hanggang sa isang araw, nagulat ako nung lumapit siya sakin at kausapin ako.  Simula non, palagi na siyang lumalapit sakin. Ang saya saya ko noon.

 At isang gabi, tinawag niya ako para sa isang dinner date kaya naman pumayag ako. Natuwa ako kasi baka magtatapat na siya sakin.

 Pero nagulat ako nung sa condo niya ako dinala. At doon ko nalaman na, isa lang pala ang gusto niya sakin kaya niya ako nilapitan. Pinagtangkaan niya ako.

Someday (Soon to be published)Where stories live. Discover now