omega

5 1 0
                                    

Zoleira

Nasa isang paraiso ako ngayon, nakamahabang dress at may sandals pa na gold. Chiton yata ang tawag sa suot na ito, hindi ako sure. Tumingin ako sa kapaligiran, hanggang sa makita ko ang isang babae na maganda. May hawak itong mga prutas at gulay.

"Who are you to stare at me, demigod.."

Napaismid ako dahil sa hindi ko mawari kung tanong ba o sabi lang n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya ng marealize ko na sabi nga lang n'ya iyon, lumapit ako roon at tinulungan s'ya na magpitas.

"Why are you helping me, demigod? I, the Goddess of Spring, Vegetation and Queen of Underworld does not need any help from a demigod." She said full of authority. Ngumiti naman ako sa kan'ya at pinaningkitan n'ya ako ng mata, malumanay lang s'ya kumilos pero halatang kaya akong ihagis sa ilog. "I would not hesitate to told my husband to throw your soul in Underworld." Sabi n'ya sa akin dahilan para mapalunok ako. Hindi ko pa rin alam ang ibig n'yang sabihin pero nakakakilabot.

Napaatras tuloy ako dahil sa sinabi n'yang iyon at bumalik sa puwesto ko kanina. Ngumiti naman ito sa akin, nakita ko sa peripheral vision ko. She's not mad. Ayaw n'ya lang talaga na tulungan ko s'ya. Nakita ko na nagpatuloy s'ya sa pamimitas hanggang sa may bumukas na bilog, mukha itong black hole. Pumasok s'ya roon at kumaway muna sa akin bago s'ya naglaho.

Napabuntong hininga ako dahil mukhang hindi ako makakaalis dito. Ano ba kasing nangyari sa'kin? Patay na na ako? Hindi pa naman yata dahil nasasaktan pa rin ako sa sampal ko eh. Huni lang ng mga ibon ang naririnig ko at pagaspas ng mga uwak.

"I'm so glad that you, A daughter of Cronus is here." Biglang may nagsalita galing sa likod ko kaya ako napatayo at napaatras na naman, muntik pa akong mahulog sa ilog pero nahawakan ako kaagad ng isang babae. "I did not know that her daughter is kind of dramatic, mas bagay kang maging isang anak ni Apollo." She said with disgust on her face.

Napaismid naman ako dahil sa sinabi n'ya. I don't know what she is talking about. Wala akong ideya sa sinasabi n'ya at kahit sa sinabi ng babae kanina. Anong daughter of Cronus? May pangalan bang 'Cronus'?

"A daughter of Cronus and Goddess of love, desire, and beauty, Aphrodite; an oracle of Nyx, the Goddess of night and darkness." Sabi n'ya dahilan para mapakunot ang noo ko, "You're such a blessful demigod." Tuloy n'ya pa.

Daughter of Cronus and Aphrodite?

Magulang ko sila?

Napatingin ako sa babaeng kaharap ko na nakangiti sa akin. May hawak itong shield at korona.

"H-hindi ko po alam ang s-sinasabi mo." Sabi ko sa kan'ya.

"And now you know. Wake up, lazy."

"A daughter of Apollo is standing right infront of you when you wake up." Pahabol n'yang sabi.

Naramdaman ko na naman ang panibagong hilo kaya naiyak ako sa sakit.

Sa paggising kong iyon ay nakita ko ang isang babae na nakatingin sa akin. Nilibot ko muna ang paningin ko kung nasaan ako, wala na rin ang hilo ko.

"Sino kayo?" tanong ko at napamaang naman ang dalawa.

Malumanay naman na ngumiti sa akin ang isa bago lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay na s'yang ikinagulat ko. Hindi ko naman kasi sila kilala at in shock pa rin ako dahil sa mga nangyari sa akin ngayong araw.

Ikaw ba naman makakita ng dragon tapos kalaban n'ya yung driver ng sasakyan na gamit ko papunta rito sa school, tapos bugahan pa ng apoy ng isang dragon na nagagalit at tsaka pagtigil ng oras pati ang pagbalik.

And then that strange dream. Hindi ko na alam kung anong pagsusunod-sunurin ko, ayan tuloy diretso morgue ako.

"Wala ka sa morgue," natatawang sabi n'ya sa akin.

"Nasa clinic ka ngayon." Sabi naman ng isa na kanina ay napamaang sa akin. "Mamaya ay pupunta na tayo sa dorm, nandoon na rin ang gamit mo." Sabi nito sa akin at bahagyang ngumiti.

Nagulat na lang ako na bigla akong nakaramdam ng sakit dahil lang sa ngiting binigay sa akin ng babae. Hindi ko alam kung bakit ko 'to naramdaman.

"I am Niah, a Daughter of Athena, an Omega." Pakilala n'ya, she extended her arm to me for a shake hands kaya naman tinanggap ko 'yon.

"Hello! Ako si Solana, but you can call me Sol because that's my alternative name! A daughter of Apollo, an Omega!" Hyper na pakilala ng nagngangalang 'Sol', napangiti naman ako. S'ya pala iyong sinasabi ng babae na nasa panaginip ko.

"Pasensya ka na kay Niah at Solana. I am Heaven, but you can call me Heyah. A daughter of Aphrodite, an Omega." Sabi ni Heyah sa akin at ngumiti.

Nadadala tuloy ako sa ngiti na binibigay sa akin ni Heyah, napangiti na rin ako dahil sa kan'ya. Napansin ko rin na may pagkakahawig s'ya sa amin ni Ate Eurydale, napasimangot ako dahil namiss ko bigla si Ate. I know that she's doing fine pero hindi pa rin sapat iyon. Nag-aalala ako sa kan'ya, dahil baka nagpapakita rin sa kan'ya ang mga babae sa panaginip ko.

Napatingin ako kay Heyah ng kuhanin n'ya ang aking kamay at nilagay ang isang blossom na bulaklak. Matamlay na ito pero nagbloom ng itapat n'ya ang kan'yang kamay doon, napatalon naman si Sol dahil sa nakita n'yang ginawa ni Heyah.

"We want to know you bago ka namin tanggapin sa class." Sabi ni Niah gamit ang mautoridad n'yang boses.

"I am Zoleira Haydel Gvlehr, I don't know the daughter thing, an Omega based on my schedule." Sabi ko, natawa naman si Sol sa'kin at biglang pinisil ang pisngi ko.

I awkwardly laugh because of what she did. Sinaway naman s'ya ni Niah kaya naman mukha na s'yang iiyak.

Hinawakan ko ang kan'yang kamay at pumikit bago s'ya nginitian at tinanguan. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, kahit nga ako ay nagulat because of what I have done. Hindi ko naman ito gawain, maliban na lang kung kay Ate ko iyon gagawin.

"Tahan na, Sol." Sabi ko at tumahan nga s'ya, nakita ko na kumunot ang noo n'ya.

"Are you perhaps a daughter of Aphrodite too?" tanong ni Niah.

"That's impossible, Niah." Sabi ni Heyah at tumingin sa akin.

"It is possible, Heaven. Nakalimutan mo na yatang Olympians ang mga magulang natin, kaya nilang palakihin ang pamilya nila." Sabi ni Niah gamit ang seryosong boses, tumabi naman sa akin si Sol na mukhang nanginginig.

Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Palibhasa ay bago pa lang ako sa academy na ito kaya hindi ako maka-relate.

"I will talk to Aphrodite later. I want to make things clear," mautoridad na sabi ni Heyah bago umalis sa clinic.

"I'm so sorry about that, Zoleira. Ayaw lang talaga ni Heyah na may kapareho s'yang ina o deity," sabi ni Niah.

Ngumiti lang ako bago tumango. Ayaw kong mag-isip ng kung ano dahil mukhang maganda ang magiging start ng school year ko. Excited na nga ako e.

Ano muna ang deity?

At bakit ayaw ni Heyah na may kapareho s'ya?

Pinagmasdan ko ang pintuan na pinaglabasan ni Heaven bago napaisip na naman. Ayon kay Niah ay dapat bukas pa ang alis ko ng clinic pero dahil nga matalino s'ya ay nabigyan n'ya ng palusot ang doctor. Kaya pwede na akong lumabas mamaya at dumiretso raw sa dorm nila dahil nga isa ako sa Omega Class. Ang senior ng mga classes dito.


AwakenLune

Demigods AcademyWhere stories live. Discover now