Chapter 35 - Love Square

14.7K 113 6
                                    

(Morning)

Kinakabahan akong pumasok sa school. Hindi dahil sa may quiz o exam. Pero  dahil magkikita nanaman sina Lorraine at Yasher. Babalik kaya yung feelings niya kay Lorraine? Marerealized ba niya na siya talaga yung mahal niya? Waaaaa! Mababaliw ako kakaisip dun.

“Hoy babae!”

“Ay mababaliw! Ano ba naman Steph, bat bigla bigla kang sumisigaw jan?”

“E baka malunod ka na sa iniisip mo e, ano bang iniisip mo jan?” Steph

“Nakita namin yung mga pictures niyo, kalat na sa net. Mahirap pala  pag dalawang famous yung naging mag-on, ang bilis niyong sumikat. Nagdate pala kayo nung Saturday sa mall. Pero infairness ang ganda nung shirt niyo ha, kayo nab a? Yiee!” KC

“Kasi ganito yan.. Naalala niyo nung nasa condo niya kami ni Bie? Ganito-” Kwinento ko sa kanila lahat lahat ng nangyari, maaga kasi kaming pumasok ngayon.

“OMG! Really? I think may love triangle dito.” KC

“Love triangle?”

“Gusto ka ni Mico, gusto ka din ni Yasher.” Steph

“Mga baliw, may girlfriend na si Mico.”

“Pero inutusan mo lang naman siyang gawin yun ah. Diba? Mahal ka ni Mico kaya ginawa niya yun. Oh kasali pala si Lorraine, which makes it a love square. Gusto mo si Yasher na gusto si Lorraine na gusto ni Mico na may gusto naman sayo.” Steph

Someday (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon