Chapter 37 - Lagot na

14.1K 128 3
                                    

(Classroom)

Pauwi na kami nang biglang may tumawag sakin.

"Babe!"

Napalingon kami. Kasama ko kasi sina Steph,  KC, Mico. King at ang twins. Simula noon, hindi na nila ako iniwang mag-isa. Lagi nila akong pinapatawa.

"Guys.. Pwede bang um.." Parang hindi masabi ni Lorraine yung gusto niyang sabihin. Tumingin siya kay Yasher.

"You can do it."  Mahinang sabi ni Yasher. Ok. Selos virus attacking!

"Guys, pwede bang sumama kayo sa hospital? Kasi gusto ni mama na makilala yung mga friends ko. Wala naman talaga akong friends e. I just wanna make my mom happy. Ayokong alalahanin pa niya ako. Can you help me guys?" Lorraine

Napansin kong nagtinginan sila. Alam kong ayaw nila pero iniisip ko yung mom niya. Alam ko yung pakiramdam ng mawalan ng mama. Ayokong pahirapan yung mom niya..

"Sure. Now na ba?" Nasabi ko na bigla. Parang nagulat naman sila lalo na si Yasher.

"As expected." Narinig kong bulong ni Mico.

"Yeah. Thank you so much Babe!" Sabi ni Lorraine saka lumapit sakin at niyakap ako.

(O.O)

Lahat kami ay nabigla. Mabait din pala siya. Sana hindi siya plastic. Sana totoo tong pinapakita niya ngayon. Dahil kung hindi... naloko na ako.

Someday (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon